HANNAH’s POV
After ng nangyaring break up namin ni Adrian, nawatak na din yung grupo namin. Hindi naman totally na watak, hindi lang siguro nila alam kung kanino sasama. Sa akin ba o kay Adrian, pero si Bes and Jerome sa’kin pa din sila nag stay.
Di ko naman sila pinapapili e. Hindi ako ganun kaselfish para gawin ko yun. Nagpapansinan pa din naman kami ni Adrian pero pag magkagrupo lang kami sa mga activity.
Nagsesend pa din sya ng mga sweet messages pero kahit isang reply wala syang narecieved sa’kin. Simula nung araw na nagbreak kami, di na kami nag usap ng kaming dalawa lang.
Naging cold na din ako sa mga taong nakapaligid sa’kin. Kahit sa mga barkada ko, kakausapin ko lang sila pag kinakausap nila ako. Never na din nila akong tinanong about sa mga pangyayari sa bar.
Si Trisha? Umatras na sya sa fixed marriage nila ni Jerome, pero based sa observation ko hindi pa nagkakabalikan yung si Jerome and Adrienne. Nung kinausap ko si Jerome kung bakit hindi nya pa binabalikan, sinabi nya na “Mas kailangan mo ko ngayon Hanhan. Tsaka di ko kayang maging Masaya kung malungkot ka, tsaka di pa din naman kami okay ni Adrian.”
Nung sinabi sa’kin yan ni Jerome, mas nasaktan ako. Nasira na nga yung relationship namin ni Adrian, bakit kailangang madamay yung friendship ng barkada namin lalo na yung relationship nila ni Adrienne?
Gabi gabi, umiiyak pa din ako. Parang pag mas lalong tumatagal kang nasasaktan parang magiging manhid ka nalang. Kung dati, sobrang ang babaw ng kaligayahan ko. Ngayon, lahat sila tumatawa na pero ako wala man lang bakas ng ngiti.
“Bes, mall tayo. Malapit na Christmas oh? Shopping na tayo para sa exchange gifts natin.” Aya sa’kin ni Bes kaya napatigil ako sa ginagawa ko.
“Kayo nalang, busy ako e.” Sabi ko tapos binalik ko na ulit yung attention ko sa ginagawa ko.
“Ngayon na nga lang ulit tayo lalabas after nung alam mo na tapos tatanggihan mo pa ko.” – Bes.
“Bes, wala ako sa mood okay? Wag mo na ko kulitin.” Medyo nairita na kasi ako. Niligpit ko na yung gamit ko tapos palabas na ng room pero natigilan ako.
“You know what? Ako na nga tong gumagawa ng ways para maging okay ka e. Tapos ganyan ka pa?” – Sigaw nya sa’kin. Kaya hinarap ko sya tapos binigyan ko lang sya ng malamig na tingin.
“Di ko hiniling na gawin mo yun. Kung nasasayang yung effort mo, edi sorry.” – Ako.
“Wow! Alam ko nasasaktan ka pa din hanggang ngayon bakit kasi di ka magpakatotoo sa sarili mo? Bakit ayaw mo ilabas na nasasaktan ka? Bakit ayaw mong ipakita? Di mo ba alam na mas nasasaktan kami sa ginagawa mo?” Para akong binuhusan ng malamig na tubig nung sinabi yan ng Bestfriend ko.
“Tama na yan, Cinds.” Naluluhang pigil ni Adrienne kay Bes, lumapit na din si Mitch sa kanya.
“No! This is too much, matagal na tayong nagtitiis sa ugali nyan e. Di ko na kaya!” Sabi ni bes. Ngayon ko nalang ulit sya nakitang umiyak, dati kasi nung high school kami, umiiyak din yan pag nag aaway kami.
BINABASA MO ANG
Manhater (On-hold)
JugendliteraturIsang babaeng galit sa mga lalaki dahil nasaktan sa past na meron na sya. But, anong mangyayari kung mameet nya ang isang lalaki na makakapagbago ng mundo nya? 25% real. 75% fiction.