PP Five ⚓

1.1K 55 0
                                    

"Siya ang anak ni Nibsy? "

Teka, Kilala niya ang papa ko?

Peter nodded.

"Kilala nyo ang papa ko? "

Nagsmile yung babae sa akin.

"Hello Nibs! " sabi nya.

Hindi ako sumagot. Nagulat pa rin ako at nalilito na rin.

"As what I've said Nibs, we've got a lot to talk about. " sabi naman ni Peter.

Yeah. I remember that.

"So, let's go? "

Lumipad na si Peter at ang babae patungo sa lumulutang na bundok. Sumunod nalang ako sa sa kanila.

Maraming mga katanungan sa isip ko. Yung mga sinabi ni papa sa akin. Bakit nya ako binigyan ng libro? Bakit palagi niyang sinasabi sa akin na "Just Believe."? Ano ba ang dapat kong paniwalaan? I need answers!

Dahil sa kakaisip ko, hindi ko na namalayan na dumating na pala kami.

Nandito kami ngayon sa parang kagubatan. Gabi na pala dito. Maraming mga alitaptap na nagsiliparan na parang naglalaro. Ang ganda ganda nilang tignan.

" Oh pano yan. Iiwan ko muna kayo dito. Tinatawag na ako ni Raphael. Hihi" sabi nung babae.

"Oh sige Joy. Ikumusta mo nalang ako kay Raphael. Hahaha"

At ayun lumipad na yung babae. Sinundan namin ng tingin ang babae.

Nung nakita naming pumasok na yung babae sa Malaking bulaklak, Nagtama ang mga mata namin ni Peter. Ang ganda talaga ng mga mata niya. Hindi ko maitatanggi na ang gwapo talaga niya. Napaka Gwapong bata. Nakakainis. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Parang lalabas na ata sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas.

Nagsmile sya. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Nakakainis ka talaga Peter. Nakakainis ka!

"Punta tayo dun oh. "

May tinuro syang lugar. Halos lumuwa ang mata ko dahil sa pagkagulat. Napakagandang lugar ang itinuro nya. Malawak na kapatagan na may mga damo. Napapalibutan ng mga nag gagandahang bulaklak. May parang maliit pa na lake sa unahan. Dahil nga kapatagan, kitang kita ang mga stars at moon na mas lalo pang nagpaganda sa lugar. Napakaganda talaga.

"Do you like it? " sabi niya.

"O-Oo. "

Grabe talaga Speechless ako. Nagsimula na kaming lumakad patungo dun. Parang sinusundan kami ng mga firefly. Pinapalibutan pa kami.

WOAAAH. ANG GANDA. Parang nagsasayawan ang mga firefly. Tumawa lang si Peter. Tinignan ko siya. Ang cute talaga niya.

"Oh. Baka matunaw ako niyan. " sabi niya sabay smirk.

Agad akong tumingin sa ibang direksyon. Sabay turo sa kung anong bagay.

"Wow. Ang ganda dun! " palusot ko.

Waaaaaaah NAKAKAHIYA!
Tumawa nalang siya. Kainis talaga. Pagkatapos ay umupo na siya sa damo. Sumunod naman ako.

Nagsmile sya at huminga ng malalim.

"I'm going to tell you a story.. "

Peter Pan (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon