Marrying a stranger:19

51 5 0
                                    

I still remember the sparkling times we had when we were together...

...

"Hoi! gigising ka ba o ibubuhos ko sa iyo tong kumukulong tubig?!" aissh sino ba yon?! kaaga aga pa eh tsaka sabado ngayon wala akong gagawing importante wala namang pasok eh.

"isa. Pag di ka gumising Clare sinasabi ko sa iyo ibubuhos ko talaga toh" pag babanta niya. Sigi ibuhos mo lang inaantok pa ako eh.

"dalawa. nako Clare sinusubukan mo talaga ako!" meeh.. mahirap kalabanin ang antok Nay alam mo yan. Halatang halata naman sa boses niya eh, halatang halatang beast mode na beast mode na siya.

"tat-" napahinto siya dahil mabilis akong nakabangon, nakita ko naman na may hawak siyang timba at naka ambang ibubuhos nga saakin. Asan ang mainit na tubig ngayon?, pati ba naman siya paasa.tss...

"Aga pa ay Nay!, inaantok pa ako eh" pag rereklamo ko wala na nasira na yung ugly rest ko. Aissshhh... bumangon ako sa kama at inirapan siya. Uy first time kong ginawa yun, may mga times kasi na ginawa ko yun pero pabiro lang. Iba yung ngayon eh beast mode kasi ako. Halimaw na halimaw ako dahil nasira yung tulog ko.

"Tignan mo yun oh Nami" habang tinuturo ako ni Nanay at nakikipag usap kay Tita Nam. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa banyo.

Jumerbaks lang ako at lumabas ng naka Halimaw mode parin. Nakita ko naman si Gabby na nasa hagdan habang nakikipag text. Hulaan ko si Eun Woo nanaman yung ka text niyan, simula kasi nung hinatid ako nung apat dito sa bahay ay kinulit ako ni Gabby na kunin yung no. niya. Nagiging bakla na ata siya.

Pumunta naman ako sa kusina dahil may naamoy ako, mabango eh nakaka gutom. Pero bago yun tinignan ko muna yung sarili ko sa salamin. In Fairness mukha talaga akong halimaw. Wala akong pake wala namang makaka kita saakin dito. Sumilip ako sa kusina at napa balik ako agad. Eh? bakit hindi si Nanay yung nag luluto? bakit siya?.

Nag madali akong pumanaog sa kwarto at nanguha ng damit na presentable at nag ayos nadin ng onti. Bakit ba kasi nandito siya?

...

Nasa kalagitnaan ako ng pag iipit ng buhok ko nang ginulat ako ni Tita Nam dahil sumulpot agad siya.

"Ui, nag aayos" pang aasar niya nag resting bitch face nalang ako at bumalik sa pag iipit ng buhok ko.

"Alam mo kanina ka pa niya iniintay sabay daw kayong umuwi eh" naka crossed arms niyang sabi habang naka sandal sa wall. Patay! ngayon nga pala ako uuwi. Aissshh pero iniiwasan ko parin sila eh bakit kasi kasabay ko pang umuwi saamin tong kwago na yun?!.

"Tita Nam pano yun eh diba iniiwasan ko sila, edi kakausapin ako nyan habang nasa sasakyan, anong gagawin ko?" habang nag mamakaawa yung mata ko na bigyan niya ako ng matinong sagot.

"wala, wala kang gagawin just let the wheel spin, and let destiny do its job" huh?

"huwaw english!" habang tina try ko naman manguha ng tissue. Lumapit siya saakin, kinuha yung kahon ng tissue at ipinukpok sa ulo ko Harsh gosh.

"Kingina mo po!, ikaw na nga yung tinutulungan tas ginaganyan mo pa ako. Wag ka nga!" napa tawa nalang ako at nag spray ng gamot para sa allergy ko wala eh umatake nanaman kasi kasabay nung hika ko.

Tangina naman kasi ng malibog na kuya yon, nag exist pa yan bumalik tuloy yung hika ko, dahil nung tinakpan niya yung bibig ko ay nag ispray pa ata siya ng napaka tapang na pabango sa kamay niya. Hindi ko alam kung naka ilang pisik siya ng pabango niya ang alam ko lang matapang yun kaya bumalik yung allergy ko at umiyak ako eh kaya iyan hinapo.

Nang matapos na akong mag spray ay bumaba na ako. Hindi naman kasi ako nag pupulbos eh may allergy ako dun, pag nag lalagay ako nun ay automatic na nagbabalat yung mukha ko.

...

Nasa sofa ako habang nanunuod ng Pingu. Wala akong pake kahit sabihan nila ako na masyado na akong matanda para sa mga ganitong palabas. Bakit yung iba nga diyan mas bata pa saakin buntis na eh pinakialaman ko ba sila? diba hindi naman. So wag ako mas mabuti pa nga tong ginagawa ko eh kesa sa ginagawa nila.

"Hoi Princess Penguin!, kain ka na" habang nandun si D.O. na nag aaya na kumain kami. Hindi ko naman siya pinansin at naka focus parin yung mata ko sa T.V. Nandun na silang lahat sa lamesa ako nalang ang kulang. Wait lang nga matatapos na eh. Kung kailan naman patapos na biglang may nag patay ng T.V. na ikina halimaw mode ko.

Walang sinuman ang nag papatay ng T.V. habang nanunuod ako ng Pingu naiinis akong tinignan kung sino yung nag patay. Na tyempuhan naman ng mata ko na isang Kwago ang haka ngisi habang hawak hawak yung saksakan. Nanlilisik yung mata kong tumayo at hinarap siya sabay tumitig ako sa mata nya na para bang anytime pwede ko siyang ma terminate.

Pag kayari ay kumain na ako at nag hugas ng plato. Walang kumakausap saakin pag ganito ang mood ko dahil alam naman nila kung ano ang mangyayari. Masayahin akong tao pero may tinatago ding ka baliktaran ng ugali pag naka Halimaw mode ako.

...

"Hoi! sa linggo mga bakla ahh... susunod kayo kunde boom pains kayo saakin sa lunes" pag babanta ko sa kanila sa text.

Naka upo lang ako sa passengers seat ng kotse ni D.O. habang naka salampak yung earphones ko. Iniiwasan ko parin sila eh mahirap na, tsaka bi neast mode ako ng kwagong to noh. Kinakausap niya ako pero hindi ko siya naririnig dahil nasa passengers seat ako at duh?! naka earphones ata ako at naka max volume toh.

Napansin niya naman ata at nagulat ako bigla niyang hininto yung kotse niya.

"Huh?, bakit tayo huminto?" habang tinanggal ko yung isa sa earbuds ko. Bumaba lang siya at binukas yung pinto malapit saakin. Nung problema nito?

"Baba." mariin niyang sabi sinunod ko naman, kesa naman mag usap pa kami noh. Pag kababa ko ay binuksan niya yung pinto sa tabi ng drivers seat at tinulak ako dun, hindi ko naman namalayan na natanggal niya pala yung earphones ko at kinuha niya.

"Hoi! anong gagawin mo dyan?" pagka tanong ko ay inihagis niya yung earphones ko at sumakay siya sa drivers seat at pinatakbo ulet yung kotse. Huhu yung earphones ko kabibili ko lang nun eh makayamot talaga tong kwago na to kanina niya pa ako niyayamot ahh.

Naka salubong lang yung kilay ko habang naka crossed arms. Still di ko parin siya pinapansin.

"Iniiwasan mo ba ako?" isang tanong na iniiwasan kong itanong niya.

Marrying a stranger (EXO fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon