“Nibs..”May tumatawag sa pangalan ko. Hindi ko pa minulat ang mga mata ko.
“Nibs..”
May tumatawag talaga sa pangalan ko. Hindi pala ako nananaginip. Bigla nalang umihip ang napakalamig na hangin. Minulat ko na ang mga mata ko. Tiningnan ko ang alarm clock. 2 AM pa pala. Kaya pala malamig, bukas pala ang bintana. Pero naalala ko, Isinara ko yun kanina. Kitang kita ko ang full moon.
It’s so big. It’s so bright. It feels like the moon is telling me something.
“Nibs.. Come here..”
Ang ganda ng boses. Boses Lalaki. Napakasarap pakinggan. Tumayo na ako at pumunta sa bintana. Hinahanap ko yung may-ari ng boses. Kung sino man siya, gusto ko siyang makita. Gusto kong pakinggan ang boses niya. Ngunit wala akong nakita. Ni anino man lang. Wala. Tumalikod na ako at babalik na sana sa kama.
“Hey. Are you looking for me?”
Nagulat ako nung sinabi nya yun. Nasa taas pala siya. Nakadungaw siya sa bintana.
“Don’t be afraid. I’m your friend”
At bigla nalang siyang bumaba at lumitaw sa bintana.
Familiar siya sa akin. Lalo na yung Cap niya na may feather.“S-sino ka?”
“Hi Nibs! I’m Peter Pan.”
Nagulat ako. Hindi ako makapaniwala. Nandito siya. Kausap ko siya. Ang hinihintay ko sa mahabang panahon.
“P-Peter Pan?”
Then He smiles.

BINABASA MO ANG
Peter Pan (BoyxBoy)
FantasyHey! Read me! I'm going to tell you a story. About a boy named.. "Peter Pan"