Marrying a stranger:11

77 4 3
                                    

"Clare sorry nga pala dahil hindi ako naka punta ahh sabi ko pa naman t-treat kita" nahihiyang sabi saakin ni Fafa Kai.

"ano ka ba Fa-I mean Kai, okay lang yon tsaka nandon naman si D.O. eh" sabi ko habang tumitingin sa gawi ni D.O.

"buti nalang nga din at napapayag ko yang si Kyungsoo para puntahan ka eh kundi nako malamang neto namuti na yung mga mata mo kaiintay"

"hahaha bakit kasi di mo nalang ako ti next?" painosenteng tanong ko hehe wala pa kasi akong number niya eh kaya eto naka evil grin ako sa utak ko kunware hindi alam na wala pa akong number sa kanya.

"ano ka ba wala akong number mo, nakakapag taka nga eh sa hinaba haba nung pinag usapan natin hindi man lang tayo nagka palitan ng number" habang kumukuha siya ng isa pang platong pupunsan. Ako namang si Tanga naka titig lang.

"So... pwede ko na bang kunin yung number mo?" ano? daw? ni hindi nga ako nakikinig sa mga sinasabi niya eh busy lang ako kaka tingin sa kanya.

"Ahh... ano ulit yon?, di ko masyadong narinig eh" nahihiyang sabi ko sa kanya. Tanga ka talaga Clare kahit kailan alam mo yon?!

"sabi ko pwede ko bang kuhanin yung number mo?" malinaw na pag kakasabi niya.

"ahh yun lang naman pala eh wait kuha ako ng papel" dali dali akong tumayo para kumuha ng papel at isinulat yung contact number ko. Nang pagka balik ko ay nandon na si D.O. at nag pupunas na din. Kung titignan mo sila ang cute nilang tignang dalawa siguro kung hindi ko lang kilala tong si D.O. at si Kai ay tiyak yan mapag kakamalan ko silang hindi lang more than friends alam nyo na iyon whahaha.

Pumunta naman ako doon at umupo binigay ko naman kay Fafa Kai yung papel at nakita ko naka ngisi si D.O. may narinig naman akong tunog na isinisigaw yung favorite ko.

PINGU! PINGU!

"Wait lang ahh sagutin ko lang to" si Mama? bakit naman kaya? may nagawa ba akong kasalanan? nananahimik lang naman ako dito ahh.

"hello?" tanong ko

"hello, Clare anak pwede bang umuwi ka saatin sa susunod na linggo sa sabado?" sabado? susunod na linggo? malamang to may problema. Hindi naman kasi ako ginagambala ni Mama habang hindi pa linggo eh.

Kaya namin naisipan na mag apartment ay dahil ayaw namin ma pressure sa bahay kasi alam nyo na pag nasa bahay, nandoon lahat yung "Anak mag aral ka ng mabuti!", "Anak ano yang grades na yan?!", "Anak nag aaral ka pa ba sa lagay na yan?!", "Anak linisin mo nga yung kwarto mo!, tignan mo oh nag kalat yung mga papel at pambura. Isang plate lang naman yung ginawa mo tapos ganito na agad kadumi yung kwarto mo! linisin mo yan dali!" at marami pang iba.

Kaya mas masaya yung naka buklod kasi mararanasan mo ng maging independent at the same time hindi ka pa na p pressure sa pag aaral mo.

"ahh sigi po" maikling sagot ko.

"aasahan ko yan ahh anak, Mag iingat ka diyan ahh kakain ka ng maayos, sa Sabado nalang bye"

"bye din po kayo rin" at binabaan ko na si Mama.

...

Nandito na kami sa sofa nanunuod ng Saitama. May kanya kanya kaming style ng panunuod si Gabby ang papak nutella habang nanunuod style, si Luhan that nakiki papak sa nutella ni Gabby style pero bino block naman ni Gabby si Luhan dahil ayaw niya mag pamigay, si Chezka at Baekhyun nakikipag harutan habang nanunuod style, si Tita Nam that nayayamot na kay Sehun style malamang alam niyo na yung style ni Sehun, at ako naman Ginigitgit ako ng dalawang to style. Sa lahat ata ng style akin yung kakaiba eh mehh... nevermind nalang, binalik nila sa episode na kung saan nandon pa yung buhok ni Saitama eh kaya naka focus lang ako sa T.V.

Marrying a stranger (EXO fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon