"We need to talk Nibson Hoffman! "
Galit na galit si mama. Hindi ko alam kung bakit siya galit.
"Bakit Ma? "
"Nagsama kayo ni Peter diba?"
Kinabahan ako. Bakit niya alam? Atsaka ano ngayon kung nagsama kami?
"Oo, bakit Ma? " tanong ko ulit. Galit pa rin ang mukha niya.
"Kailangan na nating umalis dito! Lilipat na tayo! Hindi ako makakapayag. "
"Ma! Bakit tayo aalis?! "
"Hindi ako makakapayag na kukunin ka nya! "
"Ayoko! Hindi ako aalis dito! "
"Sa ayaw at sa gusto mo! Aalis tayo dito! "
"Ma! Bakit di nyo sinabi sakin?! Na taga Neverland ka pala! Fairy ka pala! Bestfriend pala ni peter si papa! Bakit di nyo sinabi sakin! "
Naiiyak na ako. Ayokong umalis dito. Hindi ko iiwan si Peter.
"Dahil ayokong makilala mo si Peter! Ayokong mapupunta ka sa Neverland. Ayokong mawala ka sa akin anak.. "
Naiiyak na rin si mama. Nilapitan niya ako. Hinawakan niya ang mga balikat ko.
"Ma, ayokong umalis dito. Ayokong iwan si Peter. "
Biglang nagalit ang mukha niya.
"Aalis tayo dito! Pupunta tayo sa Auntie Wendy mo! Dun na tayo titira! "
Pumunta na siya sa mga drawer ko. Kinuha na niya ang mga damit at gamit ko.
"Ma! Ayoko! MAHAL KO SIYA! "
Biglang natigilan si Mama. Nagulat siya. Nilapitan niya ako at nakatanggap ako ng malakas na sampal.
"Tandaan mo to, Nibson. Ako ang nanay mo. Kaya susundin mo ako! Hindi pwedeng mahalin mo siya! "
Masakit ang sampal niya. Pero mas masakit ang sinabi ni mama. Umiyak lang ako ng umiyak.
[Peter's Side]
Papunta na ako ngayon sa bahay nila Nibsy. Excited na akong ipakilala siya sa Neverland bilang Boyfriend ko. Masayang masaya ako. Pero bakit parang kinakabahan ako? Ay basta! Excited na ako. Nung malapit na ako sa bahay nila Nibsy. Nagtaka ako, bakit sirado ang bintana niya? Baka siguro natulog lang siya. Positive lang talaga ako. Ayokong mag isip ng masama. Pero bakit palapit ako ng palapit sa bahay nila ay mas lalo akong kinakabahan? Siguro sobrang excited ako. Oo nga. Excited ako. Nung dumating na ako sa labas ng bintana niya. Tinawag ko siya.
"Nibs? "
Walang sumagot. Siguro tulog pa siya. Tinawag ko ulit siya.
"Nibs? "
Wala talagang sumasagot. Paulit ulit na akong tumatawag sa kanya. Kinabahan na ako. Kaya sinira ko na ang bintana.
Nagulat ako. Wala siya. Wala na ang mga gamit niya. Hindi..
Naiiyak na ako. Tumulo na ang luha ko.
Hindi pwede..
Hindi pwedeng mawala siya. Agad akong lumabas at lumipad kung saan saan. Hinahanap ko siya. Hindi pa rin humihinto ang mga luha ko.
Hindi pwedeng mawala siya. Mahal na mahal ko siya. Ayokong maiwan mag isa.
Hindi.
😢😥😭

BINABASA MO ANG
Peter Pan (BoyxBoy)
FantasyHey! Read me! I'm going to tell you a story. About a boy named.. "Peter Pan"