⚓ The End ⚓

1.1K 71 8
                                    

"P-Peter.. "

Hinawakan ko ang kamay niya. Ang lamig. Mas lalo akong napaluha.

"Nakakainis ka! "

Pinaghahampas ko na siya gamit ang kamay ko.

"Nakakainis ka talaga! Dapat sinama mo nalang ako! Gago ka! "

Wala na akong pakialam kong may nakakarinig sa akin. Pinaghahampas ko pa rin sya.

"Sinong pumatay sayo ha?! Magpapatay din ako sa kanya! "

Mababaliw talaga ako kapag wala siya.

"Tangina mo rin noh?! Ang unfair mo! "

Grabe. Ang sakit. Sobrang sakit. Hindi ko kayang makita siya na ganito. Sinubsob ko nalang ang mukha ko sa dibdib niya. Dun ako umiyak ng umiyak.

Mga ilang oras din akong umiyak. Ang sakit na ng mata ko. Parang wala na atang mailabas na luha.

Tinignan ko ang mukha niya. At hinalikan ko siya. Nagbabakasakaling gagaling siya at biglang didilat ang mata.

Pero wala..

Walang nangyari..

Pero may biglang lumiwanag na kulay berdeng ilaw sa harapan ko. Sumunod ang maitim na usok. Tapos may biglang sumulpot na nakaitim na babae.

"Sino ka? "

May kutob ako sa kanya.

"Gusto mo siyang mabuhay diba? "

Tumango ako. Gagawin ko ang lahat. Mabuhay lang siya.

Nagsmile siya. Pero may kakaiba sa smile niya.

"Kung ganun, kailangan mo lang inumin to. Tapos sasabihin mo " I believe. ". "

May binigay siya sakin. Isang maliit na bote. Lumiliwanag ito ng kulay berde.

Nag aalangan akong kunin ito. Pero kinuha ko na rin ito at ininom. Gusto ko na talagang mabuhay siya.

Biglang naging green ang paningin ko. Narinig kong tumatawa yung babae.

"Bakit? Anong ginawa mo sakin? "

"Hahahaha. Bobo na nga tanga pa! Wag kang magpakatanga sa love, Nibsy. Sayang ka. Sinayang mo ang buhay mo dahil sa pesteng love na yan! Naramdaman mo na ngang masama ako, pinagpatuloy mo parin ang pag inom. TANGA!  "

Naramdaman ko nalang na unti unting nagiging black ang paningin ko at nahihilo ako. Hanggang sa nawalan na ako ng malay.

[Peter]

Huminga ako ng napakalalim. Parang isang buwan akong hindi nakahinga. Nagulat ako sa hinigaan ko. May mga bulaklak. Anong nangyayari? Tiningnan ko pa ang paligid.

Laking gulat ko nalang nung nakita ko si Nibsy. Nakatalikod siya. Naka upo sa lupa. Agad ko siyang nilapitan.

"N-Nibsy? "

Paghawak ko sa  balikat niya. Bigla nalang siyang natumba. May narinig akong tumutawa. Nilingon ko yun. Nagulat ako.

"Yeri? "

"HAHAHAHA. Peter, ang sarap niyong paglaruan! Ang dami ko na talagang tawa sa inyo! "

"Bakit?! Anong ginawa mo sa kanya?! "

"Pinainom ko lang naman siya ng lason. " pasimpleng sabi niya.

TANGINA NIYA! Agad ko siyang sinugod. Pero agad niya akong pinahinto gamit ang mahika niya. Hindi ako makagalaw.

"Hep. Peter! Nagmamadali ka yata? "

"Akala ko patay ka nang demonyo ka! "

"Yun ang akala mo peter. Pagkatapos mo akong tinapon sa Dark kingdom. Akala mo hindi ako makakapag higanti sayo? Marami akong koneksyon, Peter. Parehas talaga kayo ni Nibsy. Mga TANGA! "

Ginamit ko na ang buong lakas ko para makatakas sa mahika niya. At nagtagumpay talaga ako.
"May nakalimutan ka Yeri. "

Nagulat siya.

"Pano mo nagawa yun? " pagtataka niya.

Tinaas ko na ang kanang kamay ko. Biglang lumiwanag ng napakalakas. At nagsilabasan ang mga kaibigan kong fairies.

"Diba takot ka sa kanila? "

Lalong nanlaki ang mga mata niya.

"HINDI! PINATAY KO NA SILA! "

"YUN DIN ANG AKALA MO, TANGA!"

Binulungan ko na si Tinkerbell.

"Drag her to HELL. "

Tumango si tinkerbell at sinugod si Yeri kasama ang mga kaibigan niya.

"HINDEEEEEEEEE! "

At bigla nalang silang naglaho na parang bula.

Agad kong pinuntahan si Nibsy. Hinawakan ko ang kamay niya. Ang lamig. Tumulo na ang mga luha ko.

"Hindi.. Hindi ka pwedeng mawala Nibsy.. Hindi ko kaya.. Mahal na mahal kita.. "

Naramdaman ko nalang na may humawak sa balikat ko. Nilingon ko yun.

"M-mama? "

Nagsmile si mama.

"Only Love can cure him, Peter. Remember, Just believe. "

At unti unti nalang siyang nawala.

Tinignan ko si Nibsy. At hinalikan ko siya.

Naalala ko yung binabantayan ko siya sa gabi.

Yung unang pagkilala namin.

Yung pag amin ko sa kanya.

At nung nalaman ko rin ni mahal niya ako.

Mahal na mahal ko talaga siya..

Bigla nalang pumatak ang luha ko sa pisngi niya. Nagulat ako.

Bigla nalang siyang lumutang. At lumiwanag ng napakalakas. Nakakasilaw. Hindi ko siya matignan.

Nung nawala na ang liwanag.

"Peter.. "

Agad kong siyang tiningnan. Nakatayo na siya. Agad ko siyang niyakap. Mahigpit. Napakahigpit.
Mga ilang minuto din kaming ganun.

"P-Peter. Hindi ako makahinga. "

Agad akong kumawala.

"Sorry.. "

Tumawa siya. Hinawakan niya ang kamay ko.

"I love you, Peter Pan. "

"I love you too, Nibsy Hoffman"

At sabay naming sinabi ang..

"Wala nang makakapaghiwalay sa atin.. "

At agad ko siyang hinalikan.

👦💓👱

👬-The End-👬

Publish na lahat.

Kahit walang nagbabasa. Hahaha

Peter Pan (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon