Chapter 4

34 4 1
                                    

Rica's pov.

Nandito ako ngayon sa bahay ko at kanina ko pa iniisip kung sino ang maaaring kumuha ng diary..

Kinikilala ko ang mga classmates ko na hanggang beywang ang buhok. Ang alam ko, sina Kiara, Dianne, Selena, at Vivien lang ang may mga long hair eh, karamihan kasi medium lang.

Nagdadalawang isip din ako na pwede ring may iba pang kumuha ng libro na taga ibang room, or kusa nalang iyon naglaho.

....................Kinabukasan...................

At muli, maaga akong pumasok mga 2hrs. before class.

Tinignan ko kung andoon ang diary...
Nagulat naman ako kasi hindi ko inaasahan na nandun ang diary.. Bakit kaya nandoon?

Kinuha ko iyon agad dahil baka mawala nanaman, mahirap na baka tuluyang maglaho nalang ito na parang bula.

Dumeretso na ako ng library para basahin ang diary..

Nang binuksan ko ito.. luma na ang papel at kailangan kong magdahandahan sa paglipat ng pahina at baka mapunit ito agad..

10-14-1977

Naisipan ko ngayong gumawa ng diary dahil gusto kong dito masubaybayan ang paglaki ni *****
ang anak ko.. Masaya ako ngayon dahil succesful ko siyang nailabas..

Teka!! I-ibig sabihin a-anak niya si ***** hindi maaari... pero bakit nandito siya. May balak ba siya?

10- 22- 1977

Maraming salamat dahil maiiuwi ko na ngayon si baby ***** . Buti na nga lang ay mukha ko ang nakuha niya at hindi sa tatay niyang g*go. Oo sasabihin ko, narape lang niya ako.. pero tinuring ko siyang mabuting nobyo. Hanggang sa isang araw ay pinainom niya ako ng tubig na may pampatulog. At nagising nalang ako na masakit ang katawan ko at naging positive ako sa pregnancy test.

10-23-1977

Pupunta ako ngayon sa DEATHINNA ACADEMY kasi mag aaply ako doon para magkapera ako ngayon at para mabilhan ko si baby ng gamit.. Paubos na kasi ang pera ko ngayon at wala namang nagpapautang saakin..

So pumunta pala siya dito para mag apply .. nilipat ko na ito sa next page pero wala nang sulat akong nakikita.. siguro ito na yung last page na huli niyang sinulat..At ito ang kanyang huling araw..

Pinasok ko na ang diary sa loob ng bag ko..

****** SA ROOM******

"LAHAT KAYO! HUWAG MUNA KAYONG UUWI PAGKATAPOS NG KLASE NA ITO! MAY IMPORTANTE LANG AKONG SASABIHIN." ang sigaw ko sa mga classmates ko.

"At ano naman iyon Rica?" tanong ni Kiara

"BASTA!! MAMAYA NIYO MALALAMAN."

Someone's pov.

I think it's time... Oras na nila.... Kailangan ko na silang patayin! Lahat kayo! kasalanan niyo iyan.. kaya kahit anong paawa niyo sakin hindi iyan tatalab! Makuha ko lang ang isang tao, isang taong mahal na mahal at miss na miss ko na, ititigil ko na ang lahat ng ito makuha lang ang anak ko!

**************************

Rica's pov.

Nang matapos na ang klase nag tipon tipon kami ng mga kaklase ko sa gitna ng room, sinigurado muna namin na wala nang tao dito sa school at gabi na rin kasi.

"So anong sasabihin mo? Pakibilisan lang dahil may date pa kami ng boyfriend ko huh?" sabi ni Rhona ang maarte kong classmate.

"Okay, kilala ko na kung sino ang namatay at kung bakit siya naghihigante." mahinahon kong sinabi sakanila.

"Oh? akala ko ba importante? hindi naman.. napaka tagal na yang kuwentong yan tsaka hindi naman iyan importante.." ang sabi ni Kian.

"Maniwala kayo! totoo iyon.. sa oras na magawa na natin ang kailangan niya titigil na siya sa pagkuha ng studyante.. " sabi ko sakanila, bakit ayaw ba nila maniwala?

"Hmmmmp uwi na nga tayo guys." "OO nga baliw na yan."

"Ganyan naman talaga kayo eh, hindi kayo mapaniwalain... ng dahil sa inyo namatay si Olivia ang babaeng nanghingi ng tulong at pinapabayaan niyo lang."

Nang palabas na sila.. biglang nagsara at naglock ang pinto... at umulan ng sobrang lakas na may kidlat. Pero tinuloy ko lang ang sinasabi ko.

"Nung time na namatay siya gusto na niya agad umuwi dahil may anak siyang naghihintay sa bahay nila..."

Biglang umiyak ang isa kong babaeng kaklase.. oo ikaw nga..

"OO IKAW NGA ANG ANAK NI OLIVIA, -----.!!!!"

hindi ko natuloy ang sinabi ko dahil biglang nagdilim ang paligid...

"AHHHHHHHH!!" sigaw ng mga classmate ko..

maya maya bigla nalang naglaho ang mga boses nila.... Nung nagliwanag na ang paligid...

Iba.... iba ang lugar na ito, hindi ito ang school kung nasaan kami kanina... luma na ang lugar na ito at ang mga dingding at kisame ay puro dugo.. wala akong kasama dito kundi ako lang.. Pero alam kong nandito lang ang mga kaklase ko nagkahiwahiwalay lang kami.. at alam ko ding may something na nakatayo sa likod ko...

To BE Continued.......

*******

A\N: GUys vote and comment po para maka update agad ako... at para malaman ko na nagustuhan niyo ang story ko......


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SCHOOL'S Death PARTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon