Chapter 10

4.6K 77 7
                                    

Happy birthday @nHickx! :))

At sa nagtatanong kung saan nanggaling name ni Charm. Sa crush ko po nanggaling yong Chamreen. Sa competition ko lang nalaman name nya. :)

-*-

Charm's POV

"Anong gagawin natin dito?!" Natatarantang tanong ko sa kanya pagkabukas nya ng pinto ng kwarto nila ni pretty boy. Pretty boy na tawag namin kay Lawrence at magkasama sila sa kwarto.

"Ano pa nga ba?" Ngumisi sya at bigla na lang akong hinagis sa kama. "Aray! Bwisit ka! Ang sama mo!" Parang nagkalas kalas mga buto ko sa paghagis nya. Walangya!

Nagmamadali syang inilabas lahat ng gamit ni pretty boy at kung anu ano pa habang ako literal na napanganga habang sinusundan sya ng tingin. "Stay right there." Utos nya. Aba ang bossy pa.

"Hoy Daelle! Ano ba yan?" Tatayo na sana ako kaso tiningnan nya ako na nagsasabing 'wag mo kong subukan' edi tiklop ako! Hays!

"Wag mong tangkaing gumalaw kung ayaw mong iposas kita dyan." Hindi pwedeng igapos o itali na lang? Inantay ko na lang syang matapos sa kalokohan nya.

Iba talaga ang pag-iisip ng barney na to! Pabigla bigla. Maya maya pa bigla na lang syang naghubad at yon, kumuha ng shirt. Magpapalit lang pala. -_-

Akala ko naman gumana yung pinaghirapan ko! Hindi pala. Kainis!

"Dito ka lang." Lumabas sya bigla at syempre naiwan akong nakanganga dito. Pambihirang babae yon! Pero mas masarap nga yatang matulog dito kesa sa kwarto namin ni Gab. Mas malinis at mas organize tong si Barney kesa kay baklita eh. At ang amoy, kaamoy nya.. Dalawa din yong kama dito at may bathroom/comfort room. Ang kaibahan lang mas malaki yong amin ni Gab.

Mayamaya pa bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwa si Gab na napapikit pa sa nadatnan. Akala mo nakahubad ako kung makaarte. -.-

"OMG! May nangyari sa inyo?!"

"Hoy baklita wala! Abnormal ka!"

"Eh? Girl! Anong eksena ba to? At anong nangyari sa Daelle mo?" Sabi nya na nakatagilid at di man lang humaharap sakin. Baklang to!

"Ah eh? Anong sinasabi mo? Ewan ko dun! Inihagis ako dito!"

"Baklaa, sinapak si Trajan mo dun!"

"Ahh yon lang pala eh. Hayaan mo na." Sabi ko na kampanteng kampante. Ah teka! Ano daw?! Bigla na lang akong napatayo dahilan para magtititili itong si bakla.

"Hoy girl!! Bakla kaa! Magbihis ka muna! Baka lalong magkagulo don!" Napahinto ako. Esh! Bat ba kasi nag-aaway sila? -_-

Binuksan ko yong cabinet ni Daelle na wow ang organize. Ay! Alangang suotin ko yung mga underwear nya?! Naalala ko na lang na lagi daw syang may mga bagong underwear para sa mga babae nya. Hinalungkat ko agad yong drawer at may nakita akong paper bag na may mga bagong underwear. Lumayas na si Gab at sinuot ko agad pati yung damit nya na maluwag sakin at isang short na bumababa ng kusa. -_-

Paglabas ko todo awat sila sa baba kay Daelle. Aba! Ang tapang nya!

"Hoy Barney! Umakyat ka nga dito!"

Napatingin sila sa pwesto ko at ayo n pati si Trajan nakatingin din pero nakangisi. Bwisit sya! Si Barney ko naman tinanggal ang pagkakahawak nila Lawrence sa kanya.

"Trajan di pa tayo tapos." Kalmadong umakyat si Daelle papunta sakin tapos hinaltak na naman ako papunta sa kwarto nya. Esh! Ano bang problema nya?!

"Hoy Barney, chill ka lang nga! Ang sakit mo mang haltak. Ano ba yon?" Tanong ko pero umiling lang sya.

"Charm, dito ka na matutulog simula ngayon. Hindi ka gagamit ng bathroom at comfort room sa baba.."

When Pervert Meets Another Pervert (GirlxGirl) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon