Namumugto na ang mga mata ko sa kakaiyak kagabi. Hindi ko na talaga napigilan si Mama. Nandito na ako ngayon sa kwarto ko sa bahay nila auntie. Ang creepy ng bahay nila tapos wala pa daw nakakaalam sa bahay na to. Witch kasi si Auntie Wendy. Kaya pwede nyang gawing invisible ang bahay.
Kaya ito ako ngayon, parang isang criminal na nasa kulungan na wala nang pag asang makalabas.
Nakakalungkot.
Ako lang mag-isa. Naalala ko na naman ang samahan namin ni Peter. Yung una naming pagkikita. Yung namamasyal kami. Yung pag amin niya na mahal niya ako..
Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko..
May kumatok sa pintuan. Alam kong si Mama yun.
"Nibsy? anak? Halika ka na dito. Kakain na tayo. "
Agad kung pinunasan ang mukha ko gamit ang kamay ko. Hindi ako sumagot. Tumayo nalang ako at pumunta sa pintuan. Pagbukas ko, nakita ko agad si Mama. Dumiretso na ako sa mesa at nagsimulang kumain. Napapansin kong palaging nakatingin sa akin si Mama. Parang nag aalala siya? Ay, ewan. Hindi kasi ako nagsasalita. Sobra akong tahimik.
"Huwag kang mag alala Irene. Masasanay rin yang si Nibsy. " sabi ni auntie.
Dahil dun. Kumain na rin si Mama. Tumayo na ako at pupunta na ako sa kwarto ko. Konti lang yung kinain ko. Wala akong gana.
"Tapos ka na anak? "
Hindi ako sumagot. Dumiretso lang ako sa kwarto ko. Buong gabi akong umiyak. Iyak lang talaga ang magagawa ko sa mga oras na to.
(Nine Months later.. )
[Peter's Side]
Mag iisang taon na ang lumipas pero hindi parin ako tumitigil sa paghahanap. Kahit saan mang sulok ng mundo, hahanapin ko siya. Miss na miss ko na siya. Gusto ko na siyang yakapin. Gusto ko nang makita ang mukha niya. Gusto ko nang makita si Nibsy. Umiiyak na naman ako. Walang araw ni hindi ako iiyak. Walang araw na hindi ko siya iniisip. Miss na miss ko na talaga siya.
Kanina pa ako lumilipad pero wala parin akong nakikitang bahay. Nandito ako sa parang kagubatan. Napaka dilim ng paligid. Wala talaga akong nakikitang bahay dito. Patuloy lang ako sa paglipad. Hanggang sa may nakita akong liwanag sa unahan. Dali dali akong lumipad patungo dun. Malaki ang bahay. Dalawang palapag ito. May naririnig akong boses mula sa loob.
"Peter.. Tulungan mo ko.. "
Nagulat ako. Boses yun ni Nibsy. Ang matagal ko nang gustong marinig. Kinabahan ako. Nanghihingi siya ng tulong kaya agad akong pumasok. Pagpasok ko, biglang nawala ang ilaw. Dumilim na naman ang paligid. Kailangan kong maging matapang ngayon. Kailangan ako ng mahal ko. May nakita akong green na ilaw na kumikintab sa ikalawang palapag. Pumunta ako doon. Tanging ang ilaw lang na yun ang nagbibigay liwanag sa paligid. Nung malapit na ako sa kulay green na ilaw, maliit lang pala yun. Maliit na hugis bilog ang ilaw.
Ang ganda..
Nakaka akit..
Parang sinasabi niya na lalapit ako..
Hinawakan ko yun. Naramdaman ko nalang na biglang sumakit yung kamay ko. Biglang nagliwanag ang buong bahay. Nakita ko ang kamay ko. Dumudugo. Parang tinusok ng karayom yung sugat.
Naramdaman ko nalang na unti unti akong nahihilo. Parang umiikot ang paningin ko. Bumagsak ako sa sahig. May narinig akong tumatawa. Hanggang sa nawalan na ako ng malay.
[Nibsy]
Mag iisang taon na pala. Hindi ko na namalayan. Para na akong mababaliw. Miss na miss ko na talaga siya. Isang taon na akong nagmumukmok dito sa kwarto. Isang taon na kong hindi nagsasalita. Isang taon na akong nalulungkot. Isang taon na akong umiiyak. Nakakapagod na..
May kumatok sa pinto. Alam kong si Mama yun. Alam ko talaga kapag siya na ang kakatok.
"Anak? Pwede ba kitang makausap? "Hindi ako sumagot. Narinig ko nalang ang pagbukas ng pinto. Lumapit siya sa akin. Umupo siya sa kama ko. Bumangon na rin ako. Hinawakan niya ang kamay ko. Bigla na lang siyang umiyak.
"Anak.. Sorry.. "
Bigla na lang siyang humagulgol pag iyak.
"Sorry anak.. Kung naging masama akong ina sayo.. Gusto ko lang namang protektahan ka eh.. Pero kapag naririnig kitang umiiyak gabi gabi. Nasasaktan din ako anak.. "
Naiiyak na rin ako.
"Napakasama kong ina! Hindi ko inintindi ang kaligayahan ng anak ko! Gusto kong bumalik ang dating Nibsy. Ang Nibsy na makulit. Ang Nibsy na masayahin. Mahal na mahal kita anak.. Kaya pinapayagan na kitang lumabas."
Nagulat ako. Napatingin ako sa mukha niya. Tumango si mama at nag smile. Bigla ko siyang niyakap.
"Salamat Ma.. "
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Masayang masaya ako.
"Puntahan mo na si Peter anak"
Kumawala na ako sa pagyakap.
"Sige po Ma.. Salamat talaga! "
Pagkatapos ay agad na akong lumipad palabas. Na miss ko to. Ang malamig na preskong hangin. Lumipad na ako ng napakabilis patungong Neverland.
Hindi na ako makapaghintay na makita siya. Sabik na sabik na akong makita siya. Gusto ko na siyang mayakap.
Nung dumating na ako sa Neverland. Bigla akong napahinto sa paglipad.
Ang dating masaya at masiglang Neverland. Ngayon tahimik na..
Ang dating kulay green na mga halaman. Ngayon parang namatay ang lahat at naging kulay gray..
Kinabahan ako. Anong nangyayari?
Kinakabahan na talaga ako. Masama ang kutob ko. Umikot ako sa paligid nagbabasakaling may makita akong fairy.
May nakita nga ako. Si Joy. Nagliligpit na siya sa mga gamit nila. Nilapitan ko siya.
"Joy? "
Napahinto siya sa pag liligpit. Nagulat siya nung nakita niya ako.
"N-Nibsy? "
Bigla niya akong niyakap. Humagulgol siya sa pag iyak.
"Bakit anong nangyayari? " kinakabahan kong tanong.
"W-wala na si peter. "
Bumagsak ako sa lupa. Parang nabingi ako sa sinabi niya.
Hindi..
"Isang taon ka na niyang hinahanap. Hindi na nga siya umuuwi dito eh. Hanggang sa natagpuan nalang siya ni Raphael na wala nang buhay.. "
Wala akong masabi. Ang sakit ng puso ko. Sobrang sakit.
"Asan siya? "
"Nandun sa fairy kingdom. "
Agad akong lumipad patungo dun. Umiiyak na ako.
Dumating na ako sa fairy kingdom. At dun nakita ko siya.
Wala nang buhay..
Nakahiga siya sa parang malapad na crystal. Pinapalibutan siya ng mga bulaklak.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Humagulgol na ako sa pag iyak. Hindi ko kaya. Parang dinudurog ang puso ko.
Nilapitan ko siya. At mas lalo akong napaiyak.
"Peter.. "
😢😢😢

BINABASA MO ANG
Peter Pan (BoyxBoy)
FantasyHey! Read me! I'm going to tell you a story. About a boy named.. "Peter Pan"