ADRIAN’s POV
3 weeks had past simula nung iniwan ako ni Hannah sa Auditorium, bakasyon na ngayon. Yung ibang requirements ni Hannah, si Cindy na yung nagpasa. Nasa 1 month vacation daw ngayon si Hannah sa Palawan.
Simula nung araw na yun di ko na sya nakita at nakausap. Alam nila Cindy at kambal yung nangyari samin, sabi nila bigyan ko lang daw ng oras si Hannah para makapag isip, siguro nga nabigla sya sa mga nangyayari.
I miss her so bad. Para na kong mababaliw pag di ko sya nakakausap at nakikita, feeling ko tuloy magiging boring ang bakasyon ko. Nasa Boracay ngayon sila Mommy, di ako sumama kasi wala naman akong gagawin dun.
Pero sana pala sumama nalang ako kasi pag andito ako sa kwarto ko, naaalala ko lang yung nangyari samin ni Hannah. Mas lalo akong nababaliw.
Now, I’m on my way to Padis San Lazaro. Nagtext kasi sa’kin si Aaron na gimik daw kami, di ko na tinanggihan para naman mawala sa isip ko si Hannah kahit ngayon lang.
Nung makarating na ako sa Padis nagkamayan lang kami ni Aaron, andun din si Jerome and Ralph kaya binati ko nalang din sila. Pinakilala nila ako sa mga kasama nilang chicks.
May tumabi sa’kin na babae, maganda sya kaso mukha nga lang flirt. Bigla nyang pinulupot yung kamay nya sa braso ko.
“What?” Iritang tanong ko.
“Bakit ang sungit mo? Wala ka namang kasama kaya ako muna partner mo.” Sabi ni Mariel?
“Tss.” Pinabayaan ko nalang, uminom lang ako hanggang sa makaramdam na ko ng hilo kaya sumandal muna sa pader para marest ang ulo.
Habang nakapikit ako, nagulat ako nung biglang umupo si Mariel? sa Lap ko and she wraps her arms around my neck.
Bigla nyang sinunggaban yung labi ko kaya I responded. Narinig ko yung “WOAH” ng mga kasama ko kaya mas ginawa kung hot yung halik namin. Maya maya biglang nagpop out sa utak ko si Hannah kaya natulak ko ng bahagya si Mariel?
“What the hell!?” Galit na sabi nya. Napaupo kasi sya sa sahig nung natulak ko sya kaya tinulungan ko syang tumayo.
“I’m sorry. Di ko sinasadya.” She just smirked.
“How dare you? Ikaw lang ang gumawa sa’kin nito. Don’t tell me bakla ka?” Sabi nya. Tss. Mga style ng babae, sasabihan nila ng bakla yung isang tao para halikan sila o patulan sila.
“Di ako interesado sayo miss. Adrian Mnemosyne Di Levertis is the name, tandaan mo ang pangalan na unang tumanggi sayo.” I smirked then umalis na ko para umuwi.
Narinig ko sya na inis na inis sa’kin kaya natawa nalang ako. Kung sana si Hannah sya, natuwa pa ko. Tss naalala ko na naman sya -_- Asar!
HANNAH’s POV
Andito na ko ngayon sa Manila, kung itatanong nyo kung bakit ako umalis? May 3 reasons ako. First, gusto ko hanapin ang sarili ko, nawawala kasi. Pakitingin nga sa cabinet nyo baka nagtatago dyan XD
Second, gusto ko iwasan si Adrian para malaman ko kung mahal ko ba talaga sya. At kung itatanong nyo ang sagot, malalaman nyo soon.
Third, miss na daw ako ni Lola tsaka gusto ko din namang magrelax. Nastress na kasi sa mga project na pinapasa ko kay Bes :3 Hahaha.
Habang inaantay ko yung Driver namin, yung ibang tao dito sa Airport nakatingin sa’kin na parang hinuhubaran ako. Oh well di ko sila masisisi kasi di naman ako panget, maputi ako at sexy pa. Wag kayong mainggit readers XD Hahaha
7pm na din ng makauwi ako bahay namin, of course ang Daddy ko sobrang namiss ang unica Hija nya :”> Sa sobrang pagod ko nakatulog na agad ako.
Kinaumagahan, nagdecide ako na dalhin lahat ng pasalubong ko sa mga bahay nila. Referring to Bes, and sa kambal.
Inuna ko na nalang sa bahay nila Bes since sa kanya yung pinakamadami, habang nasa Palawan ko nagtext yan na bawat tindahan na dadaanan ko bilhan ko sya ng Souvenir kaya halos maubos yung pera ko -_-
Binigyan ko na din ng pasalubong si Kuya Luke and Ate Mikki. Nagstay lang ako ng 2 hours sa bahay nila Bes, ngayon papunta na ko sa bahay ng Kambal. Habang nagddrive ako, di ko mapigilang mapangiti, miss na miss ko na kasi sila lalo na si Adrienne. Wag kayo! Si Adrienne talaga namiss ko. Hahaha
Pagkadoorbell ko, yung katulong nila yung sumalubong sa’kin tapos pinakuha ko nalang yung mga pasalubong ko sa kambal. Pagpasok ko, tahimik. Wala siguro sila Tita, dumaretso ako sa may Sala. Nakita ko dun si Adrian na may kasamang babae?
Automatic naman na tumaas yung kilay ko nung nakita kong di si Adrienne yun. Fuck! 1 month lang akong nawala may kapalit na agad ako? Tarandong Adrian to. Kaya inaayos ko sarili ko bago ako humarap sa kanila. Lagot ka sa’king mokong ka.
--
![](https://img.wattpad.com/cover/7908989-288-k528763.jpg)
BINABASA MO ANG
Manhater (On-hold)
Teen FictionIsang babaeng galit sa mga lalaki dahil nasaktan sa past na meron na sya. But, anong mangyayari kung mameet nya ang isang lalaki na makakapagbago ng mundo nya? 25% real. 75% fiction.