Chapter 34
Debbie's POV
Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Walang dereksyon ang utak ko. Ni hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Ang gusto ko lang makalayo. . . makatakas. Nakayapak lang ako habang tinatahak ang madilim na daan. Wala akong makita ni isang tao sa paligid.
Panay din ang paghikbi at pagagos ng luha ko. Ni hindi ko na mapigilan ilabas ang sakit na nararamdaman ko.
Nagawa nanaman akong mapaniwala ni xander. . . pinag mukha nanaman niya akong tanga at Siguradong pinagtatawanan na niya ako ngayon.
Pero Kasalanan ko rin ito, madali akong nagpadala sa bugso ng pagmamahal ko sa kaniya. Ni hindi ko man lang naisipi agad na bahagi parin ito ng panggagamit niya sa akin? Paulit ulit lang akong umaasa, pero paulit ulit din akong nasasaktan.
"Ang tanga ko. . . ang tanga tanga ko!!"
Hindi ako tumigil sa pagiyak. Pero parang wala na akong lakas pang maglakad dahil sa panginginig ng mga paa ko kaya naman huminto ako sa posteng nasa gilid ng daan at sumandal dun. Ni hindi ko na ininda ang maliliit na batong bumabaon sa paa ko Dahil Wala wala iyon kung para sa sakit na nararamdaman ng puso ko.
Punasan ko ang mukha kong hilab na sa luha At naupo. Tinupi ko rin ang mga tuhod ko at niyakap yun. Pakiramdam ko nagiisa na lang ako. Wala akong alam na malalapitan na kahit sino sa ganitong sitwasyon? Kung kailan pa kailangan ko ngayon ang pamilya ko.
Muling umagos ang luha ko sa pisngi Tuwing bumabalik sa isipan ko ang mga nagyari kanina, mas lalo lang nun pinasasakit ang loob ko. Mas lalo lang akong namumuhi kay xander.
"Debbie?"
Nanaliti lang nakayuko ang ulo ko ng makarinig ako ng mahinang boses ng babae na tuwaga sa pangalan ko. Sandali naman akong nasilaw sa liwanag na nanggagaling sa sasakyan na ngayon ay nakatigil di kalayuan sa akin nang iangat ko ang ulo ko.
Hindi ko masyadong naaninag ang taong kababa lang sa kotse pero ng lumapit siya akin at hawakan ako sa balikat, dun ko lang nalaman na sam pala iyon. Nasa mukha niya ang pagtataka.
"A-anong ginagawa mo dito? At saka bakit ka umiiyak? Ayos ka lang ba?" Yun ang mga tinanong niya sa akin.
Pinilit kong ingiti ang labi ko kahit na hindi pa rin tumitigil ang pag-agos ng mga mga luha ko sa mata. Gusto kong ipalita kay sam na ok lang ako. Pero hindi ko nagawa. Sa halip umiling lang ako.
"H-hindi ko na alam sam. . . hindi ko na alam."
Nakita ko sa mukha niya ang nararamdamang pagkaawa sa akin at saka marahang hinagod ang likod ko.
"Ang mabuti pa debbie, ihahatid na kita sa bahay mo. Baka kung mapano ka pa dito." Aniya at nilalayan niya akong maglakad palapit sa sasakyan niya. Sunod sunod naman akong umiling pagkasakay namin sa loob.
"A-ayokong umuwi sa bahay. . . p-pwede bang dalhin mo nalang ako kahit saan wag lang dun?"
"Err. . . s-sige." Binuhay niya ang makina ng sasakyan at saka pinaadar yun palayo. Bahala na kung saan ako mapadpad, ang mahalaga makatakas ako sa lugar na to. . . kahit sandali.
***
Inihinto ni sam ang sasakyan sa tapat ng isang gusali. Sandali kong ginala ang paningin ko dun pagkababa namin sa sasakyan.
"Welcome to my home, debbie. Pasensya na hindi kalakihan, nangungupahan lang kasi ako."
"O-ok lang." Tumatanggong sabi ko sa kaniya. Lumapit naman siya sa akin at marahan akong hinila papasok sa gusali.
BINABASA MO ANG
🔞 I'm His Private Property [UNDER EDITING]
General FictionGuwapo pero tila may tinatago sa pagkatao nito si xander. Ngunit sa kabila niyon ay ibinigay parin ni debbie ng buong buo kay xander ang lahat ng meron siya. Even her heart. She willing to do everything for his love. Ngunit paano kung kabiguan at h...