Yumi's POV
Di ko alam kung saan niya ko dadalhin.
Basta ako nanatiling tahimik sa pwesto ko.
Anong sasabihin ko?
Eh wala naman akong masabi.
Dahil speechless parin ako.
Kahit siya hindi din nag sasalita.
Nagulat ako. Dahil ang lugar na pupuntahan namin ay familiar sakin at hinding hindi ko makakalimutan.
Dahil ang lugar na pupuntahan namin ay
Ang lugar kung saan kami huling nag kita.
Natatandaan niyo? Yung hindi siya pumunta sa Date namin.
Nakaramdam ako ng kaunting inis.
Bakit dito pa! Sa dami nang pupuntahan dito pa. Kung saan naalala ko ang pag hihintay ko sa kanya.
"Nandito na tayo" sabi niya sabay labas.
Alam kong pag bubuksan niya ko ng pinto.
Ununahan ko na siya.
Inis parin kasi ako.
Bat sa lugar pa kasing to?
"Halika" sabi niya sabay hila sakin.
Maganda sa lugar na to.
Taas to na makikita mo ang buong lugar.
Napaka peacefull.
Umupo siya sa damuhan.
Ako nanatiling nakatayo.
Bigla siyang nag salita.
"Upo kana" sabi niya.
Umupo ako sa tabi niya.
"Simulan mo na" sabi ko ng di nakatingin.
"Sorry sa lahat lahat ng nagawa ko." panimula niya.
"Oo na. Mag kwento kana" sabi ko ng medyo naiirita.
"Nung araw na mag kikita sana tayo dito, papunta na ko nun. Kaya lang, diba hindi kita natext? Nag dadrive ako nun. Itetext na sana kita na papunta na ko dahil baka umalis kapa pero" tumigil siya at huminga ng malalim.
"Bago pa kita matext na bangga na ako sa Poste" sabi niya.
What? Naaksidente siya dahil sakin?
"Nagising nalang akong nasa Ospital nako at wala nang maalala. Nung pag kagising na pag kagising ko din. Nakita ko dun si Stacey." sabi niya.
"Ano? Ano naman ang gagawin ni stacey sa Ospital? Eh hindi naman kayo close nun" sabi ko.
"Yun nga dahil wala akong maalala madali niya akong naloko. Sabi niya niligawan ko daw siya ng 2years. At" sabi niya.
"At ano?" tanong ko.
"At sabi niya. Bago daw ako maaksidente kami daw ang mag kikita at sasagutin na daw niya sana ako. Pero yun pala kasinungalingan ang lahat." nakayukong sabi niya.
Shit napaka traydor ni Stacey.
Diko akalain na kaya niya tong gawin sakin.
"Sorry nag paloko agad ako sa kanya." sabi niya.
"Wala kang kasalanan kasalanan lahat to ni Stacey." sabi ko.
"Kasalanan ko din dahil nag tiwala agad ako sa kanya. Shit sana hanggang ngayon tayo pa" sabi niya.
Niyakap ko siya.
Ewan ko. Biglang gumaan an pakiramdam ko.
Dahil ba sa namiss ko to?
O dahil sa may nararamdaman pa ko sa kanya.
A/N: Waaaah enjoy reading lang po huh xD
Hihihi xD Sana magandahan kayooo LabLotss
BINABASA MO ANG
My Amnesia Boyfriend
Teen FictionItong story na to ay sa mag kaibigan, Nag traduran. Wala kong maisip. pero maganda ito promiseee xD Just read para malaman mo nalang ang kwento.^_^ Maikli lang po ito by Chap Baka akalain niyong mahaba.. Vote and Comment Thanksssss
