Marrying a stranger:10

64 3 2
                                    

"Ikaw ha akala ko ba kay Fafa Kai ka lang ha" habang ginagaya ni Tita Nam yung timbre ng boses ko.

Katatapos lang namin ngayon sa shift namin kaya nandito kami naka handusay sa lapag .

"Di no Fafa Kai parin ako" siguradong sagot ko. Sigurado nga ba? sigurado yan nu ka ba Clare nag paramdam lang si Satansoo ipagpapalit mo na siya.

Umupo naman si Tita Nam at hinarap ako.

"Halatang naguguluhan ka bakla!" Aisssh nahalata niya pa yon?! Ano padagdag ng padagdag yung mga pwersa na sumasapi sa grupo namin nila Madam Auring? nakaka inis na ahh.

"H-hindi ahh, bakit naman ako maguguluhan eh kay Fafa Kai lang ako"

"Hindi ka naguguluhan?! eh bat nag stammer ka?"

"Oo na, huhu Tita Nam anong gagawin ko?" Pag susumbong ko sa kanya ang hirap di ko  din kasi maintindihan naguguluhan ako.

"Alam mo itulog mo muna yan pag may lumabas na isang mukha nila diyan sa panaginip mo siya yung makikita mo bukas na bukas" Huh?

"Lalo lang naman akong naguguluhan eh"

"nag jojoke lang naman ako no, eto gawin mo layuan mo muna sila tiganan na natin kung sino yang ma mi miss mo tapos pag na miss mo siya siya yung talagang nararapat sa iyo tsaka anu ba wala pang three months grabe ka na mag isip"

"yaas naman" sagot ko nag iba naman ng timpla si Tita Nam sa sagot ko.

pok

"Aray ko naman, napansin ko lang ang dalas manakit ng mga tao ngayon"

napatawa siya

"Ganyan talaga masanay ka na ng may nanakit sa iyo"

"ano huhugot ka nanaman Tita Nam?"

"hindi yun hugot sinasabi ko lang sa iyo yung katotohanan, kaya kung ako sa iyo matulog ka na hanggat binibigyan tayo ng pagkakataon na matulog bahala ka bukas niyan di ka makakatulog. Tapos ano mag rereklamo ka nanaman na inaantok ka habang nag gagawa ka ng plato mo!" sabi niya na naiinis na hmmm... siguro nga itutulog ko nalang to

...

tanaw ko na ang ibang mga taong tumitingin sa akin ng naka ngiti, pero taliwas ito sa ipinapakita ko sa kanila ngayon na ba ang tamang panahon para umalis sa lugar na ito?...

"Hoi! tulala ka nananaman!" pang gugulat saakin ni Gabby

"Bakit?, di ako tulala noh!" pag tanggi ko

"anong hindi ka dyan Clareng wag ako ang lokohin mo basang basa ko na yung laman isip mo" Clareng?! ano ako matanda!

"Hoi! kapatid for your information naka usap ko si Madam Auring at ang sabi niya hindi ka pa member sa squad naming mga manghuhula at saka Clareng?! sa pagkakaalam ko Clare lang ang pangalan ko!nginawa mo namang pang matanda yung pangalan ko" pag susungit ko sa kanya.

tinawanan niya lang ako at ibinaling na yung atensyon niya sa cellphone niya. Napansin ko lately lagi siyang nakaka receive ng mga text galing sa magulang niya, pero eto namang si Gabby hindi pinapabasa ni hindi niya na nga pinapahawak saamin yung cellphone niya eh kung mag karoon man ng pagkakataong mahawakan namin yung cellphone niya, eh mga ilang segundo lang nandyan na siya at naka ambang kukunin niya na agad feeling ko talaga may problema eh gusto kong malaman ilalabas ko na yung pagiging Detective Conan na side ko kaylangan ko talagang malaman kung ano na ang nangyayari...
...

"May bisita tayo!" sigaw ni Tita Nam na nasa labas alam ko kasi siya yung inutusan ni Nanay na mag tapon ng basura, himala nga at nautusan niya yun samantalang kami ni Gabby bugbog na bugbog na sa mga utos na sumasapak samin.

Nga pala nandito ako nag huhugas ng plato habang si Nanay at si Gabby ay nasa sofa nanunuod ng Saitama. Ewan ko ba pati si Nanay na wili na din sa kapapanood nun si Gabby ang pasimuno ako inaamin ko nagka gusto ako kay Saitama nung mga panahong may buhok pa siya ang hawt niya kaya pero nung nakalbo na siya Mehh... nevermind...

nagulat ako nung may kumalabit sa likudan ko

"Ay anak ni Saitama!" sa gulat ko ayan ang naisigaw ko with matching muntik ko nang mahulog yung plato.

pero mas lalo pala akong magugulat sa nakita ko

"K-kai.. D...O?!" anong ginagawa nila dito?

"ano? tulala ka nanaman sa ka cute-an ko?" sabi ni D.O.

"kafal" sabi ko habang naka pout pa

"Hoi! hindi bagay sa iyo tumigil ka sa pag p-pout mo!" sabat naman ni Nanay Chezka t-teka kasama din nila yung ilan sa mga kaibigan nila?

Inirapan ko lang siya at hindi parin ako maka paniwala na nandito sila isa... dalawa... tatlo... lima... Lima sila?!

"hehe okay lang naman siguro na bumisita diba?" tanong naman ni Fafa Kai. para sa iyo Fafa Kai okay lang pero ewan ko lang sa kanila kasi sa mga nakikita ko dalawa sa kanila ang naiirita habang yung isa ay nakikipag harutan sa isa dun.

si Baekhyun nakikipagharutan kay Chezka parang awa niyo na wag niyo silang gayahin bad yun.

"ahh okay lang naman saakin ano ka ba hahaha wait lang tapusin ko lang to ahh" referring to the dishes andami naman kasi eh hindi pa kasi nakapag hugas nung umaga kaya eto bam! natambakan ako.

"tulungan na kita!" sigaw ni D.O. habang naka taas pa yung kamay na parang sasagot sa recitation in short mukha nanaman siyang bata sa mga pinag gagagawa niya.

"bahala ka whahaha para kang bata hahaha" ma utot utot na tawa ko

umayos naman siya

"tumabi ka diyan! Kai! tulungan mo nalang siya na mag punas ng ibang platong nahugasan niya" Shit! D.O. for real?! si Kai?! wag ka nga! papakiligin mo lang ako baka mabasag ko pa yung mga plato. huhuhu my feels...

pero tangina lang maka tulak naman siya wagas

tinignan ko naman si Fafa Kai na susundin nga yung utos nitong si Kwagosoo at dinadala na yung mga plato sa lamesa tumingin naman ako kay D.O.

nginitian niya ako at kinindatan...

"salamat D.O." sagot ko at pumunta na sa lamesa kasi nag sisimula nang mag tuyo ng plato si Fafa Kai.

...

Marrying a stranger (EXO fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon