Chapter 43

111 8 0
                                        


Yumi's POV

Tatlong oras na hindi parin lumalabas ang doctor.


Shit kinakabahan na ko.
Nagulat ako nung hawakan ni Mike ang kamay ko.

Tiningnan ko si Angelo parang wala lang sa kanya.
Siguro naka move on na siya sakin.


Di ko nalang siya pinansin.
Nandito nadin sila mom and dad.

Nakwento na namin ang lahat ng nangyari.

Galit na galit siya kay Marco.

Kahit naman yata sinong mga magulang magagalit sa ginawa ni Marco sa anak nila.

Angelo's POV

Nung makita kong hawakan ni Mike ang kamay ni Yumi.

Nasakatan ako. Sana ako nalang ang nasa kalagayan ni Mike para mapagaan ko ang loob ni Yumi.

Pero wala eh. Masyado akong pinanghinaan ng loob na ipag laban siya.

Masyado akong mahina. Hindi kami bagay.

Malakas na tao si Yumi. Samantalang ako, Mahina.

Umupo nalang ako sa may upuan.

Nagulat ako nung lumapit sakin si stacey.

Inabutan niya ako ng coffee.

"Thank you" sabi ko.

"Wala yun. Ikalma mo lang ang sarili mo. Maayos din ang lahat" sabi niya sakin habang hinahagod ang likod ko.

Nung ginawa niya sakin yun. Nakaramdam ako ng ginhawa.
Nagulat kami nung biglang lumabas ang doctor.

Sabay sabay kaming tumayo at lumapit.

"Doc kamusta ang anak ko?" sabi ni Tita.

"She's" huminga muna siya ng malalim.

Lahat kami nag pipigil ng hininga.

Shit kinakabahan ako.

"She's what?" tanong ni tito.

"She's" di parin tinapos at huminga ng malalim sabay lungkot ng mukha.

"She's what. Please mag salita ka." sigaw ni tito sabay hawak sa kwelyo ng doctor

Langya naman kasi itong doctor na to di pa sabihin.

"Dad. Calmdown" sabi ni Yumi.


"She's fine. Ililipat nalang namin siya ng room. And hintayin niyo nalang siyang gising." sabi nung doctor sabay alis.

Nakahinga kaming lahat sa sinabi ng doctor.

Nakita kong parang natatawa si Yumi.

"Yumi bakit parang natatawa ka?" tanong ni tito.

"Kasi dad. Parang nang aasar yung Doctor" sabi niya.

"Anong nakakatawa dun?" tanong ni tito.

"Wala wala" sabi niya.
Nung malipat na si Trixie.
Pumunta agad kami sa room niya.

Mukhang natutulog nga lang siya.

Parang walang problema.
Mag kamukha nga sila ni Yumi.
MAS maganda nga lang si Yumi.

Pero di na mangyayari yun. Dahil pinaubaya ko na siya.
At yun ang pinakamalaking kamalian na nagawa ko
Ano kayang mangyayari if i fight for her.

Magiging kami kaya. Magiging masaya kami??

Andaming tanong sa utak ko.


Pero alam ko hanggang dun nalang yun.

My Amnesia BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon