Mission no.21 SPECIAL CHAPTER

16.2K 293 32
                                    

NOTE: SPECIAL CHAPTER ITO DAHIL MAY SPECIAL PARTICIPATION DITO ANG MGA HINAHANGAAN NYONG CHARACTERS MULA SA MGA PINAKAMAMAHAL NYONG KWENTO,NAGPAALAM AKO SA MGA AUTHOR'S AT PUMAYAG SILA. ANG MGA ITO AY ANG:

- ANG MULTO SA MANHOLE

- HALIMAW SA PUNONG BALETE

- MALIGNO SA CHAPEL

THANK YOU NG BIGTIME

*ONOMATOPOEIA

*JHUNEGGY

*IAMKENTH

MAIKLI LANG ITO,ENJOY :)

-----

WINJI's point of view

Matapos bumili ng mga damit kasama yung malanding Jayson na yon ay bumalik kami sa hotel. And oh how I wish na kung sino man ang labidabs ng baklitang yon ay angkinin na sya,para hindi sya naglalaway pag nakakita ng mga gwapo,may itsura pa naman sya.

Pinagsiksikan ko sa bag ni kuya Uriel yung mga damit na binili nya para sa akin,dahil sa araw na ito ay babalik na din agad kami ng maynila. Kung bawiin man ako nina Tito Gido at Tita Missil,hindi na ako sasama. Maaaring gumagaling na ang mga pasa ko,pero ang sugat sa puso ko ay hindi na. Salamat na lang at ligtas na ako kasama ang lalaking pinakamamahal ko,kaya naman hindi maalis ang ngiti ko.

"Ngiting ngiti ka Bhie ah? Gusto mo ba? Bago tayo kumuha ng ticket?" naka ngising sabi ng impakto habang naka topless. Kahit hanggang ngayon ay naglalaway pa din ako sa kanya. Sunod sunod ang paglunok ko ng laway.

"Tse! Hindi iyon ang iniisip ko. Excited lang akong makabalik sa maynila kaya bilisan mo dyan. Dun mo na lang gawin pag uwi ang binabalak mo,hindi kita aatrasan!" sabi ko naman. Ako pa? Baka ngayon ay sya na sumuko sa akin.

"Sabi mo yan ah? Tara na." naka ngisi nyang sabi sabay kindat at suot ng damit,isinukbit ang bag sa kanang balikat at hinila ako.

Gusto ko pa sanang mamasyal dito sa iloilo pero wala ng panahon,kailangan matapos na namin ang problemang ito.

Pagkababa namin sa taxi ay dumiretso kami agad sa loob ng airport. Agad nag inquire si Kuya Uriel,at swerte namang may flight pabalik ng maynila kaya agad namin itong kinuha.

Mabilis lang naman talaga ang byahe kaya mabilis din kaming nakarating sa maynila. Nung sakay na kami ng taxi ay may nadaanan kaming Starbucks. Bigla akong naglaway.

"Manong para po!!" ang agad kong sabi na ikinagulat ni Kuya Uriel.

"Bakit bhie?" aniya. Ini nguso ko ang starbucks. "Gusto mo? Sige tara." aniya,nagbayad kay Manong at bumaba na kami.

Pagpasok sa starbucks ay nalanghap ko na agad ang aroma ng mga iba't ibang flavor ng kape. Nakakatakam! Matagal din akong hindi naka tikim nito.

"Hanap ka ng pwesto,ano ba ang sayo? Ako na o-order." agad nyang sabi ng makapasok kami.

"Chocomouse at 2 sliced blackforest cake dhie! Thank you!" maligalig kong sabi at nag puppy eyes pa. Ngumiti sya at tinungo na ang counter,samantalang ako ay humanap na ng magandang pwesto. Ng makahanap ay agad akong naupo. Hindi pa nag iinit ang pwet ko ay may narinig na ako.

"Hihi! I miss doing this Buknoy!" sabi ng isang boses na parang pinaliit. Kaya nilingon ko.

"Huwag kang maingay hanybee! Baka marinig tayo ng guard." sagot nung Buknoy. Oh my gawd! Is this for real? Isang couple lang ang alam kong gumagawa nito. Does that mean,totoo talaga sila at hindi lang basta character sa wattpad? Pag nakita ko talaga si Onomatopoeia sasambahin ko sya.

"Pasensya na,na excite lang hihi."

"Eiji,hanybee anong sayo?" sabi nung Buknoy at naglabas ng sachet ng mga kape,pati yung mga baso halatang gawa nila. Totoo nga sila! Naka nganga lang akong nakatingin sa kanila.

"3 in 1 syempre!" sagot ni Eiji. Pakiramdam ko nag lock ang jaw ko sa pagkaka nganga,nasa tabing mesa ko lang sila,my gawd they are real! Ang ganda ni Eiji at ang gwapo pala talaga ni Buknoy.

"My gad ka Borg! Sabi ko choco frappe eh! Isauli mo yan!" sabi pa ng isang boses sa may likuran ko kaya lumingon ako. Isa na namang beki,at may kasamang gwapo.

