PP FOUR ⚓

1.5K 68 3
                                    

Kahit walang magbabasa tuloy pa rin to. Hahaha

---+---

Kakarating ko lang galing school. Nakakapagod talaga. Ang daming projects at Exam na rin Next Week.

"Mom, I'm home! "

Walang sumagot. Sigurado akong nasa trabaho pa si Mama. Agad akong pumunta sa kwarto ko. Pagpasok ko, agad akong humiga sa kama ko. Haaaaaaaay, nakakapagod talaga.

Bigla akong napaisip. Panaginip lang talaga yun? Pero bakit feeling ko totoo talaga. Nakita at nakausap ko talaga siya. Lumipad talaga kami. Haaaaay. Ewan ko. Nababaliw na talaga ako.

Tinignan ko yung alarm clock. 6PM na pala. Kinuha ko na yung libro sa ilalim ng kama ko. At nagsimula na kong magbasa.

[+]
"We have to jump!"
"No. I can't. "
"We have to! Come on! "
Then Nibsy jumps to the roof.
"NIBSY! "
"And away we go. "
"PETER! "
"FRIENDS TILL DEATH! "
[+]

"Nibs? Anak? "

"Yes, Mom? "

"Kumain ka na ba? "

"Hindi pa. "

"Halika na dito. Kakain na tayo. "

Nilagay ko na yung libro sa ilalim ng kama. Agad naman akong pumunta sa baba. Para kumain. Nasa ikalawang palapag kasi ang kwarto ko eh.

Pagkatapos kong kumain ay agad naman akong pumunta sa kwarto ko. Pinagpatuloy ko na ang pagbabasa hanggang sa natapos ko na rin.

"Bakit kaya hindi ako nagsasawa sa pagbabasa nito? "

Tumawa nalang ako. Para akong baliw. Binalik ko na ang libro sa ilalim ng kama at ini-off ang ilaw. I closed my eyes. And get some sleep.

"Nibs? "

Ayan na naman ang boses na yan. Agad akong bumangon. Bukas na naman ang bintana. Kitang kita ko na naman ang maliwanag na buwan.

"Nibs? "

Tumayo na ako at pumunta sa bintana. Nandoon nga siya. Lumulutang sa harap ng bintana. Humihiga pa ito na parang may sarili siyang kama.

"Hi Nibsy! How are you? "

Then he smiles. Arghh. I hate this feeling. My heart beats so fast!

"Am I Dreaming? "

"No, you're not. "

At lumipad siya patungo sa akin. He hugged me and said..

"This is REAL.. "

Nagulat ako sa pagyakap niya. His hug is so tight. Oh my god! He might feel my heart beats so fast! I cant control it. Damn.

"Ahh, peter? "

"Oh. Sorry. "

At kumawala na siya sa pag hug sa akin.

"It's okay. "

"What happened to your face? Are you okay?" Pag aalala niya.

"Huh? "

Bakit? Anong nangyari sa mukha ko?

"You look like a red tomatoes! Hahaha"

WHAAAAAAAT? DID I JUST BLUSH IN FRONT OF HIM?! GAAAAAWD! NAKAKAHIYA!
Yumuko ako. Nakakahiya talaga. Kainis.

Huminto siya sa kakatawa. Hinawakan niya ang mukha ko at pinaharap sa kanya.

"Don't worry. I love tomatoes! Hahaha You're so cute when your face turns red! Hahaha "

"Okay okay. Just forget it. "

Aish. Nakakahiya talaga. Mga ilang segundo siguro siyang tumatawa. Hanggang sa huminto na rin sya.

"So, you want to go to NEVERLAND? " sabi niya.

Nagulat ako.

"N-Neverland? "

"Yes? "

"Ahhmm"

"So is it a Yes? or a Yes? "

Natawa ako saglit tsaka huminto na rin. Kulit ehh.

"O-Okay"

Then his beautiful smile formed in his face. Damn. Why he always do that?

May kinuha syang Pixie dust mula sa bulsa niya at ini-sprinkle niya sa buong katawan ko.

Unti-unti na rin akong lumulutang. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na nya ako palabas. Parang ayaw ko nang bumitaw sa paghawak niya sa akin. Ang sarap sa pakiramdam.

Lumipad kami paitaas. Ang bilis. Hanggang sa nakapunta kami sa outer space.

"Waaaaaah. Ang ganda. "

Kitang kita ko ang mga planets, mga stars at ang napakalaking sun. Parang hindi ako makapaniwala na nandito ako. Grabe! Ang ganda talaga.

Nagulat nalang ako nang hawakan niya ang dalawa kong kamay. We're facing each other. Nagtama ang mga mata namin. Teka, ang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong kinakabahan na iwan. Hindi ko maexplain. Weird?

He giggled. Haaaaaangkyuuuuut! Kainis talaga tong batang to.

"Bakit? " tanong ko. Tumatawa na rin ako.

"Wala, I'm just happy. "

Laking gulat ko nalang na nahuhulog na pala kami. Nahuhulog kami sa parang mga tubig na lumulutang. Mga hugis bilog na tubig. May mga isda sa loob nito. Patuloy lang ang paglipad namin hanggang sa may nakita akong bundok. Napakalaking bundok. Teka, bundok na lumulutang sa ere? Ang weird naman dito.

"Welcome to Neverland! " sabi niya.

May sumalubong sa amin na babae. May pakpak siya na parang sa butterfly. Kasing tangkad din siya ni peter. Hindi siya katulad sa ibang fairies na sobrang liit.

"Hello Peter!" Pagbati niya.

Napatingin siya sakin at nagsmile.

"Hello Joy! He is Nibson Hoffman. " Pagpapakilala sa akin ni peter.

Nagulat siya.

"Siya ang anak ni Nibsy? "

Teka, kilala niya ang Papa ko?

Peter Pan (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon