Chapter 14

179 6 0
                                    

HANNAH’s POV

 

Miss me, Lorraine?” Nakangiting tanong nya. OMG *Q*

“Hey Adam? It’s that you?” Tanong ko sa kanya habang tinitignan ko sya ng mabuti.

“Yes.” Sabi nya tapos ginulo nya yung buhok ko.

“Hey wag yung buhok ko. Kailan ka pa nakauwi ng Manila? I thought 7 years ka Baguio” sabi ko habang inaayos yung buhok ko.

“Nabored ako sa Baguio e. Tsaka okay na din naman yung Business namin dun kaya pinayagan na ko umuwi ni Dad. Kamusta ka na? Parang kanina ka pa malungkot a?” – Adam.

Si Adam Cley Levoisier. 19 years old, kababata namin sya ni Jerome. Matanda lang sya sa’min ni Jerome ng 2 years. Nung bata pa kami, madalas kaming ipartner ng mga parents namin. Puppy love namin yung isa’t isa dati, I remembered pa na nung bata kami nagpromise kami sa isa’t isa na kami yung magpapakasal balang araw. Pero ayun nga nung 13 years old sya, napilitan syang umuwi ng Baguio.

Only child kasi si Adam kaya bata palang tinetrained na sya kasi sya nga yung magmamana ng mga negosyo na maiiwan ng pamilya nila. Gwapo si Adam, matalino, gentleman, basta ideal boy talaga sya kaso nga lang ilag sa chicks. Nung mga bata pa kami nila Jerome, madaming nagkakacrush sa kanya. XD

“Ah wala yun.” I said then nag weak smile ako.

“Spill it, Lorraine. Problem?” – Adam.

“Wag dito, gusto ko sa tahimik na lugar. Gusto ko ilabas lahat, Adam.” Sabi ko then nag nod lang sya.

“Dun tayo sa condo ko.” Tapos tumayo na sya, sya na din yung nagbayad ng Bills ko. Galante \m/

Sumakay kami ng motor nya. Nung una ayaw ko pa sumakay kasi nakatube dress ako, pero inoffer nya sa’kin yung jacket nya. Habang nasa motor kami, pumapasok yung hangin sa dibdib ko, di ko kasi kinlose yung jacket. Ang lamig tuloy >.<

Malapit lang yung condo unit nya sa University na pinag aaralan namin. Nung makarating kami dumaretso akong umupo sa couch tapos sya may kinuha sa ref nya. Nung pagbalik nya, may dala syang Beer in can tsaka chips. Umupo na din sya sa tabi tapos inabutan ako ng beer na nakabukas na.

Uminom muna ko, parang di ko kayang makwento sa kanya kasi ngayon nalang ulit kami nagkita. Dapat nagkukwentuhan kami ngayon pero eto ako ngayon, nagkukwento ng problema ko. Nung naubos ko yung dalawang in can, humarap ako sa kanya tapos bigla ko syang niyakap.

Kinwento ko lahat sa kanya lahat lahat habang iyak ako ng iyak. Nakakahiya nga kasi basa na yung polo nya kakaiyak ko, inalala ko lahat ng nangyari. Kahit saang anggolo tignan, ako yung talo. Ako yung nasaktan, ako yung talunan.

“Pinag explain mo ba sya?” tanong nya. Umiling ako.

“Dapat pinag explain mo muna sya. Kayo kasing mga babae, kung ano na yung nakita nyo, yun na yung papaniwalaan nyo. Hindi porque kayo yung umiiyak, kayo na yung nasasaktan. Tao din naman kaming mga lalaki, nasasaktan din kami kaso di namin malabas yung emosyon namin. Hindi nyo lang alam, mas nasasaktan kami pag nakikita namin yung mga mahal namin na nasasaktan.” He qouted. Humiwalay na ko sa pagkakayakap sa kanya.

Manhater (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon