Dedicated to engineer Rassel.
One of my loyal readers.
Short UD but enjoy reading. :)
-*-
Charm's POV
"Butiking to! Edi magsumbong ka kay lolo! Gusto mo samahan pa kita eh." bwisit na amerikanong hilaw to! Kanina pa sya nangbubwisit sa'kin. Pasalamat talaga sya at naiwanan ako ng Barney ko!
Akala nya ba natatakot pa ko kay lolo ko! Kainis! 'Wag lang talaga siyang mangingialam sa moment namin ni Daelle. Baka tsinelasin ko na talaga sya sa sobrang bwisit.
Patawa tawa syang nagsalita. "You know what sweetheart, you are so adorable. Bakit ba ipinagsisiksikan mo sarili mo kay Altamirano ha? Eh andito naman ako." Sabi nya na may accent pa din. Arte arte!
Tinaasan ko sya ng kilay. Butiking hilaw na to! "Wapakels! Ayoko sayo butiki ka! Tsaka wag mo kong matawag tawag na sweetheart kung ayaw mong samain ka sa'kin!"
At tinawanan na naman nya ako. Mukha ba akong clown? Bwisit! "Chill hun.. Fiance mo ko kaya wala ka ng magagawa. Okay? Right after the competition, ikakasal tayo. Whether you like it or not."
Tumayo na ako para sana umalis. Mamaya tong si Barney sa'kin! Iniwan ako dito sa amoy package na to! Nakakainis! "Hoy butiking imported kahit anong mangyari, kahit bombahin ng lolo ko buong Pilipinas hindi ako magpapakasal sayo!"
Nagwalk out ako papuntang pinto. Lalabas na lang ako kesa bwisitin ng hilaw na yon ang umaga ko! Nasan na ba kasi ang Barney na yon? Tsk!
Nasa gate na ako ng biglang may bumusina. Isang silver convertible yon na may lamang Barney. Oo, si barney ang laman non at ngiting ngiting kumaway. Yung ngiti nya ngiting nang-aasar.
"Hoy witchhh! Ang aga aga nakasimangot ka dyan! Tara dali."
Nakatayo lang ako at naka crossed arms sa tapat ng gate. "Hoy Chamreen! Wag kang sumimangot kung ayaw mong buhatin kita pasakay ng kotse na to!" Sigaw nya na nakasandal na sa kotse nya.
"Eh bakit kasi iniwanan mo kong bakulaw ka! Yung butiking labanos inasar ako ng inasar don! Nakakabwisit sya ng umaga!"
Tumawa sya at tsaka umiling. "Hoy wag mo kong tawanan! Tatadyakan kita dyan." Tumawa pa sya. Aba bwisit na to!
"Ang cute mo eh. Nagtoothbrush ka na ba? Di ka man lang nagsuklay. Tingnan mo yang ayos mo. Dala mo pa yang si Teddy. Mukha kang bata."
Tiningnan ko lang sya ng masama. "Baka murderin ni butiking labanos to pag iniwan ko eh. Tsaka tara na sa loob. Awayin mo yon!" Hinila ko sya papasok kaso ayaw nyang magpahila at nakatitig lang sakin.
"Hoy Daelle! Pag di ka pa gumalaw dyan!"
"Ito na nga! Ang bossy mo punggok! Halikan kita dyan eh."
BINABASA MO ANG
When Pervert Meets Another Pervert (GirlxGirl) ON HOLD
RomanceSi Daelle cold, abnormal, bipolar, unpredictable at pervert para kay Charm. Si Charm, childish, batang walang muwang, inosente, praning at medyo manyak para kay Daelle. How would a childish brat Chamreen fall in love with a perverted casanova Daelle...