Chapter 5

6.7K 87 14
                                    

***

Charm's POV

"Charming! Charm! Oy bata!"

"Ano?!" Lumingon ako sa kanya na nakahiga sa couch. Ngumisi sya sakin habang pinapaikot ikot yung phone nya sa ibabaw ng tiyan niya. Uutusan na naman ako ng bakulaw na to! Bwisit.

Ilang araw na syang ganyan. At sa twing ipaparinig nya sakin ang recorded line ko sa phone nya. Naiirita ako lalo sa kanya!

"Gusto ko ng milk shake. Hanapan mo ko."

Ibinato ko sa kanya hawak kong unan. Naiinis talaga ko ng sagad sa buto! Hindi pa talaga sya nakontento sa lahat ng pinagawa nya sa'kin?! Heto na naman kami sa pagkabwisit nya!

Kung di lang talaga ako pinagpala ng Diyos ng baby face. Jusko! Baka nagmukha na kong nanay sa kunsumisyon sa kanya!

"Hoy witch, gusto ko nga ng milk shake. Tsaka ng maraming chocolates." Sabi nya habang nilalaro laro ang unan na ibinato ko sa kanya. Ang dami niyang nilalaro. Pati ako. Bwisit sya!

Buti na lang sanay na syang sinasaktan ko sya at binabato ng kung anu-ano kaya hindi na sya umaangal. At sanay na din akong kung anu-ano tinatawag nya sakin. -_-'

"Samahan mo ko sa resto. Don na lang tayo kumain." Naka indian sit na sya ngayon. "Libre kita." Ang bipolar. -_-

Syempre maganda ako kaya mag-iinarte muna ako. Inirapan ko sya at tsaka tumingin sa tv. Nag DVD marathon kasi kami after ng shooting namin para sa short film. 

Kung natatandaan nyo pang may entry kami para sa international competition na dahilan kung bakit partner kami ng ugok na to.

"Charm, wag ka ng mag-inarte. Bukas diretso na tayong Bagiuo pagkatapos ng scene nila Cristine. Kaya tara na." Bumuntong hininga sya habang nakapameywang na nakatingin lang sakin. "Tsaka samahan mo ko sa mall."

Tiningnan ko lang sya, iba kasi tono ng boses nya. Hindi cold, hindi din seryoso, parang nakikiusap kahit pautos. Gulo no? Pansin ko kasi, di sya marunong mag please kaya nakakapanibago.

"Okay!" I sighed. Ano pa nga ba?

-*-

Nasa mall na kami ni Daelle ng mapansin kong ibang iba si Daelle ngayon. Bathala, anyare? xD.

Nag commute kami dahil tumakas lang kami sa mga staff. Bawal umalis ng walang kasama kaso talagang matigas ang ulo nitong si Daelle kaya tumuloy kami.

Tuwang tuwa tong si impakto kanina sa bata sa sinakyan naming jeep. Nakikipaglaro pa, tapos ako? Ayon! Pinag-abot nya ako ng bayad tapos deadma na! Kulang na lang, yung bata ang isama nya sa pagmomall nya.

Nasa entrance palang kami ng mall, pinagtitinginan na siya. Sino ba namang hindi mapapatingin sa babaeng to? Eh ang lakas kaya ng dating nya.

Nakakaconcious syang kasama dahil feeling ko nagmumukha akong basahan sa tabi niya. Partida pang sinuot ko na ang pinakamagandang dress na dala ko ha! Tapos sya naka jeans at shirt lang pero kung tingnan ng mga tao daig pa mga lasing sa kanto! Parang huhubaran to. -_-

Lumayo ako sa kanya at sinenyasan na teka lang muna. Ehr? Ganon talaga? Nag-uumapaw ang sex appeal nya. *o* Ang sexy ng dating kahit ang simple ng suot nya.

Mahabaging bathala, salamat sa chance na makasama ko tong si Barney! Next time pwedeng yong mas mabait naman? *u*

"Hoy ano ba yang pinaggagawa mo?" Nakalapit na pala sya sa'kin. Tinapik nya noo ko ng di ako sumagot.

"Tiningnan ko lang kung bakit ka tinitingnan ng tao." Naka heels pa ko nito pero hanggang tenga nya lang ako. -_-

"Don't mind them. Diretso lang ng tingin. Para kang bata." Sabad nya pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko.

When Pervert Meets Another Pervert (GirlxGirl) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon