Marrying a stranger:24

50 4 0
                                    

Him
his smile
his eyes
his voice
his laugh
his warmth
his existence
Him...

...

before I fall too fast kiss me quick and make it last...

that song played in my mind the moment I opened my eyes. I don't know what's going on in my head. All I know is I am looking intently in his lips. Shit he's leaning forward. I can't help but to close my eyes again.

I feel every owl in the world migrating to my stomach the moment our lips has touched.

What the heck is wrong with him?!. Hindi ko na talaga siya maintindihan promise.

...

"Hoy ayusin mo nga yang ginagawa mo! kanina ka pa tulala ah makayamot ka na" bulyaw saakin ni Nanay Chezka. Wala ako sa mood ngayon naguguluhan ako.

"hayaan muna natin siya Nay baka may nangyari lang diyan" mahinahong saad ni Gabby.

Isipin mo nalang paniginip lang ang lahat Clare. Tama panaginip lang yun. Hindi ko alam kung bakit pumayag ako eh. aissh asar naman.

Wala na tinatamad na akong mag gawa ng plate. Duh?! hirap kayang mag gawa lalo na at may gumugulo nanaman saakin. Sana bata nalang ulit ako yung tipong kailangan mo lang problemahin kung kelan ka kakain at kelan ka matutulog. Ay Tanga! wala paring takas kababata mo siya.

...

Napaka gloomy ng paligid hirap mag isip ng maayos. Hindi ko naman kasi pwede sabihin sa kanila kasi alam ko na yung sasabihin nila. Malamang ang sasabihin nanaman ng mga yun Malaret ako haays hindi naman ako yung lumapit diba? eh bakit ako yung namomroblema dito?!. Tsaka ganito ba talaga, big deal na big deal yung first kiss? kung titignan mo hindi naman talaga siya yung naging first kiss ko. Duh?! naunahan na kaya siya ng Rabbit ko si Clover. Si Gramps nga mas malupet yung first kiss niya eh yung pet niyang iguana.

Tama na nga toh! bibili nalang ako ng Ice cream para masaya. Tumayo ako sa kinauupuan ko at bumili ng dirty ice cream. Mag tataka ka talaga kung bakit ganito yung tawag dito eh hindi naman madumi bakit tinawag na ganun. Maniniwala sana ako kung may buhangin tong ice cream kaso wala eh. tsss... mga tao sa mundo nga naman.

Pagkatapos kong bumili ay umupo ako sa may bleachers sa gymnasium. Gusto ko muna mapag isa. Buti nalang at walang tao dito, dahil ang pagkaka alam ko ay mamaya pa ang practice ng dance squad. Galing nila sumayaw eh may fest kasi bukas kaya siguro ngayon sila mag fifinalize ng dance steps tsaka yung blockings siguro nila aayusin nila.

Hindi naman ako marunong sumayaw pero kasi pag nakakakita ako ng mga sumasayaw ay namamangha ako. May mga times nga na inggit na inggit ako sa mga dancer eh sinasabihan ko tuloy yung sarili ko na matututo din ako ng ganun balang araw. Ngayon kasi naka focus ako sa pag-aaral ko, kasi may gusto kaming puntahan ng sama sama ng mga bakla. Gusto namin pumunta ng Korea balang araw kaya eto pursigido kami makapag tapos. Gusto kasi namin yung tatanaw tanaw nalang kami sa mga scenery habang nag papahinga tapos nag rerecall nalang kami ng mga panahon na sinasabi namin ngayon. Yung mga weird na words na "Gusto ko na mamatay kinabukasan!" "Parang awa nyo na po sagasaan niyo na ako!" at marami pang kabaliwan hindi lang kami mahirapan sa mga tests at Plates.

"lalim naman ng iniisip mo yan lunod na lunod na ako" huh?

"Ay Kai ikaw pala, kanina ka pa nandyan?" yung taong to seryoso kung saan saan nalang sumusulpot siguro nag te teleport tong taong to.

"hindi naman ikaw ah ang lalim ng iniisip mo kanina" naka ngiti naman siya yung ngiting comforting. Walang biro, walang panunukso yung talagang ngiti lang na ma fe feel mo na komportable ka lang.

"wala yun kasali ka nga pala bukas galingan mo ah" habang chi ne cheer ko siya. Kasali nga pala siya sa dance squad hindi naman nakakapag taka na natanggap siya. Nakita ko kasi siya dati na sumayaw eh ang galing niya actually si D.O. din magaling sumayaw eh kaso sa nakita ko mas magaling ng onti sa kanya si Kai.

"basta manunuod ka ah"oo ba ikaw pa Fafa Kai malakas ka ata saakin "oo naman kaya galingan mo ah".

"sigi Kai baka hinahanap na ako nila una na ako wag ka masyado mag papagod ahh, tsaka galingan mo bukas Go Kayiii!" sabi ko habang papalayo na ako sa gymnasium at papuntang Ar-Lab hindi ko parin talaga mapigilan yung sarili ko na hindi mag isip eh.

"Aray" huh? may nabunggo ba ako? pero hindi ko naman ramdam eh. Napatingin ako sa naka bungguan ko.

Bakit siya pa yung na bunggo ko pwede namang iba nalang diba? eh bakit siya pa!.

"sorry"sabay aalis na sana ako kaso hinawakan niya ako sa braso at hinila papalapit sa kanya. Omo! gusto ko na bumalik sa Ar-lab ano ba to. Nakita ko sa mga mata niya na gusto niya akong kausapin.

...

Kinalad kad niya ako malapit sa physics lab. Walang tao. Gusto niya talaga akong makausap.

"sorry" yan na nag sorry na siya.

"a-ano ka ba wala yun" natatawang sagot ko pero iba yata yung kinalabasan kasi sa pagkakarinig ko sa tono ng boses ko ay para bang may halong kaba.

"anong wala ka diyan nako baka ano nang gawin saakin ni Kai neto" natawa naman ako sa kanya dahil umarte pa siyang takot na takot siya.

"hahaha lakas ng tama mo tumapat ka nanaman ba sa mga tambutso diyan sa labas?" tawa ako ng tawa kasi para siyang baliw.

Sumeryoso naman siya.

"pero sorry talaga ah hindi ko kasi napapigilan yung sarili ko eh" eto yung kinaka kaba ko. Yung ganitong expression ng mukha niya habang nag sasalita. Kasi pag tingin mo palang sa kanya, iba talaga mauutal at mauutal ka talaga sa sasabihin mo. Dahil napaka sincere ng mukha niya makikita mo din sa mata niya yung sincerity niya.

"e-eto naman sabi ko na dibang okay lang tss..."nauutal nanaman ako shit.

"hmm... eh bakit kanina iiwasan mo pa ako"takte ah napansin niya pa yun

"di naman eh pupunta lang ako ng Ar-lab baka kasi hinahanap na nila ako" sabi ko

"samahan mo nalang ako ililibre kita para maka bawi sa iyo" ang gulo din naman ng lalakeng ito noh sinabi ko na kanina na baka hinahanap na ako nila tas nag papasama pa siya?.

"baka hinahanap na ako nila eh" sabi ko

"hindi ka nila hinahanap" huh? sakit naman sa feelings grabe naman sila. Ano wala silang pake saakin?. Sakit ahh.

"Aww sakit naman" walang ganang sabi ko. Ganon na ba ako kakulit? makakalimutin? kadaldal? ka corny?

"Tange! hindi ka nila hinahanap dahil sabi ko sa kanila pag nakita kita ay isasama kita kumain sa labas" nabuhayan naman ako ng loob sa sinabi niya. Yun naman pala eh minsan kasi Clare sibukan mo na patapusin siya magsalita para hindi ka nasasaktan. Tanga mo talaga eh inaraw araw mo na ata yung ka tangahan mo.

Marrying a stranger (EXO fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon