CINDY’s POV
Yay! May POV na din ako, akala ko di ako bibigyan ni Author e -_- Kilala nyo na ba ko? Sabi ko nga, Oo.
Andito kami ngayon sa Classroom kasama yung kambal. Si Hannah wala pa din, 5 minutes nalang mag sstart na yung Class. Terror pa naman yung prof namin. So I texted her nalang kung papasok ba sya, nagreply sya sabi nya next subject nalang.
Nagstart na kami magclass, Trigonometry subject namin. Actually bored ako kasi wala si Bes, kami kasi yung magkaagaw ng rank dito sa Trigo pero since wala sya wala akong kakompetensya. Yea, sinisipag lang ako pag may kakompetensya ako.
Natapos ang first class namin, dumating naman si Hannah tapos dumaretso na sya sa upuan nya. Napansin ko na nakatitig lang sa kanya si Adrian, may problema ba sila? Kahapon, di rin sinasagot ni Hannah yung call ko. Mamayang Break time ko nalang sya dadaldalin.
*Break time*
Lumapit agad ako kay Bes, pero namumutla sya. Ohmaygash, is she sick? Nagsmile naman sya sa’kin pero a fake one. Lumapit na din yung kambal samin, pero hinatak ako ni Hannah and she asked kung pwede ko daw ba syang samahan sa clinic. Nagpaexcuse ako sa prof namin, pinayagan naman kami.
Nung nasa clinic na kami, pagtapos na syang icheck up ng nurse dun umupo ako sa kama nya. Halata naman na may gumugulo sa isip nya, I know her too well, duh! Simula elementary palang kilala ko na sya.
“May problema ba, Bes?” I hugged her and she hugged me back. Umiling sya pero kinulit ko sya kaya nagkwento na.
Kinwento nya yung nangyari sa kanila ni Adrian nung Saturday night, nagulat ako nung nalaman ko na may nangyari sa kanila. Di ko alam irereact ko kaya binatukan ko sya. She deserved that. Tss
“Ano plano mo?” – Ako yan.
“Di ko alam? Ayaw ko masira kami ni Adrian, bes.” – Hannah.
“Ikaw kasi ang manhid mo, matagal ng andyan si Adrian pero di mo pinapansin.” – Ako
“What? You mean, matagal mo ng alam?” – Hannah.
“Yea. Di mo naman ako katulad na manhid e, di ka madaan sa paramdam gusto mo sinasampal sayo yung salita sayo.”
“eh kasi naman, di ko naman binibigyan ng meaning yun.” – Hannah.
“Okay ka na ba? Tara na sa taas.” – Ako.
Bumangon naman sya tapos nagpasalamat na kami sa Nurse. Bumalik na kami sa classroom, nagklase na kami. Nahalata ko na iniiwasan talaga ni Hannah si Adrian, sana maayos nila yan.
HANNAH’s POV
Paggising ko, di ako makahinga! Shit. Kinuha ko yung gamot ko sa medicine box ko tapos ininom ko na yung gamot ko. Nagtext si Bes kung papasok daw ba ko, sinabi ko nalang na next subject nalang.
Nung naging normal na ulit yung paghinga ko, nag asikaso na ko para pumasok. Habang nagkumakain ako ng Breakfast ko, di ko mapigilang maisip kung anong gagawin ko mamaya pag nakita ko si Adrian >.< Ish. Bahala na. Nung natapos na ko kumain nagpahatid na ko sa driver namin.
Pagpasok ko ng classroom, dumaretso agad ako sa upuan ko. Iniiwasan ko talaga na magtama yung mga mata namin ni Adrian. Nung natapos yung breaktime, nagpasama ako kay Bes sa clinic para dun ikwento lahat ng nangyari.
Akala ko magagalit sya sa’kin, sinermunan nya lang ako tapos binatukan! Pakshet masakit yun -_-
Bumalik na kami sa classroom. Ilang oras nalang dismissal na, pano ba ko iiwas? >.< Nagkagroup activity kami at kung minamalas ka nga naman, kagrupo ko pa si Adrian. Di tuloy ako makapagfocus sa ginagawa ko, kasi si Adrian pinapanuod ako. Aish.
Dismissal na, nagulat ako nung biglang hinatak ni Adrian yung braso ko. Pilit kong hinahatak yung braso ko pero masyado syang malakas. Pumasok kami sa Auditorium, buti nalang walang tao. Minsan kasi may mga nagmamake up class dito.
Hinarap ko si Adrian para sigawan na sana sya pero bigla nya kong tinulak pasandal sa pader tapos nilagay nya yung dalawang kamay nya sa gilid ng ulo ko. Naimagine nyo ba yung position namin? >.<
“Okay ka lang ba? Bakit di mo sinasagot tawag ko kahapon? Di mo ba alam na nag aalala ako sayo?” sabi nya habang nakatitig sa mata ko.
Sobrang lapit ng mukha nya sa’kin kaya ramdam ko yung hininga nya, tapos bigla akong napatingin sa labi nya kaya napaiwas ako ng tingin.
Inakap nya ko, sinubsob nya pa lalo yung ulo ko sa dibdib nya. “Iniiwasan mo ba ko?” tanong ulit nya.
Humiwalay na sya sa pagkakayakap sa’kin tapos nilagay nya yung dalawang kamay nya sa balikat ko. Ngumiti lang ako sa kanya.
“I’m sorry, I shouldn’t have done that.” He apologized. I hugged him tight.
“Don’t be. It’s my fault, kung di naman ako nagresponds di mangyayari yun e.” I said. Niyakap nya ako ng sobrang higpit na parang ayaw na nya kong pakawalan pa.
“Please, wag mo ko iwasan. Mahal kita Hannah, matagal na. Di ko lang masabi kasi ayaw kong lumayo ka sa’kin. “ Nagulat ako nung bigla syang lumuhod sa harap ko, hindi luhod na humihingi ng kapatawaran kundi luhod na parang magpoproposed. Kinuha nya yung dalawang kamay ko tapos hinalikan yun.
“Hannah, be my girlfriend. I promise na aalagaan kita, poprotektahan kita.” Nung sinabi nya yang mga salitang yan, parang huminto yung mundo ko. Feeling ko kaming dalawa yung nag eexist sa mundo.
Bakit parang bumilis yung tibok ng puso ko? Mahal ko ba si Adrian? Di ko alam. Di ko alam yung isasagot ko, kaya bigla kong hinatak yung kamay ko na kinagulat naman nya.
“I’m sorry, I have to go.” Tumakbo ako palabas ng Auditorium pabalik ng classroom namin para kunin yung gamit ko. Bago ako makapasok ng room, sinalubong na ko nila Adrienne pero di ko sila pinansin at nagpatuloy na ko palabas ng University namin.
Ang daming gumugulo sa isip ko, di ko na alam gagawin ko. Handa na ba kong magmahal ulit? Pano kung saktan nya ulit ako?
--

BINABASA MO ANG
Manhater (On-hold)
JugendliteraturIsang babaeng galit sa mga lalaki dahil nasaktan sa past na meron na sya. But, anong mangyayari kung mameet nya ang isang lalaki na makakapagbago ng mundo nya? 25% real. 75% fiction.