Marrying a stranger:29

35 5 0
                                    

you don't get to choose who you fall for...

...

"Hoi!" pag tatawag saakin ni D.O. maka Hoi ah may pangalan naman ako eh.

"ano?" pag tatanong ko nag babasa ako eh. Ang ganda na ng part ng binabasa ko. Sakto ang ganda ng view tapos parang nag tutugma yung mga pangyayari. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa ngumiti at saka umupo katabi ko. Kaylangan ba talagang matahin ako?.

"buti naman" anong buti naman? nananahimik ako dito ah.

"anong buti naman?" sinarado ko yung libro. May nabasa akong part na ang sabi ng bida you don't get to choose who you fall for. Well may point siya.

"at ganyan yung suot mo" hindi siya tumitingin saakin. Diretso lang yung tingin niya.

"bakit?" hindi ko talaga maiwasan na hindi mag tanong eh.

"wag ka nang maraming tanong" nag half smile siya na ikina tibok naman nitong abnormal na puso ko. you don't get to choose who you fall for nag replay naman yung sinabi nung bida sa story. Eto na ba iyon? nahuhulog na ba ako sa kanya? oh naguguluhan lang ako?.

Nakakatakot naman tong nararamdaman ko. Hindi ko alam yung magiging expression ng mukha ko. Nag susuntukan lahat ng emosyon sa ka loob looban ng puso ko. Na daig ko pa yata yung baliw na taga malapit sa apartment namin. Lumapit pa lalo siya sa kinauupuan ko. Tama na lumayo ka na! ginugulo mo lang ako!. Sumisigaw ako sa utak ko pero yung katawan ko hindi nakikipag coordinate. Para akong na stroke sa kalagayan ko, ni hindi man lang ako maka galaw. Bakit hindi ko man lang maigalaw yung mga kamay ko?.

Idiniretso nya yung ulo ko pina tingin sa harap. At bigla nalang niyang sinandal yung ulo niya sa balikat ko. Manika ba ako para kontrolin nalang?!. Mag salita ka naman Clare oh!.

"ah" ayan lang ba yung kaya mong sabihin? ah?! Clare I know you're better than that ni hindi mo ata siya matarayan. Ano banag nangyayari sa iyo?. Sinesermonan na ako ng pag iisip ko pero wala eh kinokontra kasi siya ng puso ko. Kailan kaya mag kakasundo ang dalawang parte na ito?.

Tumingin ako sa kanya at nagulat ako inangat niya yung ulo niya at biglang tumigin saakin. Shit! ilang centimeter lang yung agwat ng mukha ko sa kanya. Ayan nanaman yung mga mata niyang nakaka hypnotize. Hindi pwede. This time lalayo na ako. Mahirap na naguguluhan ako mas lalo lang akong maguguluhan ulet nito.

"ah-ah! aalis muna ako!" doon na ako nakakuha ng signal para umalis mahirap na baka mamaya neto mas maguluhan lang ako.

...

Diretso lang Clare wag kang hihinto wag kang titingin pa balik dahil alam ko na yung ginagawa niya malamang pinag tatawanan niya ako. Kaya ayokong mahulog diyan sa lalakeng yan eh! alam kong hindi niya ako sasapuhin. Kukutyain pa ako niyan malamang.

"sorry sorry" sabi ko nang may ma bunggo ako. Ayan ka tangahan ko nanaman.

"okay lang Miss ay pwede ba mag tanong sa iyo" ini angat ko yung tingin ko at nakita ko yung dalawang ate. Mukha naman silang mabait at wag ka may itsura sila.

"ano yon?" baka kailangan nila ng direksyon.

"san yung changing area?" sabi ko na nga ba eh.

"tara samahan ko kayo" masayang sabi ko. Malakas ang kutob ko na magiging mag kakaibigan kami.

...

"di nga totoo? walang keme?" kausap na namin silang dalawa. Galing nga eh nag kakapalagayan na kami ng loob.

"edi nag kakakita pala tayo sa school tsaka ikaw Ivy lipat ka na sa C masaya doon promise" pag kukumpirma ni Nanay. Masaya naman talaga sa section namin seryoso nag kaka murahan doon pero hindi siya yung nag kaka plastikan sa loob.

"sigi asahan niyo ako diyan"

"Uy ano yan?" pumasok si Kai sa usapan namin.

"sila bago naming kaibigan si Cheyne at Ivy" pag papakilala ko para sa kanila. Nakita ko naman na si Kai ay naka tingin kay Cheyne  aw off limits di pwede Fafa Kai masasaktan ako.

"ahem Lay nandyan ka pala" pag tawag ko dahil baka mamaya hindi parin tumigil si Fafa Kai sa kakatingin kay Cheyne eh. Eto namang si Lay naka bangag face nanaman. Siya yata yung tinutukoy ng mga sinasabi ng mga batang naglalaro sa labas eh yung tulog ng tulog puyat. Lagi ata akong nakikinig sa mga bata sa labas noh.

"hi nice to meet you" nakikipag kamay siya kay Ivy. Aba! wala bang papansin saakin dito!. Makikita mo sa mukha ko yung pag kainis kaya napa tingin saakin yung tatlo. Alam nila malamang na sense nila yung pinadala kong signal.

"okay lang yan kafatid" habang hinahagod ni Gabby yung likod ko.

"aw saket" si Tita Nam naman. Jusme! kung ano yung kina comforting na ginawa ni Gabby kina taliwas naman ito ng sinabi ni Tita nam.

"Tara nga bakla" pag yayaya ni Nanay. Sasama nalang ako tutal nasasaktan lang naman ako dito. Pano ba naman kasi nakikipag tawanan na si Kai kay Cheyne.

"Penguin!" pag tatawag ni D.O.. Huhu Dyo buti nalang.

"D.O.!" tumayo ako at tumakbo sa kanya. Huhu isusumbong kita Kai.

...

"sakit bhi" pagkasabing pagkasabi ko nun ay nakatikim ako ng isang malakas na pag batok.

"maka Bhi ka ah ano bakla ka?" nag pout naman ako akala ko ba naman kasi tutulungan ako ng nilalang na ito eh yun pala lalaitin lang ako. Na Wrong move ako sana sumama nalang ako kay Nanay.

"akala ko ba naman tutulungan mo ako diyan ka na nga bwiset toh!" nakakainis naman! ngayon pa kasi siya gumanon.

"joke lang to namang penguin na to" hinila niya ako pabalik. "ano bang gusto mong gawin natin dun sa bago mong kaibigan papatayin ko na ba?" pahabol na sabi niya napangitin nalang ako.

"loko bakit mo naman papatayin eh kaibigan ko nga diba?" minsan tong taong toh may pagka baliw din eh.

"edi wala tayong magagawa kaibigan mo diba" aray ko naman.

"haay hayaan na nga natin sila, hahanap nalang ako ng bagong crush" napa buntong hininga nalang ako sa mga pinag sasasabi ko. Crush lang naman diba napapalitan din?.

"yaaah sayang yung ineffort ko sa Kailare" hayaan nalang natin sila mukha naman silang masaya eh.

Marrying a stranger (EXO fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon