PP Three ⚓

1.6K 65 3
                                    

“P-Peter Pan?”

“Yes. Nibson Hoffman”

Nag smile na naman siya ulit. Kainis. Ang ganda ng mga ngiti niya. Parang naakit ako. Teka, bakit kilala niya ako?

“Kilala mo ako?”

“Oo, Matagal na.”

“Ba--“

“Why? It’s a long story.”

“Pero ba--“

“We’ve got a lot to talk about. Let’s go?”

Kainis. Bakit hindi niya ako pinapatapos magsalita?

“Ha? Saan?”

“You said a while ago, you want to fly with me right?"

Ang ganda talaga ng boses niya. Tsaka yung accent niya, British.

“Ahh, eh”

Wala talaga akong maisagot sa kanya. Parang natameme ako.

“Let’s Go?” sabi niya

Pumasok siya at may kinuha siya sa bulsa niya. OH MY GOD! Pixie dust!
He then sprinkled the Pixum all over my body. Nararamdaman ko nalang na unti unti akong lumulutang.

“Woah.. Peter! I don’t know how to fly!”

Natatakot na talaga ako kasi feeling ko parang mahuhulog ako. Imbes na tulungan niya ako. Itinulak niya ako palabas ng bintana.

“WAAAAAAAH! PETER! PLEASE!”

Tumatawa lang siya. Parang naiihi na ako sa takot. Pagtingin ko sa baba. Oh my god! Ang taas! Naiiyak na talaga ako. Naramdaman ko nalang na may humawak sa kamay ko.

“Hahaha. You’re so cute! Don’t be scared. I’m here. You’re safe now.”

At bigla nalang niya akong hinila pataas. Ang sarap sa pakiramdam. The cool breeze, it feels so good. Parang ang lapit ko na sa moon.

Bigla nalang kaming huminto. Woah Grabe! Parang nahahawakan ko na yung mga clouds.

“I’ll teach you how to fly!” sabi niya

“Huh?”

Ayoko kasi eh. Natatakot talaga ako.

“Just spread your arms like a bird.”

Ginawa niya talaga yun.

“And think a happy thought.”

Then he smiles at me. That smile, that blue eyes. I want to see it every single day.

Bigla nalang siyang lumipad. Umikot lang siya at bumalik sa akin.

“Now, your turn”

“What? No! I can’t do it.”

“Yes, you can!”

Aish. Ang kulit eh. Kaya ginawa ko nalang. Yung una parang hindi ko pa nakokontrol kaya parang nahuhulog pa ako. Hindi na ako natatakot kasi nandiyan naman siya. He will catch me if I fall. (Choss!)

Hanggang sa nakasanayan ko na rin. Marunong na akong magbalanse at magpalipat lipat ng direksyon.

Ayun sabay na kaming lumilipad. Kung saan-saan. Sa Gubat, Sa Bundok. Kahit saan. Ang saya saya namin. Peter Pan is indeed a playful kid.

Nagpahinga muna kami sa isang puno.

“So, it’s time for you to go home.”

Hala. Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan.

I nodded.

“I will take you home then.”

At lumipad na kaming dalawa. Nung malapit na kami sa bintana ng kwarto ko. Agad akong pumasok. Lumulutang lang siya sa labas ng bintana.

“So goodbye for now.”

“Thank you, Peter”

He then smiles at me. At lumipad ng napakabilis pataas. Hanggang sa unti unti siyang lumalayo. Hanggang sa nagblink ang isang napakagandang star.

“Anak.”

“Hmmmm..”

“Anak..”

Minulat ko na ang mga mata ko. Mukha agad ni mama ang nakita ko. Panaginip lang pala yun?

“Anak. Bumangon ka na diyan. Malalate ka sa school.”

Panaginip lang yun? But it felt so..

REAL.

Peter Pan (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon