flashback 16

4.5K 71 5
                                    

Honey's pov.

Masakit ang buong katawan ko pero tiniis ko dahil kailangan ko ng makita ang anak ko. Kailangan nya ng gatas. Kailangan na ding uminom ng gamot ni Inay.

Malapit na ako sa bahay namin ng mapansing kong ang daming bombero.

Nanlaki ang mata ko ng makitang natutupok ng apoy ang buong iskinita namin.

"Mikaila...."Sigaw ko patakbo sa nasusunog naming bahay.

"Honey nasa loob ang nanay at anak mo." Salubong ng isa sa mga kapitbahay namin.

Lalo akong naghilakbot.

"makihawak."ibinigay ko sa'kanya ang plastik.

"Teka Honey saan ka pupunta."Hindi ko sya pinakinggan tumakbo ako papunta sa bahay naming natutupok na ng apoy.

Wala na sa isip ko ang nangyari kanina kailangan kong iligtas ang anak at ang nanay ko.

"Teka ma'am.."Hindi ko na pinatapos yung bumbero sinapak ko sya.

hindi ako papayag tumayo lang dito at hindi iligtas ang anak ko. Ang anak namin ng lalakeng mahal na mahal ko.

At hayaang mamatay ang nanay ko na hindi iniwan ang tabi ko sa panahong nagkamali ako.

Umuusok na ang buong bahay nagawa kong makapasok. Masakit sa mata ang usok. Punong puno na ng apoy ang bahay namin.

"Inay..."Sigaw ko "uhuhh.. uhuuhh."nauubo na talaga ako sa apoy.

"Mikaila Inay "Sigaw ko.

Wala hindi ko sila makita. Lumakad pa ako pakonti. May bumagsak na kahoy muntik na ako.

"Mikaila..."Unti unti na akong nahihirapang huminga.Nanlalabo na din ang mata ko. Mamatay ba kami dito?

"Inay....Mikaila."Eksakto bago ako mawalan ng malay nakita ko ang nakahadusay na katawan ni Inay nakaupo walang malay buhat si Mikaila na wala na din malay.

"Mikaila..."Buhay pa ba sila??

Hanggang sa nagblock out na ko. Hindi na ako nakahinga.

---------

Unti unti kong ginalaw ang kamay ko.

"Nagkamalay na nagkamalaya na."Sigaw ng isang babae.

unti unti kong dinilat ang mata ko. Nasa loob ata ako ng ambulansya.

"swerte sya at first degree burn lang ang inabot ng kanang braso nya bukod dun wala na."sabi ng isa pang babae.

"Miss?"Sabi ng nasa tabi ko.

Ungol lang ang nasabi ko.

"Nasa ligtas ka na miss."Ngiti nya

"Mikaila."Sa sinabi ko lumungkot ang mukha ng babae.

Anong nangyari sa anak ko?

"Miss anong nangyari sa anak ko?"Nagpapanic na ako

"sorry."Yun na lang ang nasabi ko.

Hindi yan totoo miss hindi mamatay ang anak ko."Tumayo ako at hinaltak ang Dextros na nakakabit sa kamay ko. Kesehodang magdugo ang kamay ko.

"Miss."Pinigil akong tumayo ng nurse.

"Wag mo ko pigilan pupunta ako sa anak ko.

"tulong"Sigaw nya. Mayamaya may utinurok sa'kin.

Hanggang umikot na ang paningin ko.

----------

Nagising akong masakit na masakit ang katawan ko. Pagod na pagod ang kaluluwa ko.

Si aling mae ang nabungaran ko.

make love to me or just fuck meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon