Chapter #26 pg.1 Are you serious?

4 0 0
                                    

Aleshia's POV

"Tyler?"

Hindi niya ako naririnig kasi nga may nakapalibot sa kanyang dalawang linta. Pero kung mas malandi sila mas magaling naman ako. Tsk. Linta!!!

"Ehem! Excuse me!" Pang iistorbo ko sa kanila.

"Why! Bitch. What do you want!"
Ang tapang naman nya para sabihin niya sa akin yun. Nagbago bigla ang ekspresyon ko biglang uminit yung ulo ko. Kaya hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Oh, F*cking ladybug!on planet alien you are! You don't know me yet to talksh*t on me. And to tell you something...sh*t the one that your f*cking off was just my boyfriend! And in count of 3 your faces will turn to shit..." Pagbabanta ko sa kanilang dalawa. Natulala naman sila aba hindi pa ako nakakabilang ng isa eh walang kagatol-gatol na umalis sila sa harapan ko aba hindi pa nakuntento at nakahanap kaagad sila ng lalandiin tsk.

Pagharap ko sa kanya. Nagulat ako ng nakatayo na siya sa harapan ko. Nakatingin siya sakin pero walang kareareaksyon yung mukha niya. Kumunot naman yung noo ko. Ang alam ko lasing to. Nakoo! Hindi kaya?

"Boyfriend?" Nanlaki ang mata ko at kinilabutan ako nung ngumisi siya. Tsk! Bat ko ba kasi naiisip ang palusot na 'yon.

Tatalikuran ko na dapat siya kaso hinablot niya kaagad yung braso kaya na out of balance ako at napahawak ako sa dibdib niya. Ang tigas!'

"Ano ba?! Umayos ka nga" singhal ko. masyadong madilim sa parte kung nasaan kami kaya hindi ko siya maaninag ng mabuti naisip kong nakasandal parin ako sakanya.

"Aleshia!" Nagulat ako ng niyakap niya ako. Sa sobrang higpit nararamdaman ko yung tibok ng puso niya. Nakaramdam ako ng hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko. Fck. Ano ba to. Ginusto ko mang kumalas pero lalo lang niya sinisikipan yung yakap niya.

"Bakit?!" sabi ko.

Wait! Umiiyak ba siya. Ang butler ko umiiyak. Nararamdaman kong ayaw ko siyang makitang umiiyak.

"M-mahal ko siya?!" haist... Umiiyak siya dahil lang sa isang babae. Tangn*ng babae yan. Yung nararamdaman kong hindi matukoy-tukoy parang nabago bigla s mga sinabi niya parang bumaliktad yung puso ko na ewan naguguluhan ako.

"Sino ba kasi siya?! At bakit sakin mo sinasabi yan!" sabi ko. Tsk. Bat ba ganito ako magreact tss. Feeling tlgA.

"S-sino? Hindi ko a-alam naramdaman ko na lang 'to, SAYO!?" Ng matapos niya yon sabihin. Bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako. Bakas prin sa kanya yung pagiyak niya.

Sa akin? So simula't sapul ako pala ang tinutukoy niya.

Ano daw?

"Ano bang sinsabi mo? Lasing ka lang kaya kung anong pinagsasabi mo dyan. Umuwi na nga tayo. Akin na yung susi mo...ako na magdadrive..." taranta kong saad. Nakitang kong yumuko siya pero minabuti ko na lang na hindi siya pansinin.

Inabot naman niya yung susi buti naiintindihan pa niya ako.

Napailing na lang ako sa nangyari kanina. Alam kong kasunod niya lang ako. Sinabi naman niya kung nasaan nakaparada yung sasakyan ko sana.

Hindi parin ako makapaniwala sa sinabi niya noon. Alam niyo ako kung di sana lasing siya at sinabi niya iyon ah baka maniwala pa ako sa kanya.

Ng nandito na kami sa tapat ng kotse. Pinagbuksan ko na siya ng pinto para makaupo na siya.

