Trixie's POV
Nandito ako sa tapat ng pinto.
Kung nasaan si Yumi, Mike at Marco.
Di ko alam. Nasasaktan parin ako.
Dahil kaya niyang pumatay para lang kay Yumi.
Sakin kaya. Kaya niya bang gawin to.
Kung sinabi ko kaya sa kanya yung tunay kong nararamdaman, nung mga bata palang kami, kami kaya hanggang ngayon?
Nagulat nalang ako bigla nung pumasok ang mga pulis.
Nakaramdam ako ng kaba dahil baka may mangyari sa kanya
Kay Marco.
Kahit ganyan ang ugali niyan. Mahal na mahal ko yan.
Nagulat ako nung pinapaalis ako nung pulis pero di parin ako umaalis.
Pinabababa na nung mga pulis ang baril ni Marco pero ayaw nitong ibaba.
Nakita kong nag usap usap ang mga pulis gamit ang mata.
Basta parang nag kakaintindihan na sila.
Natakot ako dahil baka barilin nila si Marco.
Tama nga ang hinala ko babarilin na sana si Marco.
Kaya lang tumakbo agad ako kay Marco at niyakap siya.
*Bang*
Naramdaman ko nalang na malapit na kong pumikit.
Marco's POV
Nagulat ako sa ginawa ni Trixie.
Di ko alam na kaya niyang gawin yun. Wag lang akong mabaril.
Agad ko siyang binuhat.
At tumakbo agad ako papuntang labas.
Ewan ko. Nung makita ko siyang nabaril.
Parang bigla akong nagising sa mga kabiliwan na ginagawa ko.
"Please wag kang pipikit" sabi ko.
"Ma..hal ki..ta" sabi niya.
Di ko na namalayan na umiiyak na ko.
Shit kasalanan ko ang lahat ng to.
Nung nasa sasakyan na ko. Agad akong nag drive papunta sa pinaka malapit na ospital.
Nung makarating ako. Agad naman nilang inasikaso si Trixie.
Nasa labas lang ako ng Operating room.
Wala kong nagawa kundi ang suntukin ang pader.
Shit shit. Kasalanan ko ang lahat ng ito.
Bakit ko ginawa kay yumi yun.
Mahal ko nga ba talaga siya.
O ginawa ko lang yun. Dahil ayoko ng maiwan ulit.
Shit.
Nagulat ako nung biglang may humawak sa balikat ko.
Pag tingin ko si Angelo.
"Pre Calm down. Wala kang kasalanan" sabi niya sakin.
"Lahat ng to kasalanan ko." sabi ko.
Tumingin ako kay yumi at mike.
"Sorry. Di ko sinasadya" sabi ko.
"ANONG HINDI SINASADYA?" sigaw ni Mike
"Sorry. Talaga" sabi ko.
Nakita ko din na may kasunod silang mga pulis.
Sumama ako sa mga pulis ng maayos.
Dapat pag bayaran ko ang ginawa ko.
Habang nag lalakad kami papalayo.
Tumingin ako sa huling pag kakataon kay Yumi at sa pinto kung asan si Trixie.
"Pangako. Di mo na ko makikita, Lagi kang napapahamak pag kasama ako, GoodBye" Bulong ko sa sarili ko sabay lakad na.
BINABASA MO ANG
My Amnesia Boyfriend
Fiksi RemajaItong story na to ay sa mag kaibigan, Nag traduran. Wala kong maisip. pero maganda ito promiseee xD Just read para malaman mo nalang ang kwento.^_^ Maikli lang po ito by Chap Baka akalain niyong mahaba.. Vote and Comment Thanksssss
