Page 11 Science Project sabay Math Facilitator

177 3 0
                                    

//11//

Sept 19

Gagawa daw kami sa cartolina ng advertisement. Ano ba yan! Ba't ako pa ang bahala sa design... ang Pangit ko kaya magdesign. Sure ako pag ni present ito mapangit at di maganda, di panalo. Sabahin na nating na may nangyari kay Chris. Tinamaan nya ng parang juice sa mata. Ang sakit nun sa mismong mata.

Gusto ko sana sya tulungan pero di kmi masyadong nag uusap ngayon eh. Dahil siguro kailangan ko muna tumaas ng grades ngayon. Binabalewala ko na lng ang mga kiliti nya.

Sept 20

Araw na ng Science Investigatory Project namin. Math Club ako at di ako nakapanood ng science. Math Facilitator kami mga dumalo at magpapalaro sa mga bata. Nasa Math club kmi tapos nasa labas kmi ng classroom ng club namin. Biglang may nagtanong na babae.

"Where's your teacher" sabi nya tapos tumingin sa loob sabay umalis na.

"Where's your teacher?" sabi ng isa naming ka member na may kasamang actions na nakakatawa.

Nakakatawa kaya lagi ito ang pampatawa sa amin.

Nag break time na at sumaglit kami sa Gym kung saan isinasagawa ang Science Investigatory. Pag dating namin section na pla namin ang nagprepresent.

"Ang pangit nung nasa cartolina" nakinig ko sa ibang bahagi ng gym

Alam ko na eh ba't kasi ako pa? ako pa?

Bumalik na kami at tinapos na namin ang aming gawain. Balita namin kami ang Nanalo sa grade namin.

Pero sure ako mababa ang grade nung nasa cartolina.

 Sept. 24

Eto nakatambay sa harap ng room. Nawawala daw yung susi eh naiwan yata sa bahay ni mam. Yung pati maiingay pinabilin ni mam sa ibang section. Grade 7 Gumamela si Chris. Makikita nya ang dati nyang crush.

Hinihintay lang namin mabuksan ang classroom. Pero bawal pa rin gumamit ng electronic device kahit wala kaming klase.

Lumipas ang 30 mins at nabuksan na rin ang room. Di ko alam kung paano at ang importante ay makakapasok na kami sa loob. Pinabalik na pati ni Mam ang mga maiingay naming kaklase. Dahil na likod ko lang si Chris, sya ang kumakausap sa akin.

"Ah Kate nalaman mo na ba na M.U (Mutual Understanding) kami ni Anne?" tanong sa akin ni Chris

"Oo dahil kakasabi mo lang naman eh" sabi ko

Mukang nagulat pero sa tingin ko sinadya eh. Nagsimula pati ang mga lessons. Kami ang masyado maingay at minsan na lang ako nakikinig sa teacher. Nabagsak na pati ako sa mga quiz ko. Ano ba ang nangyayari sa akin? Dahil ba sa dahilan na maiingay ang nakapaligid sa akin.

Bad Idea pala minsan pag pinagtabi ang maingay na walang alam at tahimik na matalino. Na aapekto ang tahimik at unti unti naingay.

Labasan na pero ni try ko lang tumambay sa isang kubo. Wala lang emote lang. Pwede naman yun ah... tambay muna bago uwi. Pero bago ako tumambay bumili muna ako ng C2. Baka naman di nyo yun alam "C2", inumin na tea na may cover at takip na kulay pula na binibili ng karamihan ng estudyante sa aking school.

Nag-isip isip tungkol sa nangyari ngayon. Di ako nagbabasa ng libro. Laging na gamit ng internet. Nababa sa quiz. Less recitation... etc. Nang bigla kong naisip na malapit na pala B-day ng Ate ko at ng Pinsan kong napaka cute. Ano ireregalo ko sa kanila?

"KATE" may narinig ako may tumatawag sa akin.

Tumigin ako kung saan galing ang sigaw at nakita ko si Chris na nakaway habang paalis. Kumaway rin naman ako bilang... Bye bye? pwede, Hindi para naman kasi ako masama ang ugali pag di ako kumaway pabalik eh. Sabay nakita ko si Aya tatambay sa tabi ko.

Diary ng Highschool GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon