Mission no.10

20.3K 427 37
                                    

URiEL's Point of view

Pagkaparada pa lamang ng kotse ay kumaripas na kami ng takbo ni Leer papasok sa bahay ko. Walang dapat masayang na oras,may limang oras pa kaming nalalabi,nasayang sa byahe ang unang anim na oras.

Agad kong sinalpak ang susi at ng mabuksan ay umakyat agad ako. Madilim,wala pa nga sina Manang,Jewel at Tony. Si Leer na ang nagbukas ng mga ilaw.

Agad akong pumasok sa kwarto ko,tinungo ang secret compartment at kinuha ko yung pang trace,mapa,mga bala at baril. Paglabas ko ay nakita ko si Leer na paakyat.

"Leer,eto ang tracker,ito din ang mapa. At ito ang baril mo at mga bala." ani ko. Napatingin sya sa akin.

"Dun ka sa sala. Ikabit mo yang wire na yan dito sa phone ko." sabay abot ng phone ko. "I-trace mo pag tumawag,hahanapin ko lang sa kwarto ni Winji ang chip na gusto ng sindikito."

"Salamat kuya Uriel,tutulungan kita. Ililigtas natin si Winji." sagot ni Leer,nakita ko ang determinasyon sa kanyang mga mata. Naalala ko nung nagsisimula pa lang ako. Hinawakan nya ang baril at parang bihasang naglagay ng mga bala saka ikinasa. Napa-ngiti ako. Magaling talaga mag train si Mister M.

Bumaba na sya at pumasok ako sa kwarto ni Winji. Taranta kong hinalughog ang mga gamit nya habang nakikiramdam at pinapakinggan si Leer. Nadinig kong tumunog ang phone ko. Panigurado ang sindikato na iyon.

Nauubusan na ako ng pag-asa sa kakahanap. Nahalughog ko na ang buong kwarto ni Winji. Napaupo ako sa kama at sinapo ng kamay ko ang aking ulo sa sobrang frustration.

Napatingin ako sa bedside table. Nakapatong dun ang masayang larawan ng pamilya ni Winji. Tinitigan ko ito at saka ko naisipang tingnan ang likod.

May nakasipit na papel! Kinuha ko ito at may nalaglag sa sahig. Pagtingin ko dito ay nakahinga ako ng maluwag. Ang chip na kailangan ng mga sindikato. Kinuha ko ito at inilagay sa secret pocket ng pantalon ko. Binuklat ko ang nakatuping papel.

IJNIW

yan ang nakasulat. Maaaring code ito bago mabuksan ang pinaka impormasyong nakatago sa loob ng chip.

Tumayo na ako at lumabas. Nakahanda na din ang armas ko. Bumaba ako at nakita kong katatapos lang makipag usap ni Leer.

"Minamadali nila tayo kuya. Pero na trace ko sila. At dito sa lugar na ito tumigil ang tawag." aniya sabay turo sa mapa. Tiningnan ko iyon. Isang lumang factory sa labas ng lugar iyon. May isa't kalahating oras ang byahe.

"Good job. Anong sabi?" ani ko at sinenyasan na syang lumabas,pintay ko na ang mga ilaw at lumabas na din pagkatapos ko ilock ang pinto. Nasa kotse na si Leer,pag upo ko sa harap ng manibela,saka siya sumagot.

"Nagulat sila na ako ang kausap nila pero binalewala nila ito at nagbanta na nauubos na daw ang pasensya nila. Natatakot ako sa pwedeng mangyari kay Winji kuya."

"Maililigtas natin sya. Yan ang tandaan mo." sagot ko at pina andar na ang makina pero may kumatok sa salamin. Nagulat pa ako dahil isa ito sa mga kasabayan ko at magaling ding agent pero biglang naglaho. Agad ko itong pinagbuksan ng bintana.

"Need help? Tinawagan ako ni Mister M. Back up mo daw ako at gabayan ang bagong agent" anito sabay tingin kay Leer.

"Agent Gradd."

"Tara na Uriel." sabi nito at pumasok na sa back seat. Pinakilala ko si Leer sa kanya at mukha namang magkakasundo sila.

Mabilis na akong nagmaneho,ang isat kalahating oras na patungo doon ay gagawin kong kalahating oras. Habang mabilis akong nagmamaneho ay inusisa ko si Gradd.

Si Gradd,tulad ng sabi ko ay kasabayan ko noon,magaling din syang agent at lagi kong nakaka partner. Pero bigla syang naglaho. At ngayon malalaman kong si Mister M ang kumontak sa kanya. Magaling talaga si Mister M at matalino.

I Feel For You (boyXboy) - PUBLISHED UNDER TGIMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon