Isang buwan na ang lumipas mula nung dumating ako dito sa Kaharian ng aking ina at Lola. Mabilis kong napick up ang paraan ng pamumuhay nila dito. Bawat kanto at bahay ng mga mamamayan na nakatira sa kaharian ko'y dinalaw ko . Si Dom naman ay gabi gabi kaming magkasama sa iisang kuwarto oo parang magasawa na nga kame eh . Sa umaga naman ay nakatutok ito sa kanyang trabaho bilang tagapamahala ng kaharian ko.. Hindi ko parin natutunan ang pagsasalita ng Elvish language hirap na hirap parin ako kaya dumedepende parin ako sa inumin na nakakatranslate ng mga salita sa isip at bunganga ko.
Araw araw ay nilelecture naman ako ni Samson kasama ang mga batang maliliit dito sa isang silid ng kaharian. Ginawa nya kasi itong paaralan itong silid na ito .
Eto ako nakaupo kahilera sa mga batang kakaklase ko. Ang cute lang nila pero yung itsura nila ay mukhang handa sa kung anu mang gyera ang magaganap . Sa klase na ito ay dito namin malalaman kung saan kami mabibilang sa tatlong elemento Hangin Apoy at Lupa. Si Dom lang kasi ang kaisa isang Elf na tubig .
Ako kaya? Alin kaya yung sa akin? Gusto ko rin ng Tubig pero mukhang mahirap dahil walang eksperto sa pagtuturo ng arte sa larangan ng tubig. Si dom naman ay ayaw niya din akong turuan kung sakali ay tubig ang sa akin. Natatakot siya na baka masaktan nya ako, ang huling gamit niya ng kapangyarihan nya ay nagdala ng malaking pinsala sa isang maliit na village . Kaya natatakot sya baka ako na yung mapinsala niya.
" sa araw na ito ay lalapitan kayo ng tatlong maliliit na crystal na nasa likod ko at kung alin man ang lumapit sa inyo ibig sabihin iyon ang elementong nararapat sa inyo" bakas sa mga kaklase ko ang tuwa . Ako rin naman eh excited na excited.. Sampu lang ang studyante ni Samson kabilang ako.
Lumapit si samson sa apat na crystal at inilabas niya ang tatlo sa lalagyanan nito na gawa sa salamin. At lumutang na ang tatlo na pasayaw sayaw sa hangin.
Nakakatuwa lang ganyan din yung apat na crystal nung dumating ako.
" ang mga Crystal na ito ay mula sa Apat na Sagradong Crystal na lumulutang sa ibabaw ng kaharian na ito . Tanggapin niyo ng lubusan ang Elementong na lumapit sa inyo" kaya nagsitayuan na sila at gumaya rin ako.
Nagsitigil sa pagsasayaw ang tatlong maliliit na crystal . At dahan dahan tong lumapit sa mga kasama ko .
Natapos na ang pagpipili sa kanila ng elemento at ako na lang ang natitira ngunit bumalik sa pagsasayaw ang tatlong elemento . Kaya nagsitinginan ang lahat sa akin . Na ako rin ay nagtataka.
Sa isang di inaasahang na pangyayare ang tatlong crystal ay lumapit sa crystal ng tubig at umikot ikot ito sa lalagyan hanggang sa nabasag ang salamin at lumutang ang crystal ng tubig kasabay ang tatlo.
Lahat sila ay napa atras dahil sabay sabay ang apat na lumapit sa akin at pasayaw sayaw sa ibabaw ko .
Unang bumaba ang Crytal ng tubig kasabay ang Lupa, Apoy at Hangin . Na mas ikinagulat ng lahat..
" a... Apat.. Apat nung sa akin Samson?" Tanong ko sa guro namin na nakatungangang nakatingin sa akin.
" nakakagulat.. Pero simula pa lang ay ineexpect ko na ito. Pero ang tubig ay napakahirap turuan dahil walang experto ang makakaturo sa inyo nito lalo na ang Prinsipe ng tubig na si Dom. Dahil sa delubyong nagawa nito." Pagaalala nito.
Bumalik na ang apat na elemento sa pwesto na ikinalalagyan nila kanina at pinalitan na rin ni Samson ang lalagyan ng Crystal ng tubig.
Tapos na ang clase namin at umuwing tuwang tuwa ang mga kaklase ko.
" Mahal na Prinsipe maari na po kayo bumalik sa inyong Silid at magpahinga. " ang sabi sakin ni samson ngunit gulong gulo parin ang isipan ko.
BINABASA MO ANG
David's Ridiculous Tales ( Boy X Boy Tagalog Fantasy ) COMPLETE - ON REVISION
FantasyThe ridiculous tales begin Boy X Boy TAGLISH Fantasy