"I'm going to tell you a story.. "
Nagsmile ako.
"Bestfriend ko ang papa mo. Sabay kaming lumaki kasi we're both orphans. Masayang masaya talaga kami kapag kaming dalawa ang magkasama. Sabay naming pinasok ang Office ni Madame Barnabas. Natatawa nga kami dun kasi, She's a dirty old nun! "
Tumawa siya. Pero alam kong malungkot ang mga mata niya. Kaya pala kilala niya ako. Parehas kasi kami ng pangalan ng papa ko.
"Sabay din kaming pinarusahan ni Madame Barnabas. Hanggang sa unti-unti ng nawawala ang mga kasama kong ulila. Binibenta niya pala kami sa mga Pirata. Kinuha rin kami ni Nibsy. Pero nakatakas siya. Kinakabahan ako sa mga oras na yun. Wala na kasi akong kaibigan na maaasahan ko. Mahabang panahon din na hindi ko siya nakita. Sa tuwing nahihirapan ako. Palagi kong sinasabi sa sarili na, " If only Nibs is here, I know he can help. ". Papatayin kasi ako ng mga pirata at sisirain nila ang fairy kingdom. Kaya kailangan ko ng lakas para labanan sila. Naiinis pa ako sa sarili ko kasi hindi pa ako marunong lumipad. Hanggang sa umabot na yung oras na pumunta na ang mga pirata sa fairy kingdom para sirain ito. Kinakabahan ako sa mga oras na yun. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Unti unti na nilang pinapatay ang mga fairies. Sobrang nagalit na ako dun. Kaya kumuha na ako ng lakas ng loob na kalabanin sila. Marunong na akong lumipad kaya mas magiging mapapadali ang kalabanin sila. Hanggang sa natalo na namin ang mga pirata. Bumalik na muli ang masaya at payapa na Neverland. Agad ko ding binalikan si Nibs. Sabi pa nga niya " I thought you've forgotten me" sabi ko naman "That's not gonna happen. ". Sinama ko siya sa Neverland pati ang mga ibang ulila. Masayang masaya sila. Bumalik muli ang masayang pagsasama namin ni Nibsy. Ang mga kulitan namin. Bumalik ang lahat. Masayang masaya ako. Hanggang sa nalaman kong mahal ko na pala siya. Higit pa sa kaibigan. "
Nagulat ako dun. Napatingin siya sakin. At mas lalo siyang nalungkot.
"Alam kong mali. Maling mali talaga. Pero hindi ko mapigilan ang nararamdam ko. Hanggang sa nakilala niya si Irene. Isa sa mga magagandang fairies sa Neverland. Napapansin kong palagi na silang magkasama. Hindi na ako napapansin ni Nibsy. Kapag sasabihin ko sa kanya na mamamasyal kami, Busy daw siya. Hanggang sa napagdesisyunan kong umamin na sa kanya. Kinakabahan talaga ako sa mga oras na yun. Pero laking gulat ko nalang nung nakita ko silang naghahalikan. Sila na pala. Nasaktan ako. Masakit pala. Sobrang sakit. Pero hindi ko yun pinakita sa kanya. Sinabi ko sa kanyang " Congrats! Masayang masaya ako sa inyo. ". Hanggang sa tumira na sila sa iisang bubong. Nabalitaan ko nalang na may anak na pala sila. At ikaw yun. "
Tumingin siya sakin. Nasasaktan din ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan.
"Palagi kitang binabantayan kapag gabi. Sinubaybayan ko ang paglaki mo. But when you turned 12. Napapansin kong hindi ka na lumalaki. Nakita rin kitang lumulutang kapag natutulog. "
Nagulat ako dun. Hindi ako makapaniwala. Kaya pala 15 years old na ako pero batang bata ako tignan.
"You are just like me. Kahawig mo din pala ang papa mo at parehas pa kayo ng pangalan. I can see him in you. Parehas kayong makulit at masayahin. Sa mahabang panahon na binabantayan kita. Nalaman ko nalang na mahal na pala kita. "
Tumingin siya sakin. Hindi ko alam kong ano ang erereact ko. Ang bilis ng tibok na puso ko. Nagtama ang mga mata namin. Unti unti na ring lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Hanggang sa naramdamn ko ang labi niya sa labi ko. He kissed me.
Mahal ko na din pala siya. Ngayon ko lang nalaman. Mga ilang segundo ang lumipas. Inilayo na niya ang mukha niya. Yumuko ako.
"Mahal din kita.. "
Hindi ko alam ang reaksyon niya. Pero alam kong nagulat siya. Hinawakan niya ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya. Masaya siya. Nawala na ang lungkot sa mga mata niya.
Pinasyal pa niya ako sa Neverland. Hanggang sa inuwi na niya ako.
Nandito na ako sa kwarto ko. Nandito din si peter.
"Ipapakilala na kita bukas sa Neverland. "
Nagulat ako.
"Huh? "
"Susunduin kita bukas." Then he kissed my lips.
Nagsmile sya at lumipad na palabas ng bintana.
Biglang pumasok si Mama. Nagulat ako. Galit ang mukha niya. Nakakatakot siya. Nakita niya kami?
"We need to talk Nibson Hoffman! "
Patay.

BINABASA MO ANG
Peter Pan (BoyxBoy)
FantasyHey! Read me! I'm going to tell you a story. About a boy named.. "Peter Pan"