"Sorry na danda,pagtyagaan mo na yan,kape pa din yan." sagot nung gwapo,yung tinawag na Borg. Dyosko,nagkalat na talaga ang mga gaya kong nakaka bingwit ng adonis.

"Sorry ka dyan! Gusto mong ibalik kita sa puno ng balete? Dali na! My gad!" sabi ulit nung bakla,infairness,maganda sya ah,maldita nga lang.

"Koi naman.. Next time na lang,ano ba ang mahalaga? Ang kape o ang pagmamahal ko sayo?" seryosong sabi nung Borg. Bakit kaya ganun? Pag sa gwapo galing hindi corny pakinggan?

"Halimaw ka! Kung hindi lang kita mahal eh! Hmp!" namumulang sabi nung Koi. Napangiti ako,nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Binawi ko na ang tingin ko sa kanila. Hay! Hindi pala talaga pinagkakait sa aming mga alagad ng karagatan ang pag ibig.

"Mahal na mahal kita hanybee,ubusin mo na yang starbucks coffee mo at paniguradong nagwawala na si Mark dahil hindi natin sinama." nadinig kong sabi ni Buknoy.

"Ito ang pinaka masarap na starbucks! Ikaw nagpauso neto kaya mahal na mahal kitang ulupong ka eh!" sagot ni Eiji. Feeling ko,hindi na mapapawi ang ngiti ko.

"Bhie,eto na oh." napatingin ako sa nagsalita,walang iba kundi ang Dhie ko,inilapag nya sa mesa mga order namin. Gusto kong maglambing kaya ngumuso ako. He exactly know what to do. Walang isang iglap ay naglapat ang mga labi namin.

"Munchy nakita mo yon? Hinalikan nya! Couple din sila! My god Im so happy para sa mga sirena." dinig kong sabi ng isang boses kaya agad kaming naghiwalay ni Kuya Uriel.

"Ano ka ba Keirmn,ofcourse couple sila,meron pa nga,ayon at ayon!" sagot ng lalaking gwapong kasama nito,tinuro sina Eiji at Buknoy pati Koi at Borg. "Valentines na ba? Daming gay couple ah?" dagdag pa nito.

"Ah ganun,tinawag kitang munchy tapos ikaw,pangalan ko? Thanks sa sagot ha Klaive? Maligno ka! Bumalik ka na sa chapel!" pambabalewala nung beking tinawag na Keirmn.

"Ito naman,nagtampo agad,I love you so much munchy!" at agad hinalikan ni Klaive sa labi si Keirmn.

Tiningnan ko ang paligid,hati ang tingin ng mga tao sa amin. Nagtaka siguro kung bakit dinumog ng gay couples ang starbucks.

"See that dhie? Madami pa ding nagmamahal sa mga beki. Kaya nga ang saya saya ko na minahal mo ako." sabi ko ng makaupo na ng tuluyan si kuya Uriel.

"I know,at dahil sa pagmamahal mo,binago ako nito,binago nito ang paniniwala at mga nakasanayan ko,may ibang mundo pa pala,maraming salamat at mahal mo din ako." aniya,hinawakan ang kamay ko at hinalikan.

"So ngayon,alin ang mas matamis? Tayo o ang cake?" naka ngisi kong sabi.

"Syempre tayo! Natutuwa nga ako sayo,parang hindi ka bata." aniya. "lalo na sa kama." pabulong nyang dugtong na ikinamula ko kaya kinain ko na lang ang cake.

"Baliw!" ang sabi ko na lang at tumawa sya. Pero sa gitna ng paghigop namin ng chocomouse at pag kain ng cake ay bigla syang nagseryoso.

"Hindi ko mapapatawad ang mga iyon at kung sino mang nag uutos sa kanila. Noon sinisi ko ang sarili ko dahil kinuha ko ang kamusmusan mo,pero mas magsisisi ako kung hindi sila mananagot sa ginagawa nila satin. Bata ka pa Bhie,enjoy your youth kahit mag on tayo,and whatever happens,lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita." seryoso nyang litanya. Napatigil ako at kinabahan,parang may laman ang mga sinabi nya.

"May problema ba dhie? May hindi ka ba sinasabi sakin?" kinakabahan kong tanong. Ngumiti sya agad,parang kanina lang sobrang seryoso nya.

"Wala,we'll fix it bhie,malalampasin natin ang lahat." aniya. Nagkibit balikat na lamang ako at bumalik sa pagkain. Habang nagkekwentuhan ay paminsan minsan kong tinitingnan sina Eiji at Buknoy,Keirmn at Klaive pati Koi at Borg. I wont surely forget this day. At kung magkikita pa ulit kaming lahat,hindi ko sasayangin ang pagkakataon na yun at makikipag kilala talaga ako,but not now.

Nang makauwi kami ay sinalubong agad nila ako ng yakap. Sobrang na miss ko sila,sana nandito din si kuya Gradd.

At pagdating ng gabi. Sa kwarto namin ni kuya Uriel ay walang sawa naming pinadama sa isa't isa ang init ng aming pagmamahalan. Sabi ko naman sa kanya huwag nya akong hinahamon eh.

I Feel For You (boyXboy) - PUBLISHED UNDER TGIMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon