Chapter 45

98 7 1
                                    


Stacey's POV


Habang nag lalakad ako papuntang room ni Trix.

Hinanap ko muna ang Cellphone ko sa bag ko.


Pero habang hinahanap ko may nakabangga ako.


Pag tingin ko si Angelo.


Nung makita ko siya parang may lungkot sa mata niya. Parang umiyak siya.

"Sorry" sabay naming sabi.


Aalis na sana siya. Pero bago siya makaalis Hinawakan ko agad ang kamay niya.

"Pwede kang umiyak" sabi ko.


Halatang nagulat siya sa sinabi ko.

"Di naman ako umiyak ah" sabi niya.


"Halata sa mukha mo. Lokohin mo na ang lahat wag lang ako" sabi ko.


Di siya nakapag salita.


So tama nga umiyak nga siya.

Ano naman ang nangyari sa kanya at umiiyak siya.

Kaya imbis na mag salita pa siya hinila ko na siya papalabas ng Ospital.


"Hey san tayo pupunta?" tanong niya.

"Basta wag ka nalang mag reklamo." sabi ko.


Pinunta ko siya sa street food.


"Anong ginagawa natin dito?" tanong niya.

"Ano pa ba edi kakain" sabi ko.

"Wag dito dun tayo sa restaurant ang libag ng mga pagkain dito oh" sabi niya.


"Ayoko dun. Dito tayo kakain" sabi ko sabay kuha ng stick


"Anong gagawin mo?" tanong niya.

"kakain ako ng Fishball. Try mo dali" sabi ko sabay bigay sa kanya ng stick.

"Wag ka ngang kumaen niya. Anlibag libag niyan eh." sabi niya.


Nakita kong tumingin sa kanya yung tindero.

"Oyy wag kang maingay" sabi ko.

Di niya nalang ako pinansin. Kumaen nalang ako.

Naalala ko fav. nga pala to ni yumi.

Si yumi din ang unang nag pakain sakin nito. Di kasi ako kumakain nito dati.

"Oyy. Alam mo bang fav. to ni Yumi" sabi ko sabay kain.

"Talaga?" sabi niya sabay kuha ng stick at tusok dun sa fishball.

Nasaktan ako. Mahal talaga niya si Yumi.


Di ko alam pero mali na masaktan ako dahil in the first place di naman kami.


"Masarap nga no" sabi niya sabay tusok ulit.


Tinitingnan ko lang siya habang kumakain.

Di ko ipag kakaila GUSTO ko na siya.

Di ko alam kung kelan ko to naramdaman.

Nung matapos kaming kumaen.

Bumili siya ng 50pesos.

"Oy dami niyan. Para kanino yan? Tanong ko

"Kay Yumi" sagot niya.

Si yumi padin hanggang ngayon.

"Ah, So tara na?" tanong ko.

"Wait bibili pa ako ng Ice cream, fav. na din yun eh." sabi niya.

Nag lakad lakad nalang kami. Di niya kasi dalang sasakyan niya. Hinila ko nga kasi siya.

"Bat mo ba kasi ako hinila? Yan tuloy nag lalakad na tayo. Ang init init eh" sabi niya.

"Wag ka na nga lang mag reklamo, Ako din naiinitan" sabi ko.

Di nalang siya nag salita.

Tinitingnan ko lang ang likod niya habang nag lalakad siya.

Nauuna kasi siya sakin ng kaunti.

"Ang swerte ng taong mamahalin mo" bulong ko.

Humarap siya sakin.

"Oyy may sinasabi ka ba dyan?" tanong niya.

"Wala" sabi ko.

"At sana ako nalang ang babaeng yun" bulong ko sa sarili ko.


My Amnesia BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon