-*-
Charm's POV
"Yun na nga eh. Hindi ko na talaga to maintindihan Gab!" Pasalampak akong umupo sa harap ni Gab at tsaka bumuntong hininga.
Tiningnan nya akong maigi bago pa umalis sa inuupuan nya. "Teka lang. Lumalapit ka ba sa'kin para humingi ng tulong o dumaing dahil najijirapan ka?"
"Pareho." Umupo ulit sya at tsaka kinuha ang phone nya. Malamang eh mangangalap na naman to ng impormasyon tungkol kay barney.
Isa sya sa mga loyal stalker ni Daelle nong lalaki pa daw sya. Kaya nagkakandaugaga tong si Gab kapag may mga exhibit si Barney.
"Teka naman. Medyo mysterious kasi si Daelle. Unpredictable nga sya para sayo di ba?" Tumango tango naman ako at tsaka inginuso yong v cut sa side table nya.
"Explain mo nga kung anong tingin mo sa kanya ulit." Seryoso niyang utos sabay abot ng v cut sakin.
"Okay, una pervert sya. Pangalawa, uhmm, ano manyak sya." Sinamaan nya ako ng tingin. -_-
"Esh! Totoo naman yon! Ikaw nagsabi na walang permanenteng babae yong tao eh." -_-
"Yon lang tingin mo sa kanya? Pervert? Alam mo ba kung bakit perverted goddess ang bansag sa kanya?" Ang bakla seryoso ah.
Napaisip ako saglit.. Hindi ko nga masyadong kilala si Daelle, ang alam ko lang non talagang patay na patay tong si Gab sa kanya. Nong nakasama ko naman, ang pervert at bipolar na ng tingin ko sa kanya. Ikaw ba naman tingnan nya ng walang mababakas na emosyon sa mukha tapos biglang ngingisian tapos cold ng trato sayo tapos aasarin ka tapos babadtripin ka tapos bibigyan ka ng jacket tapos ipagreready ka ng breakfast tapos aawayin ka at aasarin ulit. Ewan ko na lang kung di ka maloka. -_-
"Alam mo Charming, bali-balita na nagkaroon ng seryosong girlfriend yang si Daelle. Hindi nga lang alam kung sino sa dami ng nakikitang kasama nya.. Bukod sa babaero sya, napapatrouble din lagi yan dati, kaya nga grabe na lang ang pagbabantay sa kanya eh.."
"Ikaw naman kasi! Kung di ka nakafocus don sa walangya mong manliligaw na juding garci din naman pala eh di sana matagal mo ng kilala si Daelle!" dagdag nya.
"Mabalik tayo, ehem. Ilang linggo palang naman tayong magkakasama pano ka nagkaron ng linyang 'gusto ko na yata sya'?"
Binigyan ko sya ng tinging di sigurado. Bago sakin to. Dati naman kasi talagang kay Andre lang ako nakafocus dahil sya lang naman nagtangkang ligawan ang pamilya ko. Ngayon, parang hindi ko na talaga maintindihan ikot ng mundo. =__=
"Naikwento ko na sayo Gab. Una di ko pinapansin. Tanda mo yung ipis? Nakaramdam na ko ng iba, tapos nong pumunta kami ng mall, tsaka yong nangyari bago tayo umalis ng resort. Hindi ko maintindihan yong tiyan ko tapos parang tumalon talon pa tong puso ko na di normal att, yong thought na gusto kong halikan nya ako."
BINABASA MO ANG
When Pervert Meets Another Pervert (GirlxGirl) ON HOLD
RomanceSi Daelle cold, abnormal, bipolar, unpredictable at pervert para kay Charm. Si Charm, childish, batang walang muwang, inosente, praning at medyo manyak para kay Daelle. How would a childish brat Chamreen fall in love with a perverted casanova Daelle...