Marrying a stranger:31

35 3 5
                                    

I'm waiting for your reply...

...

"Bakit wala pa rin ata si Nanay?" tanong ko kanina ko pa napapansin na wala siya.Sabi niya may pupuntahan lang siya eh. Susme! gabi na kaya wala pa siya!.

"ewan" tipid na sagot ni Gabby habang pumapapak ng Nutella. Gustuhin ko man sanang humingi kaso wala eh alam ko naman na babalyahin niya lang yung kamay ko pag naka lapit na iyon sa pinaka mamahal niyang nutella.

"mag tiwala kayo saakin lumalaret yon" nakaka gulat naman tong si Tita Nam kung saan saan nalang siya sumusulpot promise. Lumalaret pfft whahahhaha feeling ko hindi ko mapipigil tong pag tawa ko. Eh pano ba naman napaka seryoso niya pang mag sabi.

Ilang minuto pa wala paring tumatambad na Nanay Chezka sa pinto. Ngayon alam ko na yung feeling nila pag ako yung iniintay nila.

"Nak ng tofu?!" napa sigaw nalang ako nang may pumasok na isang basang basang Chezka. Sersyoso para siyang sinabuyan ng tubig. Na curious tuloy ako at tumingin sa labas nakita ko naman na bumubuhos yung mga tubig mula sa langit. Hmm... umuulan pero hindi ko man lang naramdaman. Masyado ba akong manhid? Ey! hindi naman pala ako yung manhid siya. psssh. Napa buntong hininga naman ako sa mga pinag iisip ko.

Si Gabby naman parehas lang kami ng reaksyon pero si Tita Nam...

don't ask naka poker face lang siya at akmang mag sasalita. Tumahimik nalang ako dahil alam ko na manenermon na siya ilang segundo mamaya.

"oh ano nanamang katangahan yang ginawa mo?" see.

Halata naman sa mukha ni nanay na binaliwala niya lang yung sinabi ni Tita Nam. Hmmm.... may something eh gusto kong malaman curious na curious na talaga ako ngayon. Curiosity kills ba? di naman diba so gusto ko na talagang malaman kung ano yung nangyare.

"Nay sinong nag buhos ng tubig sa iyo sasabuyan ko ng kumukulong mantika"napa tingin naman ako kay Gabby na ibinaba na yung hawak niyang kutsara. Naka tumba nanaman siya ng isang container na punong puno ng nutella. Nag tataka ako sa babaeng to eh kung san galing yung mga nutella niya kasi kung tutuusin hindi siya bibili nun kung wala siyang pera ang alam ko kasi namomroblema daw siya sa pambili ngayon ng bainbridge niya eh. Tsss yan nanaman curiosity bahala sila ako nang bahalang mag ala Sherlock Holmes malaman ko lang yung mga nang yayari sa kanila.

Napatawa si Chezka ng bahagya at bumalik din agad sa pagka Chezka face niya. Seryoso? nababaliw na ba itong isang toh?.

"Nabasa ako ng ulan Gabby tsaka sa tingin mo ba mag papa buhos ako ng tubig baka maunahan ko pa nga yung gagawa saakin nun eh. Umuulan sa labas hindi nyo ba nararamdaman? Ganyan ba kayo ka manhid?" pagka tanong niya nung last part ay naka tikim siya ng isang masakit na sapok kay Tita Nam.

"Tangna ano huhugot pa? nako nga Chezka kung gusto mo pa ng isang sapak sigi humugot ka" natatawa ako kaso bawal baka sakin ma ibuntong ni Nanay yung pagtataray niya. Siguro tinamaan etong si Tita Nam sa sinabi ni Nanay hmmm...

"Maligo ka na Nay may ikkwento ka pa pagkayari mo" ibinato ko sa kanya yung kinuha kong tuwalya. Baka bukas magka sakit pa siya eh mag alala pa si Tatay.

"Tse! kwento ka diyan?! kwentuhin mo mukha mo" and with that inirapan niya ako at tumakbo paalis papunta malamang sa banyo. Inirapan pa ako tsss...

May narinig naman akong kalabog. Natawa nalang ako

"Ang bilis ng karma noh?" sabi ni Tita Nam

"Nu bayan inunahan mo naman ako sa sasabihin ko ay Ta Nam" pag iinarte ko totoo naman ih inunahan niya ako sa sasabihin ko makayamot tuloy.

Tinignan niya alang ako at ngumiti ng nakakaloko tsaka pumunta papuntang kusina. Siya yung naka toka na mag luto eh. Wag na si Nanay baka pag nag luto yon mag iba ng lasa yung iluluto niya. Hamakin mo Carbonara nilagyan niya ng tomato paste. Kundi ba naman kalahating bangag.

Marrying a stranger (EXO fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon