Yumi's POVLumipas pa ang isang taon. Tuluyan nang hindi nag paramdam si Angelo at Stacey.
At sa isang taon na yun. Di umalis si Mike sa tabi ko.
Pinapasaya niya ako araw araw. Ginagawa lahat ng gusto ko.
Alam na din ni Trix ang lahat.
Pinayagan na siyang bisitahin si Marco.
"Hey anong iniisip mo? Nasa tabi mona nga ako oh" sabi ni Mike.
Natawa ako. Masyado talagang seloso ang lalaking to.
"Wala po" sabi ko.
"BER months kaba ?" tanong niya.
Nagulat ako sa tanong niyang yun?
"Hmm Bakit?" tanong ko.
"Kasi di lang kita mamahalin SeptemBER, OctoBER, NovemBER at DecemBER dahil mamahalin kita ForeBER" sabi niya.
"Hahaha ang corny mo alam mo yun?" sabi ko habang tumatawa.
"Corny ba? Ang mahalaga napatawa na kita. Diba?" sabi niya sabay kamot sa Ulo niya.
So ginawa niya yun dahil gusto niya kong patawanin? How sweet.
"So, Di mo pa din ba ako sasagutin? Isang taon na ang nakakalipas ooh" sabi niya.
Hmm oo nga no. Ang tagal na din pala.
May naisip ako.
"Gawin mo muna ito." sabi ko
"Alin ang gagawin ko?" tanong niya.
"Hulaan mo" sabi ko.
"Pano ko mahuhuluan yan" tanong niya.
"Ewan basta. Pag nagawa mo yun. Sasagutin na kita" sabi ko sabay alis.
Hahaha xD Alam ko naman di niya yun magagawa eh.
Niloloko ko lang siya. Sasagutin mo na naman talaga siya eh.
Wala kong magawa kaya ginawa ko yun.
Mike's POV
Ano kaya yung ipapagawa sakin ni Yumi?
Di man lang sinabi.
Pano to?Alam ko na. Tatawagan ko nga si Trix.
*ring ring ring*
"Trix. Alam mo ba yung pinaka gustong gawin ng ate mo sa manliligaw niya? Tanong ko agad
"Ang alam ko lang. Gusto niyang kantahan siya sa maraming tao" sabi niya.
"Okay sige salamat." sabi ko sabay patay ng call.
Tama yun nalang ang gagawin ko.
Eehh san ko naman yun gagawin?
Sa Bar, Kalsada, School, Gym. Aaahh nalilito ako.
Matanong nga kay Trix
*ring ring ring*
"Ano na naman?" Galit niyang sabi.
"Ano kasi san ang fav. Place ng ate mo?" tanong ko.
"Dun mo nalang gawin yan sa park. Kung san mo siya iniwan."
"Pero mukhang ayaw na niya dun? Kasi nga diba dun nangyari yung ano" sabi ko.
"Dun mo nga sya dalhin para hindi puro sakit ang naalala niya sa lugar na yun. Para mapaltan naman ng magandang alaala" sabi niya
Napaisip ako sa sinabi niya.
Oo nga no tama siya.
"Salamat" sabi ko.
Pero pagtingin ko. Langya end call na pala.
Minsan talaga may pagka bastos to.
Pero salamat nadin sa kanya.
Ang kailangan ko na lang gawin. MAG HANDA.

BINABASA MO ANG
My Amnesia Boyfriend
Teen FictionItong story na to ay sa mag kaibigan, Nag traduran. Wala kong maisip. pero maganda ito promiseee xD Just read para malaman mo nalang ang kwento.^_^ Maikli lang po ito by Chap Baka akalain niyong mahaba.. Vote and Comment Thanksssss