Mission no.01

35.4K 706 66
                                    

"And that's all for this meeting Mr.Andrada,thank you" at inilahad ko ang kamay ko sa ka bussiness meeting ko sa isang coffee shop.

"Thank you din Mr.Delgado,Im looking forward for that project" sagot ng matanda,tinanggap ang pakikipag kamay ko saka nagpaalam at umalis.

Napasandal ako sa upuan at tinitigan ang baso ng kape na hindi ko nagalaw. Isang bussiness deal na naman ang naisara ko. Masaya ako na madami na akong narating sa edad kong twenty five,I have my own bussiness,minsan na lang ako gumalaw pag may meeting ang board at may iko-close na deal,magagaling naman kasi ang mga tauhan ko.

I manage to reach this high kahit bata pa ako dahil sa aking pagsisikap.

Kinuha ko ang baso at ininom ang kape. Nakaka-kalma kasi para sa akin ang kape. Nabaling ang atensyon ko sa mga crew ng coffee shop na naghahagikgikan,mga babae. Napailing at napangiti ako.

Girls,masyadong madaling mahalata pag gusto nila ang lalake,tulad ko,hindi ako nahihirapan makahanap ng magiging girlfriend o kahit maikakama lang,madami ng dumaan sa akin,pero hindi pa ako nagmahal,ewan ko din kung bakit. But mind you,yung mga naging girlfriends ko before,mga nirespeto ko,I respect girls,wala pang nangyayari sa amin,pwera na lang dun sa mga lantaran kung mag flirt,lalaki lang ako,may pangangailangan at madaling matukso.

Natigil ako sa pagmumuni muni ng mag vibrate ang phone ko,tiningnan ko kung sino ang tumatawag bago ko ito sinagot.

"Hey there Mister M!" masigla kong bati dito.

"I have a new mission for you Uriel,and this is a very different case,pumunta ka ngayon sa agency so we can discuss it to you" ma awtoridad nitong sabi kaya napangiti ako.

"Yes Mister M,I'll be there in no time" at natapos na ang tawag. Nagtataka ba kayo? Isa akong secret agent,yung parang James Bond,eighteen pa lang ako ng magsimulang pumasok dito,malaki ang sahod,hanggang isa na ako sa naging pinaka batikang agent at highest paid agent,we were against illegal doings,crime,drugs,kadalasan,may kliyente kaming dapat bantayan o iligtas.

Tumayo na ako at naglakad papunta sa kotse kong nakaparada sa harap lamang ng shop,bago ako sumakay ay naagaw ng isang bakla ang paningin ko dahil sa ginawa nitong pagtakbo papunta sa isang lalaki. Napailing ako at napangiwi.

"Tsk tsk,bakla na nga ganun pa umakto,nakakahiya,kaya ayaw ko sa mga bakla eh" ang sabi ko sa sarili at sumakay na sa kotse,pinaharurot ko ito,at ng matapat ako dun sa bakla at lalaki ay bumusina ako ng malakas,gulat na napatalon ang bakla,kitang kita ko sa side mirror ng kotse kaya natawa akong mag-isa.

Im sorry if I was harsh,I just dont like gays,para sa akin,dalawa lang ang ginawa ng Diyos, Lalaki at Babae,yun lang yon,hindi mo nagustuhan sinabi ko? Okay lang. Iba't iba tayo ng opinyon.

Nakarating na ako sa building ng Montecarlo Secret Agency,o mas kilala sa tawag na Golden Lion Agency. Dumeretso ako sa parking,bumaba sa kotse at tinungo ang pinto na kaming mga secret agents lamang ang nakaka alam.

Pag pasok ko pa lang ay bumungad na sa akin ang mga tauhang abala sa kanya kanyang duty,pati yung ibang agents. Nakita ko naman si Serenity,ang pinaka magaling sa mga babaeng agents,medyo niligawan ko ito noon pero binasted ako,pero ang kapalit naman nun ay naging mabuti kaming magkaibigan,at minsan kapareha pag mabigat talaga ang misyon. Lumapit ito sa akin ng nakangiti.

"Hey Uriel! Mukhang pinagbigyan na ni Mister M. ang pagre-resign mo"

"And how did you know?" ani ko at ngumiti sa kanya.

"Nakaka distract talaga yang mga dimples mo" anya at tumawa ako. "Well,ayon sa narinig ko,that would be your last mission,then pwede ka ng mag resign,since ikaw ang pinaka madaming nagawang misyon" dagdag pa nya.

I Feel For You (boyXboy) - PUBLISHED UNDER TGIMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon