Marrying a stranger:23

56 5 2
                                    

One day I caught myself  smiling for no reason, then I realized I was thinking of you...

...

"aisssh pwede ba wag kayong maingay baka mamaya mahuli tayo eh" nakakainis tong mga toh napaka ingay! mamaya neto mahuli kami ni Tita Nam eh. Nandito kami ngayon sa park pinagmamasdan yung dalawang tao. Ka bwiset naman tong mga kasama ko eh pag tatatapyasin ko yung mga dila nito eh para di na mag ingay. Asar nakakaloka!.

"Nami Oh" habang inaabot ni Sehun kay Tita Nam yung cotton candy na binili niya. Shit kakilig. Tangina this para akong nanunuod ng penikula.

Tinanggap naman ni Tita Nam yung cotton candy na galing kay Sehun. Nako laki ng utang saakin neto. Iniwanan namin kasi si Tita Nam mag isa sa bahay, pati sila Nanay at Gabby alam yung plano. Kaya sila yung naka assign sa pag babantay kay Chanyeol. Palagay ko ay kasama nila sila Baekhyun at Luhan may shift si Eun Woo eh kaya di nakasama.

Naka upo naman ngayon sila Sehun sa swing sa ilalim ng puno. Galing niya, hindi ko nga alam kung pano niya napa payag si Tita Nam na sumama sa eh.

Oh shit! ayan na! inabutan ni Sehun ng isang bouquet ng blue rose si Tita Nam hindi ko alam kung saan niya nabili yon pero kingina ang ganda may halong puti pa!.

"Ahhh! kinikilig ako!" habang sinasabunutan si Fafa Kai na katabi ko naawa ako pero whhaaah! di ko mapigilan yung emosyon ko eh. Kumbaga sa timba na may tubig apaw na apaw na yung kakiligan ko.

"Clare masakit ah!" sabi ni Kai habang umiinda na siguro masakit na talaga "ahe sorry kinikilig lang talaga kasi ako eh" binitawan ko na yung buhok niya at nag peace sign ako. Kasi naman eh kahit sino naman sigurong babae kikiligin kapag ganto di ba tama naman ako.

"Gusto mo date din tayo?" pag tatanong ni Gramps habang naka ngiti ng nakaka loko.

"hutut mo Gramps wag nga ako, mag hanap ka ng maloloko mo" inirapan ko siya habang nakita ko na naka irap din si D.O. at si Kai naman tawa lang ng tawa.

psshh.. Ibinaling ko ulit yung atensyon ko sa dalawa ahiii ang sweet nilalanggam na talaga ako dito.

"Nami, alam mo may meaning yang mga yan" shit mah feels bruh mah feels "ano?" nakangiting tanong ni Tita Nam shems!

I can see something sa mga mata nila. Ngayon ko lang nakita yung ganyang ngiti ni Tita Nam I can't help it nag wawala na talaga ako sa kilig.

"Parang ikaw itong blue rose alam mo kung baket?"

"baket?" wow may pick up line pa siyang nalalaman.

"kasi may charm ka, unique at higit sa lahat ay may  nakikita ako sa iyo na kahawig talaga ng blue rose na ito"

"ano naman yun?" naka ngiti parin si Tita Nam anebeyen

"parang may misteryo sa katauhan mo. Iba ka sa kanila I mean ikaw kasi  hindi mo agad ni rereveal yung sarili mo, huwag ka mag alala mahilig akong magsolve ng mga misteryo"

...

"tsk tsk Sehun hindi mo nga kaya mag solve ng rubics cube eh mystery pa kaya" side comment naman ni D.O. eto talaga napaka bitter eh kanina pa.

"manahimik ka nga diyan AMPALAYA!" pinaka emphasize ko talaga yung ampalaya para manahimik na siya psshh bitter talaga eh.

Marrying a stranger (EXO fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon