HANNAH’s POV
Andito na ko sa bahay, di na ko nagdinner kasi nabusog ako sa kinain namin sa MOA. Humiga ako sa kama ko, bigla na namang nag unahan yung mga taksil kung luha na kanina ko pa pinipigilan nung nasa Taxi ako.
May nagawa ba kong mali? Naging mabait naman ako. Wala akong taong sinasaktan. Deserved ko ba yung nangyayari sa’kin ngayon? Bakit kailangan ko pang maagsuffer sa pain?
Yan yung mga tanong na lagi kong tinatanong sa sarili ko pero hanggang ngayon di ko pa din alam ang sagot. Habang patuloy sa pagpatak yung mga luha ko napatingin ako sa malaking Teddy Bear na binigay sa’kin ni Kirby nung 6th Monthsary namin.
“Baby Julisa, bakit di ko makalimutan yung tatay mo? Nakakainis naman e” I said between my sobs. Nung medyo kumalma na ko kinuha ko sa Closet ko yung Box na naglalaman ng mga Regalo ni Kirby sa’kin.
Lumabas ako ng kwarto ko tapos dumaretso ako sa likod ng bahay namin. Buti nalang walang laman yung Trash Can na pinaglalagyan namin ng basura. Binuhusan ko yun ng Gas at sinindihan ko yung posporo.
Nagstart na kong sunugin lahat ng pictures, Love letter at kung ano ano pa na binigay sa’kin ni Kirby syempre except for Julisa no, itatago ko lang sya sa cabinet ko >.< Habang sinusunog ko yun, inaalala ko lahat ng meron kami ni Kirby dati.
Kung iisipin, sobrang perfect na ng Love story na meron kami. Pero sa isang iglap nawala lahat ng yun. Di naman ako nagkulang, binigay ko lahat ng gusto nya. Sinunod ko lahat ng ayaw nya pero bakit naghanap pa sya ng iba? *sigh*
Bumalik na ko sa kwarto ko para maghalf bath. Nung natapos ako, I checked my facebook account, halos puro sweet posts nababasa ko. Tss. “Magbebreak din kayo.” Sabi ko habang nasa tapat ng computer ko. Hahaha. Bitter e -_-
Naisipan kong bisitahin yung Timeline ni Kirby, pero sana di ko nalang pala ginawa. Ang Sweet nila nung asawa nya nakakairita. Sa sobrang inis ko binlocked ko si Kirby sa Account ko, bahala sya -_-
Binura ko na yung conversation namin sa Facebook pati na din yung mga Text conversation namin binura ko na.
Nagpost ako “Bukas, pag aaralan ko ng kalimutan sya. Sawa na kong masaktan. Goodnight people.” Then I logged out.
Humiga na ko sa kama ko, ng biglang nagvibrate phone ko. Si Adrian pala nagtext =)
From: Adrian
Huy Gising ka pa?
--
To: Adrian
Yea. Why?
--
Nagvibrate ulit phone ko, wow bilis nya magreply a? I said to my self
From: Adrian
Wala. I just missed you.

BINABASA MO ANG
Manhater (On-hold)
Fiksi RemajaIsang babaeng galit sa mga lalaki dahil nasaktan sa past na meron na sya. But, anong mangyayari kung mameet nya ang isang lalaki na makakapagbago ng mundo nya? 25% real. 75% fiction.