Kaso ng papaupo na siya bigla niyang nahitak yung braso ko kaya ang resulta. Nakapatong ako sa kanya at konting-konti na lang magdidikit na ang mga labi namin. Nanlaki tuloy ang mata. Biglang nagblanko ang utak ko na hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Pinipigil ko ang hininga ko.

Nakatingin na ako sakanya hindi ko na malayan na walang bakante sa pagitan ng mga labi namin. Nararamdaman ko na ang lambot ng labi niya sa akin.

Napagtanto ko lang ng nakaiglip na tong mokong nato. Nakaramdam ako ng pamumula sa pisngi ko.

Hindi ko alam kung mahihiya ako sa sarili ko o sa hindi ko pag-iwas kaagad sa halikan namin. Arrgg. Akala ko pa naman ibibigy ko ang first kiss ko sa mapapangangasawa ko tas ngayong pesteng araw lang na'to mawawala at sa magulong lalaki pang ito... Kaasar.

Pumasok na ako sa driver seat. At pinandar kona yung kotse. Minsan hindi ko maiwasan na tignan siya at doon ko lang nalaman na ang sarap palang mahalikan. Ayy! Hindi sa ayaw kong halikan siya ah basta sa akin nalang yon. Sana bukas hindi na niya maalala yung nangyari ngayon.

Bago ko pa siya matunaw sa kakatitig ko este sa mabunggo pa kami eh tumingin na lang ako sa daan. Tumawag si alexander kung bakit umalis ako kaagad, tsk sa dami ko bang iniisip nakalimutan ko na siya. Aleshia ng dahil sa kanya nagkakaganyan ka. Haist. Nababaliw na ata ako.

Sa kanya?
.

.

.

*At the mansion*

Bago ako maka-uwi tumawag ako sa driver ko noon na ngayong nakatira hindi
Kalayuan sa bahay para buhatin siya. Aber! Hindi ako kasing lakas niya.

Umalis naman kaagad si manong Rod sa pagkakatanda ko sa pangalan niya. Matapos niyang ihiga sa kwarto. Eh ano na nga bang gagawin ko? Nakalimutan kong magtanong kay manong kung anong gagawin sa kanya.

Bahala na! Siguro naman parehas lang ng kailangan gawin nung nagkasakit siya noon. Natatandaan niyo pa ba iyon.

Dahil kami lang naman ang nandito. No choice ako na talaga ang aayos nito. Kumuha ako ng pamunas at lalagyanan na may malamig na tubig mula sa banyo.

Itinabi ko ito malapit sa pinaghihigan niya. Ibinabad ko na yung pamunas sa malamig na tubig. Piniga ko yung pamunas para mawala yung ibang tubig.

Tinignan ko siya. Na dapat siya ang nag-aalaga sa akin. Mukhang baliktad pa ata.

Inuna kong pinunasan ang mukha niya. Dahan-dahan. Naririnig kong umu-ungol siya. Kaya medyo kinakabahan ako.
Nakadamit pa nga pala siya. Buti na lang at hindi siya katulad ng iba na nag-iiskandalo yung bang nagsusuka.

Ano ba 'tong nangyayari sa akin. Aleshia! Nakita mo na yung katawan niya. Bat ba maiilang ka pa?

Okayy! Kaya ko 'to. Inhale! Exhale!

Inuna ko na tanggalin yung mga butones! Ba't parang umiinit! Pinagpapawisan ako ng malagkit! Yakkk! Naiinis na ako sa sarili ko.

Okay! Sanay na ako sa OMG! Talagang may 6 pack abs siya. Sabagay kailangan na malakas siya. Natanggal ko na yung damit pang itaas niya.

Ang sunod kong ginawa ay yun lang alangan naman pati pambaba niya eh tanggalin ko pa aba! May limit naman ako dun kayo ha! Gusto niyo sigurong pantasyahan ahahaha!

I already done my part to rinse him with the warm towel. Kaya kumuha ako ng damit pa niya tsaka ko isunuot dito ng masinsinan. Oo! Masinsinan.

Alam niyo namang sanay na ako sa bigla-biglang hitak niya. Gusto ko naring umiwas doon noh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm secretly inlove with a Butler (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon