Mission no.29

12.3K 279 19
                                        

WINJI's Point of view

Nagising ako sa biglang pagsaboy sa akin ng malamig na tubig. Sa biglaan kong pagdilat ay nahilo ako,at dun ko napagtantong naka bitin pa din ako patiwarik. Malulutong na tawanan ang narinig ko kaya nilibot ko ang aking paningin.

Kung nandito pa ako,ano yung kanina? Panaginip lang ba yon?

"Videohan na yan habang binubugbog." sabi ng dad ni Aica.

Shit! Ano na ba talaga ang nangyayari? Ano ba ang totoo?

"Dalian nyo na! I cant wait na ipadala kay Uriel ang video para sumugod na sya dito." ani pa ni Aica at humagikgik.

Punyeta talaga tong babaeng ito eh. Kung makawala lang talaga ako hindi ko sya bibigyan ng pagkakataon para makalaban.

Sa sobrang pag iisip ko ay hindi ko na namalayang nakalapit na sa akin ang mga tauhan nila. Hindi ko na maaninag ang mga mukha nila dahil sa hilo,blurred na ang paningin ko. Ilang oras na ba akong nakatiwarik dito? Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang,gusto ko na itong matapos.

Sunod ko na lang na namalayan ay ang sunod sunod na hampas,sipa at sapak sa akin. Pumikit na lamang ako dahil ayoko ng makita ang mga mukha ng mag ama na tumatawa na parang mga demonyo.

-----

URIEL's Point of view

Lulan kami ng taxi ngayon,kasama ko si Gradd at Leer,one week na ang nakakalipas,at sa awa ng Diyos naging successful ang operation ko. May nakuha agad kaming donor,medyo nakakapanibago nga na maliwanag na ulit ang lahat,nakaka kita na ako ulit.

Wala kaming pinagsabihan na uuwi na kami. Gusto kong masorpresa silang lahat. Alam kong ito ang gusto nila,ang muli akong makakita.

Masaya kaming tatlo nina Gradd at Leer na nagkekwentuhan sa mga bagay bagay. Binibigyan din namin ng tips si Leer sa pagiging agent,since graduate na kami dun ni Gradd. Sa ngayon kasi,naghihintay pa si Leer ng big break o big mission,kung saan maipapakita nya ang galing nya,besides,20 years old na sya.

Pagdating namin sa bahay ay tahimik. Kaya naman una kong hinanap si Winji.

"Bhie! Winji!" ang sigaw ko at umakyat sa kwarto. Walang katao-tao.

Sina Manang,Jewel at Mang Tony kaya?

Agad akong bumaba ulit,kausap na nina Leer at Gradd ang tatlo.

"Bakit hindi nyo tinawag sa amin Manang?" ang naabutan kong parang inis na sabi ni Gradd na napapa sabunot pa sa sariling buhok.

"Pasensya na Sir Gradd. Pero yon po talaga eh,hinanap naman namin sya,pina blatter pa namin sa pulis." sagot ni Manang kaya lumapit na ako.

"Bakit? Anong nangyayari?" ang agad kong tanong.

"Sir,nawawala po si Winji." Si Mang Tony ang sumagot.

"Tatlong araw na po Sir." dagdag ni Jewel. Bigla akong kinabahan. Akala ko masusorpresa ko sila,pero ako pala ang masusorpresa.

"May hint na ako kuya." ani Leer.

"Mukhang pare parehas tayo ng iniisip. Tatawag ako ng back up. Hindi pwedeng may mangyari na naman sa kapatid ko." tiim bagang na sabi ni Gradd. Maging ako ay galit na,hindi pwedeng maulit na naman ang nangyari noon.

"Si Aica at ang Dad nya. Talagang tyumempo sila,napakasam--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nag vibrate ang phone ko. Nang tingnan ko ito ay may pumapasok na Multimedia.

Napatingin ako sa kanila,sinenyasan ko sina Manang,Jewel at Mang Tony na iwan muna kami.

Nang pumasok na ng buo ang multimedia message at mag play ang video ay halos madurog ko ang phone ko.

I Feel For You (boyXboy) - PUBLISHED UNDER TGIMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon