P R O L O G U E
Daelle's POV
"WAAAHHHH!" Isang tili mula sa banyo ang narinig ko. Automatic na tumakbo ako papunta sa pinanggalingan ng matining na sigaw na umalingawngaw sa buong kwarto.
Sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko na nailapag ang back pack na suot ko. Hawak ko pa din pati ang envelope na dala ko.
Jackpot! Hindi nakalock.
Yung tili kanina napalitan ng mahihinang tunog ng paghampas sa sahig.
"Hi?" Alanganing pagkatok ang ginawa ko sa pinto. Pero walang sumasagot. =__='
"Tao po." Aish! Baka kung ano ng nangyari sa loob? Nauntog untog na yata. Baka nabagok na?
"Ay! Shit! Shit!" Nakita ko ang isang babaeng may hinahampas na kung ano sa lapag. Hawak ang tsinelas na pinaghahambalos nya sa ipis na nakahandusay sa lapag, napalingon sya sa'kin.
Tulala at tila napako kaming pareho sa kinatatayuan namin. Ako gulat sa nakita ko, sya gulat dahil nakita ko.
Oo, nakita ko. Alam nyo na. Nakita ko yung ano! Yung ano nya. I know you got that buddy.
"Walangyaa! Manyak ka! Manyak! Alis ditoo!" Galit na galit syang ibinato sa akin ang hawak nyang tsinelas habang ako naestatwa na sa kinatatayuan ko.
"Aray!" Hindi ko nailagan yung flying tsinelas! Tinamaan ako sa mukha!
"Packaging tape! Masakit yun ah! Tsaka miss! Pwede ba!? Wag ka ng gumalaw!" Unti unti akong tumalikod para tuluyan ng umalis sa kinalalagyan ko.
"Aw! Potek!" nabitawan ko yung hawak kong envelope dahil sa lakas ng pagbato nya ng matigas na bagay sa ulo ko.
Sa sobrang badtrip ko sa ginawa nya, pumihit ako paharap at tsaka naglakad patungo sa kinalalagyan nya. Napasmirk ako ng sa wakas nasa harap na nya ko.
Hindi pala katangkaran ang babaeng to kaya kinailangan ko pang yumuko ng kaunti para makita ang mukha nya.
She's beautiful.
She's damn sexy.
She's a girl to die for.
Nararamdaman ko ang mabigat na paghinga nya dahil sa sobrang lapit ko sa kanya. Yes, she's still naked pero wala akong pakialam. Mas sexy naman ako sa kanya. And one more thing, she's stuttering. Hindi ko alam kung nanginginig sya dahil malamig o nanginginig sya dahil natatakot.
"You know what, you're damn sexy. You're beautiful. Kaya kung pwede ibagay mo yang ugali mo sa maamo mong mukha?"
Unti unti kong iniangat ang nakayukong mukha nya. Akala ko kasi matapang pa din sya but Im definitely wrong. Halatang halata sa mukha nya na natatakot sya sa pupwede kong gawin ngayon.
"At isa pa, I'll be your partner for almost 1 month, so you better behave. Ayoko ng partner na childish."
Pagkatapos kong sabihin ang huling linya ko para sa kanya, humakbang na ako palayo pero hindi ko tinuluyang isarado ang pintoan ng bathroom.
"Miss, sa susunod na saktan mo pa ang pervert na kagaya ko, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko."
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Thanks for reading :)
BINABASA MO ANG
When Pervert Meets Another Pervert (GirlxGirl) ON HOLD
RomanceSi Daelle cold, abnormal, bipolar, unpredictable at pervert para kay Charm. Si Charm, childish, batang walang muwang, inosente, praning at medyo manyak para kay Daelle. How would a childish brat Chamreen fall in love with a perverted casanova Daelle...