Adrian’s POV
Habang nagkaklase kami, nagtext sa’kin yung kambal ko.
1 message received
From: Kambal
Tignan mo si Ate Hannah, tulala na naman.
--
Kaya napatingin ako kay Hannah na kasalukuyang tulala. Napangiti nalang ako, siguro naiisip nya na naman yung lalaking yun. Asar talaga.
Okay okay, di ko talaga sya sinapak dahil sa ginawa nya kay Hannah, sinapak ko sya kasi naiinis akong isipin na yung babaeng pinakamamahal ko, sinasaktan lang ng iba -_-
Yea. Mahal ko sya, pero di ko magawang mag confess sa kanya kasi natatakot ako na baka layuan nya ko.
Kanina habang kumakain kami sa canteen, muntik ng masabi ng kambal ko yung pinaka iniingatan ko. Mga babae talaga, masyadong madaldal. Tss.
Open ako sa kambal ko, kahit isip bata yan mahal ko yan. Natigil ako sa pag iisip ko kasi nahuli na naman nya akong nakatingin sa kanya.
Di na ko umiwas kasi baka mahalata nya ko, she smiled at me kaya I smiled back nalang saka ako nagfocus sa tinuturo ng prof namin.
Si Hannah kasi, sya yung tipo ng babae na kakaibang impact. May sarili syang paraan para makaattract sya ng lalaki. Lahat ng qualification na gusto ko sa babae nasa kanya na.
Kahit ilang buwan palang kaming magkakilala masasabi kong napakabait nya at masayahin kaya lang nagbago yun after ng nangyari sa kanila ni Kirby.
Nung nagbreak sila may mga lalaking nag approach sa kanya pero tinanggihan nya agad. Naging mailap na sya sa mga lalaki bukod sa’kin. Siguro may tiwala sya sa’kin. Wala e, ang gwapo ko daw XD
Ako si Adrian Mnemosyne Di Levertis. Wala talaga akong hilig sa chicks, sila lang may hilig sa’kin. Hahaha. Kilala bilang tahimik, masungit, at babaero. Wag na natin isama yung gwapo kasi Obvious naman na gwapo na ko kahit di na sabihin.
Wag kayong umangal -_- and isa ako sa mga taong nahulog ang loob sa isang manhater na nagngangalang Hannah Lorrainné Rambaugh.
4pm natapos yung class namin, nag aya si Hannah na magmall, pumayag na yung dalawang babae kaya no choice kaya pumayag na din ako, sinama ko si Aaron James Yoshiko para naman di ako magmukhang bakla na bubuntot buntot sa kanila. Sinama nya din yung Girlfriend nya na si Iodaine Mitchelle Radcliffe.
Sumakay kami papuntang Mall of Asia, pagdating namin dun kumain muna kami sa Mcdo. Kami na yung umorder ni Aaron para sa mga girls, halatang magiging close yung mga yun a.
“Miss, 2 orders of BigMac large meal, coke na yung Drinks” – Aaron. Large meal? Di naman sya gutom? -_- Tumingin sa’kin yung babae, inaantay ata yung order ko.

BINABASA MO ANG
Manhater (On-hold)
Teen FictionIsang babaeng galit sa mga lalaki dahil nasaktan sa past na meron na sya. But, anong mangyayari kung mameet nya ang isang lalaki na makakapagbago ng mundo nya? 25% real. 75% fiction.