" Ugh!! ... psshhhh... " ang tanging tunog na ginagawa ng aking katabi bukod sa tunog ng sinasakyan namin na airship., kanina ko pa itong napapansin na nakasimangot..
sabagay nahalikan lang naman siya ng isang unfamiliar na tao... narcissus .... hmmm..
He's weird. i could feel that he's hiding something.. but for now hahayaan ko nalang muna ito.. as long as hindi ito threat sa amin lalong lalo na sa mga anak ko..
i can still sense him.. so hindi pa nga ito umaalis... so he intended to stay...
" pssshh.... makapag likum nga muna ng hangin...." paalam ng aking kasama na dumiretso palabas ng silid...
humiga ako sa higaan at pumikit ng bahagya... hmmm... haven't felt this comfortable for awhile..
damang dama ko ang katawan ko na relax na relax... ngunit hindi ko namalayan na ako'y tulog na pala.. pero aktibo parin ang special sense ko.. lumagpas na ito sa labas ng airship at napunta sa mga airship na pumapalibot samin... lahat sila busyng busy...
habang palalim na ng palalim ang tulog ko mas lumalawak ang lugar na napupuntahan ng sense ko... pati'y mga hayop sa lupa ay nadadama ko na... ang mga ulap na pumapalibot sa Armada ( ang tawag sa Groupo ng mga airship )
ang sarap damhin ang kapaligiran...
ngunit di nagtagal ay mas malayo na ang nilakbayan ng special sense ko. at may nadako akong isang pressensya... ngunit hindi ko to makita dahil nasa loob ito ng nagkukumpulan na ulap...
Di tumagal ay biglang dumilim ang mga ulap at parang nangangambang kikidlat ito..
At ayon na nga biglang kumidlat ngunit kakaiba ito dahil sa loob mismo ng mga ulap na yon nanggagaling ang liwanag ng kidlat.
May naririnig akong mga boses.. Ngunit puro bulong lng ito..
bigla akong kinabahan kaya pilit kong inimulat ang sarili ko ngunit hindi ko magawa.. bumugso ang takot ko kaya .. mas nilakasan ko pa ang sarili ko at pilit na ginigising ang diwa ko ngunit nabigo ako..
sa kaloob looban ng isip ko ay sumisigaw na ako ng tulong.. nagbabakasakali na may nakakarinig sa akin.. ramdam ko na nauubusan na ako ng hininga at tumitigas na ang bawat parte ng katawan ko..
wala na ... walang nakakarinig saken.. paano na to..
di tumagal ay may nararamdaman akong nakapuwesto sa may dibdib ko.. At may nagpupupmilit isinusubsob ang sarili sa tagiliran ko.. ...kaya bigla kong naimulat ang aking mga mata...
......Gulat.....Hinihingal....
bigla akong napaupo... pilit na hinahabol ang aking hininga..
ano nangyare??? .. at ano yung bagay na iyon?.. at sino ang gumising saken?. kaya napalingon ako sa bawat sulok ng silid.. ngunit wala namang tao...
doon ko napagtanto na may dalawang sanggol na lumulutang sa itaas ko..sa gulat ko ay bigla ko itong hinablot at niyakap ang mga ito..
paano nila iyon nagawa? hindi pa naman sila nakakaintindi ah... hmmm maaring ... nararamdaman lang nila kung may panganib?..... O baka naman dahil sa anak ko tong mga to at nararamdaman nila ang nararamdaman ko..
Kaya napaisip ako pano kaya kung mas special pa sa connection yung pagiging anak ko ang mga to. Pano kung nararamdaman din nila pag akoy nasasaktan o natatakot..
biglang bumukas ang pinto at iniluwal si Dom gulat na gulat at hinihingal..
" ano'ng nangyare at biglang lumake ang nasasakupan ng abilidad mo?.. " pilit na hinahabol ang kanyang hininga..
BINABASA MO ANG
David's Ridiculous Tales ( Boy X Boy Tagalog Fantasy ) COMPLETE - ON REVISION
FantasyThe ridiculous tales begin Boy X Boy TAGLISH Fantasy