Marrying a stranger:32

27 3 0
                                    

you stole my heart but I'll let you keep it...

...

"cutie talaga nung mga babies ko kagabi eh" saad ko referring to the penguins na pinanuod namin kagabi sa Discovery channel. Nasa room kami tss... hindi ata kami sisiputin NANAMAN ng prof namin. Kung kaylan naman mag fi finals na eh dun pa siya gumanon.

"pano mo iniluwal yon Kapatid eh andami non ah!" gulat na sabi ni Gabby. na alam ko naman na binibiro niya lang ako. Nakuha naman niya yung atensyon nila Nanay at Tita Nam.

"basta basta whahahha" yun lang ang nasabi ko dahil tawang tawa na ako naiimagine ko yung pag luwal ng penguin sa mga itlog nito.

"tangina! huwaw ano kaya mo manganak ng penguin ng walang ganap?! ayan na lumalabas na yung dark side namin.

"Ta Nam shhh kalang" habang naka tapat pa yung daliri ko sa bibig ko.

"Bahala kayo diyan nako gisingin nyo nalang ako kapag aalis na tayo sa room na to" Ilang minuto na din kasi ang naka lipas eh kaya pwedeng wala na talaga yung prof namin. Tsaka sabi din naman niya pag ilang minuto na at wala pa siya pwede na kaming umalis.

Nagulat nalang ako at may bumukas ng pinto. Nag nga ngat ngat pa naman ako ng kuko haaay. Pero mas nagulat ako nang si Gramps yung iniluwal ng pinto.

"Anong ginagawa mo dito?!" tanong naming apat. Well kami nalang din yung laman ng room na ito kasi mga uhaw sa kalayaan yung mga kaklase namin kaya nag si disappear nalang agad nang maka fifteen minutes palang ay wala pa si Prof.

"pwede ko bang kidnappin muna si Clare?" tangna?! ako?! Kidnap?! Nakita ko naman yung pag ngisi ng apat.

"sigi Kidnappin mo basta diba ikaw yung kumidnap ikaw din yung tutubos" habang naka ngisi na sabi ni Tita Nam. Huh?! baliktad ata si Gramps yung mang kikidnap pero siya din yung tutubos?! Aba Matinde! Dipa sabihin na mang libre nalang si Gramps sa susunod naming pag kikita tsss.. pinapa gulo lang ehs.

"Deal" pagka sabi niya nun ay hinila niya ako. Aba para naman akong ipinang bayad ahh.

"Hoy Gramps alam kong matanda kana at alam mo na yung mga rules. Pag iyang Anak ko hindi naka uwi ng before 9 humanda ka saakin" habang naka clench yung fist ni Nanay. Diba dapat yung tatay yung nag bibilin ng ganon? Ilabas si Tatay!.

...

"wala ba kayong klase?" takang tanong ko sa kanya. Nak ng eta kasi bigla bigla nalang siyang nanghihila.

"wala at pati kayo rin wala dahil may meeting lahat ngayon yung mga Instructor sa CEA"

"oh I see..." sabi ko habang nag lalakad kami papunta sa kotse niya. Edi hindi naman dapat kami iindianin ni Sir? oh baka alam lahat ng kaklase namin kami lang yung hindi sinabihan. tch kaya pala yung Mayor namin siya yung unang lumabas. Nak ng etchas talaga yung lalaking yon.

"eh bakit mo ako hinitak?" puro tanong yung sasabihin ko sa kanya para mainis nalang siya whahaha. Nako kung si D.O. to malamang yamot na yamot na yun.

"kasi sasamahan mo ako" naka ngiting sabi niya.

"saan?" whahaha nag sisisimula palanag ako Gramps maya maya lang ay mawawala din yang ngiti mo habang sumasagot ka sa mga tanong ko.

"sa puso ko" habang nag heart shape pa yung kamay niya. Naaalala ko tuloy yung pa heart na labi ni Dyo. Bakit ba lagi ko nalang naiisip yung lalaking yun?!

Marrying a stranger (EXO fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon