Marrying a stranger:25

41 5 4
                                    

you have no idea how fast my heart races when I see you...
...

"Oy! matunaw!" Aisshh sana may dala akong packing tape para mapatahimik ko na itong kwagong to.

"manahimik ka nga tss..." wala nag iba nanaman ng timpla yung pakikitungo ko sa kanya balik sa dati kasi sinusungitan niya nanaman ako. Pinag bawalan ko siya pero nakatingin parin ako sa kuyang nasa labas. Iba kasi eh ang linis niyang tignan tsaka nakaka akit yung mukha niya mismo.

"nakaka inis ka kamo alam mo yon" inis na sabi niya kaya hinarap ko siya.

"bakit nanaman ha?!" yamot na tanong ko. Pssshhh naka tingin lang naman ako kay kuya eh ano bang masama dun?!.

"ako yung kasama mo tapos kung saan saan ka tumitingin don't you think that's a little rude?" Rude? ako? psshhh eh pano naman yung mga panunulak na ginagawa niya saakin yung pananakit niya physically hindi ba yon rude?!.

"idi wiw oh ano gusto mo titigan pa kita?" monotonous na sabi ko habang naka titig sa mata niya.

Boom

wrong move.

Kasi naman bakit yung mata niya parang nilalamon yung buong pagkatao ko?. Ang ganda ng mata niya, ngayon lang naman kasi ako nakatingin sa mga mata niya ng ganito. Hindi ko naman alam na pag tumingin ako sa mata niya ay mawawala ako sa katinuan ko. Parang nang hi hypnotize baga.

Nagising naman ako sa katotohanan mga ilang segundo lang ang nakalipas hindi ko na nakayanan. Inalis ko yung tingin ko sa kanya at bumalik na ulit ako sa pag tingin sa kuya sa labas.

"psshh... akala ko ba titigigan mo ako?" Hindi ba siya na a awkward an seryoso?. Hindi ko nalang siya pinansin dahil naka focus parin ako sa kuya.

...

"Clare" sinipa niya yung paa ko.

"baket?" tapos na din kami kumain at nag papahinga nalang kami. Dami ko nanaman nakain whohohow!.

ngumuso siya sa likod ko. Nakita ko naman na yung kuya pala yon na tinitignan ko kahina. Papalapit siya sorry Fafa Kai nag tataksil nanaman akes. Yung ngiti niya parang kakaiba wafu wafu shems. Well, buhay single nga naman madaming crush. May gwapo lang na makita madadagdagan nanaman yung listahan ng mga hinahangaan. Kaya masaya maging single eh wala kang pinoproblema na magagalit sa iyo kapag tumitingin ka sa gwafu.

Shit papalapit si Kuya. Tama ba yung nakikita ng dalawang medyo may kalakihang mata ko nginingitian niya ako? o nag a assume nanaman ako?. Tsss either way masaya ako kasi nakikita ko siyang nakangiti. Kinikileg akes.

Konti nalang malapit na siya sa pwesto namin. Nag s slow motion na. Ilang hakbang nalang.

toot

Ay lumagpas.

Nakaka disappoint guravie. Well alam ko naman sa umpisa na ma di dissapoint ako eh pero nakakapang hinayang parin kasi may ka date ata siya. Nalungkot naman ako at napa buntong hininga nalang.

"Tara iuuwi na kita" hinawakan ni D.O. yung kamay ko habang dahan dahan kaming lumalabas ng restaurant. Parang may iba. Hindi ata siya nangangaladkad ngayon?

...

"D.O. naranasan mo na bang mag assume?" hindi ko alam kung saan nang galing yung tanong na iyon kusa lang siyang tumapon palabas ng bibig ko.

"ha? ano nanamang tanong yan?" Bakit ko pa ba kasi siya tinanong kasalanan ng bibig ko to eh hindi makapag pigil.

"wala wala wag mo nalang pansinin" at bumalik ako sa pag pikit. Parang ang tagal ata ng biyahe na to? eh sa pag kakaalam ko ay malapit lang to sa apartment namin.

Marrying a stranger (EXO fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon