Chapter 1

434 14 2
                                    

HANNAH’s POV

Kakauwi ko lang from one week vacation sa Palawan, kulit kasi ng lola ko. Masyado nya kaming namiss kaya umuwi kami, nagtatampo na daw sya sa pagiging busy busy’han namin. Hahaha. Actually dapat 2 weeks yun kaso si papa nagkaroon ng biglaang trabaho kaya napauwi kami ng Manila agad.

Andito na kami ngayon sa Manila, and I’m planning to visit my boyfriend at his pad. I missed him so much >.<  Pumunta ako sa condo nya para isurprise sya, but ako pala ang masusurpresa sa eksenang nadatnan ko.

He’s lying on his bed, half naked habang may babaeng nakahiga sa mga braso nya. Di ko alam ang irereact ko nakita ko.

Basta ang alam ko, may kung anong masakit sa dibdib ko na parang nadudurog ng pirapiraso.

May mga luhang nag uunahan sa mata at sa sobrang lakas ng hikbing kumawala sa’kin nagising ang lalaking pinakamamahal ko.

Tumayo sya sa kama “Babe” tawag nya sa’kin habang unti unting lumalapit sa’kin.

“Wag kang lalapit” I said between my sobs. Niyakap nya ako ng sobrang higpit pero pilit ko syang tinutulak papalayo sa’kin hanggang sa di ko nakaya’t nagpakawala na ako ng sobrang lakas na paghikbi.

Nagising na yung babaeng hipon na katabi kanina ng boyfriend ko, oh lemme rephrase that, my ex-boyfriend I mean. Nagulat ako ng nakita ko ang mukha nya, Sya?

 “Sya yung classmate ni Kirby, eto ba ginagawa nila everytime na magkasama sila? Kailan pa nila ginagawa to?” I said to my self.

Tinulak ko si Kirby ng sobrang lakas at pumunta ako sa babaeng nakahiga pa din ngayon sa kama. She grinned.

I slapped her face ng sobrang lakas na ikinagulat nya at ni Kirby, “What was that for?” she said habang nakahawak sa pisngi nya.

“Wow, just wow! Kapal ng mukha mong magtanong.” I slapped her face again. “Yan para pantay” I smirked. Tumingin ako kay Kirby na tila gulat pa din sa nangyayari.

Hinatak ko yung kwintas na binigay nya sa’kin nung 1st anniversary namin tapos hinagis ko sa kanya. “Break na tayo.”

Lumabas na ko ng Condo nya pero hinabol nya ko. He pulled my wrist

“No. Please let me explain” He said.

“Explain? I don’t need that. Let go of my hand” Sht! Ang sakit na ng lalamunan ko kakapigil ko para di ako maiyak.

He hugged me. “No, please di ko kaya. Wag mo kong iwan”

I pushed him away. “Sana inisip mo muna yan bago ka gumawa ng kalokohan. TAPOS NA TAYO” pagtapos kong sabihin yan tumakbo na ko palabas. ---

Nagising ako na may luha sa mga mata ko. Napanaginipan ko na naman yung nangyari samin ng hinayupak kong Ex -_-

After nun, araw araw na syang pumupunta sa bahay, pero di ko sya nilalabas.

Di alam ng mommy ko yung nangyari samin pero I think alam nya na may problema kami. Di kami close ng mommy ko, Daddy’s girl kasi ako pero di ko inopen kay daddy yung nangyari samin kasi baka makapatay daddy ko -_-

Araw araw nya kong pinupuntahan sa school pero hinaharang na agad nila si Kirby para di makalapit sa’kin. One time pa nga nagpumilit sya, ayan! Nakatikim tuloy sya ng sapak kay Adrian, isa sa mga bestfriends ko.

Araw araw tumatawag sya sa’kin pero dinideclined ko lang. Even his texts, di ko nirereplyan.

Hoy! Di ako nag attempt ng suicide no. Masyado akong maganda para mag suicide. Hahaha

Ako si Hannah Lorrainné Rambaugh, isang Manhater. Once na niloko and I promised to myself na di na mauulit yun. Kung dati, ako ang pinaiyak. Ngayon sila naman ang iiyak sa’kin.

--

Comment kayo kung panget >.< Hindi ko na po lalagyan ng accounts ang characters ko. :)

Manhater (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon