The Playful Child

1.4K 38 3
                                    

( yung Batang apoy nasa media)

As i watch Braccini and Mithrel Defeated that Man i was so Happy and at the same time worried..

Dahil yung Babaeng lumilipad ay mas naging mas malakas at ang Bata na may kamay na parang lupang lumiliyab ay palapit na ng palapit sa lugar namin ..

nakatutok ang atensyon ko sa Bata . Walang bakas ng kadiliman sa kanya. Walang itim na usok o ano man kundi ang kapangyarihan lang nito na apoy na pinaghalong lupa.

Kalmado lang ito at walang emosyon parang tinorture ito na maging emotionless.. Ni hindi kumibo nung namatay ang Kapatid nito.

isa pang napapansin ko rito ay hindi niya pinapatay ang mga pumipigil sa kanya nilalayo lang nya ito at sinusugatan..

Bawat apak nito sa lupa ay lumiliyab at patungo ito sa kinaroroonan namin.

At huling sundalo ng Hari na lamang ang nakatayo at nagsimula na kumilos ang dalawang sugo ng mga Crystal.

Inilabas nito ang mga sandata at nung itutusok na nila ay hindi ito tumalab at hinawakan ito ng bata nagliyab ang mga ito at lumusaw lang sa apoy ..

Gumamit ng kapangyarihan ang kulay Berde nagpalabas ito ng mga ugat sa ilalim at sinubukang tigilan ang bata ngunit inaapoy lang ito at nabubulog..

Ang Asul naman ay gumamit ng tubig at pinapatay ang apoy sa katawan nito namamatay naman ngunit sumisindi muli . Mukhang mahina ang dalawang ito..

Tumakbo papunta sa bata ang Berdeng dilag at hinawakan nito ang magkabilang braso ng bata sabay luhod . At sa isang iglap nasunog lang ang katawan nito at naging abo.. Kasunod naman ang Asul na sugo niyakap nito ang bata at sa isang iglap nalusaw ang katawan nito..

Wala paring imik ang bata at patuloy parin ito sa paglapit ..

Ngunit biglang namatay ang mga apoy sa lupa at nagsilabasan ang mga tubig rito. Nabigla ang bata ngunit hindi ito umiimik napaatras ito at parang iiyak na ngunit wala talaga akong naririnig dito.

At biglang may tumubong puno na kasing laki ng isang adult na tao . At bumunga ito naging Cherry Blossom.

Niyakap ito ng bata at parang umiiyak na ang bata . Dahil may dumadaloy na parang lava sa pisngi nito galing sa mata.

Hinigpitan nito ang yakap sa puno . At biglang nagliyab ang puno ang kanina lang na kulay pulang apoy ngayon ay kulay asul ito na nilalamon ang buong puno..

Yumuyuko ang puno at parang niyayakap rin nito ang bata . Biglang nagsitayuan ang mga tubig at pinalolooban na ito nung puno . Patuloy parin sa pagliyab ang puno .

Hanggangsa tuluyan na itong nabulok at naging abo ngunit pinalilibutan parin ng tubig ang bata na ngayon ay nakatayo sa loob . Nakatingin ito sa akin at patuloy parin dumadaloy ang lava sa mga mata nto at asul na asul ang mga mata nito..

Inaabot nito ang kamay sa akin at parang nagpapakarga. Aaminin ko naaawa ako rito.

" huwag kang magpapadala nagpapaawa lang yan ng mahawakan mo at tuluyan ka nang makuha " paalala ng hari.

Ngunit iniisip ko yung magiging anak ko. Paano kung kulang lang ito ng pagmamahal.. Paano kung may pagmamahal lang ang kailangan nito..

Paano kung may kabaitan ito sa loob nito ..

Habang tinatanaw ko ang bata na nasa loob ng bolang tubig . Biglang napahawak sa tiyan ko si Samson habang nakatanaw ito sa kawalan..

" You've made the deal? " sabi nito sabay lingon sa akin na ikinagulat ko dahil ang kanyang mata ay kulay Berdeng runes ang mga ito..

David's Ridiculous Tales ( Boy X Boy Tagalog Fantasy ) COMPLETE - ON REVISION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon