Mission no.25

12.6K 297 41
                                    

WINJI's Point of view

Dalawang taon ang mabilis na lumipas. Im now 20 years old. And Im think,Im matured enough to face my fears. Naging mas matatag ako sa tulong nina Keejay at Kloyy na laging nasa tabi ko. Sa dalawang taong iyon nasaksihan ko ang buhay pag-ibig ni Kloyy,at sa dalawang taon ding iyon ay nasa tabi ko si Keejay.

Mula ng araw na umamin sa akin si Keejay,mas naging malapit sya sa akin. Naging tapat naman ako na hindi ko kayang suklian ang pagmamahal nya,nakakatuwa lang na hindi sya humihingi ng kapalit,nakuntento sya sa kung ano ang kaya kong ibigay.

Nagdalawang isip talaga ako nung una kung hahayaan ko ba syang pasukin ang puso ko. Pero bandang huli,hindi ko talaga kaya,hindi ko kayang magmahal pa ng iba,isa lang talaga ang nasa puso ko. At sa dalawang taon na yon,labis akong nangulila pero nagawa kong mag move on.

Naka graduate na din ako ng grade 12,tuwing sembreak at bakasyon pumupunta dito sa Cebu si Keejay. Si Leer naman ay hindi naputol ang pagkakaroon namin ng communication,pati si kuya Gradd.

At ngayon nga,naka handa na ang lahat,sabay kaming luluwas ni Keejay pa-manila.

"Kamusta na kaya sya? Mapapatawad pa kaya nya ako? Ito na ang tamang panahon ng pagbabalik ko." sabi ko sa aking sarili habang inaayos ang bag. Umayos ako ng upo sa kama ng bumukas na ang pinto. Pumasok sina Keejay at Kloyy.

"Eto na. Aalis ka na,babalik ka na sa tunay mong mundo. Pasensya na Ji kung hindi ko kayo maihahatid." ani Kloyy. Tumayo ako at niyakap sya.

"Maraming salamat sa lahat. Hindi ko alam kung paano ako babawi. Pero balang araw,makakabawi ako. Maraming maraming salamat Kloyy." sagot ko naman. Tumulo na ang mga luha ko,I really hate goodbye's.

"Wala yon. Kaibigan kita. Hangad ko ang mapabuti ka. At saka masaya ako na nakasama kita sa loob ng dalawang taon." sagot nya at nagkalas na kami sa yakap.

"Ikaw din,goodluck sa lovelife." sabi ko at ngumiti.

"O sige na. Baka ma-late pa kayo sa flight nyo. Mag ingat kayo ah?" ani Kloyy saka bumaling kay Keejay. "Oi ikaw! Bantayan mo yan! Hindi ka na makakabalik dito sa Cebu pag may nangyari sa kaibigan ko." dagdag nito na ikinatawa namin.

"Oo na! Parang hindi mo naman ako naging kaibigan Kloyy. Huwag kang mag alala,hindi ko pababayaan si Winji,alam mo namang mahal na mahal ko yan." sagot ni Keejay at umakbay pa.

"Tse! Sige na,lumayas na kayo."

-----

Sakay na kami ng Taxi papunta sa bahay namin ni kuya Gradd. Hindi ko ipinaalam sa kanila ni Leer na uuwi na ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko,na e-excite,natatakot,kinakabahan. At sa totoo lang,gusto kong sa bahay niya umuwi. Yun ang gusto ko pero hindi na pwede. At sigurado ako,masaya na sya sa pamilya nya,sa asawa at anak nya.

"Relax Ji. Para kang nag ha-hyperventilate. Uuwi ka hindi bibitayin okay?." pagpuna sa akin ni Keejay. Huminga na lamang ako ng malalim.

Sa loob ng dalawang taon,marami ang nangyari,madami ang nagbago,kaya dapat hindi na ako nag iisip at nakakaramdam ng ganito diba? Nakapag move on na ako diba?

"Oh paano? Hindi na ako magtatagal. Kailangan ko ng umuwi. Nakapangako na ako kina Mom and Dad eh." ani Keejay.

"O sige,maraming salamat talaga Keejay ah?"

"Anytime! Tawagan mo lang ako at itext,bye Winji!" aniya. Ngumiti at kumindat bago pumasok ulit sa taxi.. Nang tuluyang maka alis ang taxi saka ako humarap sa bahay.

Bukas ang mga ilaw. Ibig sabihin nandito si kuya Gradd. Pumasok na ako ng walang ingay para walang makahalata. Nilapag ko sa gilid ng hagdan ang bag ko at nagsimulang maghanap kay kuya Gradd. Hanggang sa makarating ako sa likod,sa may garden. Nakatalikod si kuya at may kausap sa cellphone.

I Feel For You (boyXboy) - PUBLISHED UNDER TGIMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon