Autumnal Equinox

1.4K 43 4
                                    

ilang buwan na rin ang nakalipas mula nung Gabing iyon.. Sa tantya ko November na sa Human world dahil dito sa kaharian ko ay naguumpisa na ang Fall .. At unti unti na ring lumalamig ang kapaligiran.

Alam na rin ni Dom ang Nangyari sa amin ni Halo . Akala ko nung una ay magtatampo ito o magagalit ngunit hindi.... Sapagkat naging mas maingat na ito at mapagalaga saken.. Yung halos 24 hours ko lang siya nasa tabi.

Hindi ko na rin magawang lumabas sa palasyo dahil malaki na masyado ang aking sinapupunan. Ngunit panatag na ako dahil alam kong walang masama ang naganap sa anak ko.. Ang sarap sa pakiramdam habang hinihimas himas ko ang aking tiyan at kinakanta ko pa ito ay gumagalaw ito sa loob ko ngunit ang ipinagtataka ko lang ganito ba dapat ang galaw nito? Dahil nung si mama kay dolly parang calmado ang galaw nito sa loob .

Pero ito? Grabe ang likot.. Kapag kinukwento ko naman kay dom ang nagaganap sa tiyan ko tinatawanan lang niya ako. Pero ang weird eh .. Hindi ko pa to pinasuri sa manggagamot para alamin ang kalagayan ko at ng anak ko..

Ayaw din ni Dom kaya hindi nalang dahil normal lang naman raw ito..

Ngunit may hindi normal ang nagaganap sa katawan ko.. Ang buhok ko ay unti unti ng umiitim.

Wala lang rin daw ito sabi ni Dom normal lang daw to sa mga elf umiiba daw talaga ang kulay ng buhok pag Kabuwanan na.. Oo kabuwanan ko na .

At hindi na ako masyadong nakakatayo dahil ang laki ng tiyan ko . Mostly nakahiga at nakaupo lang ako ..

At bored na bored na rin ako dito sa kuwarto ko.. Habang tinatanaw ko ang kapiligiran ng kaharian na unti unting naayos at may inaayos pa. Dahil giniba nila ang lahat at magtatayo sila ng bago at mas matibay pa..

Ang Shield ng kaharian? Meron parin ngunit invisible na ito . Tanging elf lamang ang makakalabas masok sa kaharian.

Mula nung nagkashield ang kaharian ibat ibang uri ng mga nilalang ang dumadayo sa kaharian tulad ng mga fairies .. Dragons.. Griffins.. And Spirits... Yep. Sinong magaakala na yang mga yan ay hindi katakot takot na mga nilalang..

Kundi dito sa Kaharian ay itinuturing biyaya ang mga iyan. At ang mga ito ay mapaglaro..

Ngunit pinagbabawalan akong lumabas kaya hindi ko ito nakakasalimuha .

Hanggang tanaw nalang muna ako dito sa aking malaking bintana..

Biglang uminit ang silid namin ni dom. Hindi na ko magtataka kung mamaya ay sunog nanaman ang pintuan namin.. Natuwa ako dahil napamahal na sa akin itong isa na iro

" Amrun..." Tawag ko rito . Ngunit hindi ako makalingon rito dahil sa bigat ng katawan ko.. " Tula sinome ( come here )" at sinenyasan ko ito na lumapit sa akin..

Unti unting umiinit ang silid kaya alam ko na kung baket.. Umiiyak nanaman to..

Dahan dahan tong pumwesto sa tabi ko at lumingo ito sa akin .

Tinignan ko ito sa mga mata nito. Umiiyak nanaman... " Mankoi? ( why) " tanong ko rito.

Hindi ko pa to mahawakan sa ngayon dahil balot nanaman sa apoy ang katawan nito dahil umiiyak ito.

Umaksyon ito na parang naglalaro ito at minapula niya ang apoy at gumawa ito ng dalawang bata at binabato siya nito at bumalik muli ang apoy sa katawan nito.. At umiyak nanaman ito..

Siya ang Batang may apoy sa katawan . Pinangalan kong ito Amrun which is Sunrise.. And sa buwang buwan ko itong nakakasama at nagpapaamo hindi ko pa naririnig ang boses nito. Which we all conclude na Mute ito.. Ngunit napakatalas ng kanyang Sense of Hearing..

David's Ridiculous Tales ( Boy X Boy Tagalog Fantasy ) COMPLETE - ON REVISION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon