Mission no.17

16.1K 287 41
                                    

CHApter 17

URiEL's Point of view

"Oo tol,Winji is actually doing good." ani ko kay Gradd. Tumawag kasi at nangangamusta,nasa misyon pa din sya,at ito ang kauna-unahang pagkakataon na tumawag sya mula nung pag alis nya.

"Maaasahan ka talaga. Basta,take care of him,mukhang matatagalan ang misyon ko dito. Sige na,bye." anito at tinapos na ang tawag. Gusto ko sanang sabihin na kami na ng kapatid nya,pero mukhang hindi pa nga ata ito ang tamang panahon para sabihin iyon.

Napangiti na lang ako,halos magli-limang buwan na kami ni Winji,at araw araw nadadagdagan ang pagmamahal ko sa kanya,ni sa panaginip hindi ko hinagap na magmamahal ako ng ganito kasobra at sa isang batang lalaki pa,love really moves in mysterious ways. Hindi na din ako nagseselos dahil nakaka siguro naman ako na akin lang si Winji,kaya pinapabayaan ko syang lumabas kasama sina Leer,Kii,ang tropa nila at yung Keejay. I want him to enjoy his young life,hindi naman porket kami ay pagbabawalan ko na sya. Ang tanging sakit lang ng ulo ko talaga ay si Aica,for the past two months ay hindi nya ako tinitigilan. Gusto nyang makipagbalikan,kahit saan ako magpunta bigla syang sumusulpot,she was thingking na single ako,hindi pa din nya alam na si Winji ang boyfriend ko. Kaya pag pupunta sya sa bahay,agad ko syang pinapalabas at dun ko sya kinakausap. Kahit sa aking kumpanya ay pumupunta din sya.

Nakakapikon,nakakainis,pero hindi ko gawaing mambastos ng babae,at saka hindi naman naging kami noon. Sa kama lang kami nagkaka sundo. Pero hindi ko alam kung hanggang saan at hanggang kailan ko maitatago kay Winji ang pangungulit ni Aica. Nung huling pagkikita namin ay umiiyak pa sya,nag mamaka awa,paulit ulit nyang sinasabi na ngayon lang nya narealize na mahal nya ako. Pero wala eh,si Winji talaga ang tinitibok ng puso ko,sya lang at wala ng iba.

Minsan,nakakatakot na ding malaman ni Winji ang mga pinag gagawa ni Aica,at nagpapasalamat ako ni hindi nya ito napapansin at hindi din naman sya naghihinala. Kakaiba pa naman magtampo at magselos si Winji,iyon ang disadvantage ng pagiging bata nya kaya nag a-adjust ako.

At ngayon nga nasa school pa sina Winji at Leer. Gusto ko sanang hintayin sya bago umalis, pero nagmamadali na yung mga college friends ko. May party akong pupuntahan,isang welcome party. Medyo maaga nga kumpara sa mga normal na oras ng party pero yon ang nakalagay sa invitation.

"Jewel,pag dumating si Winji,paki sabi tawagan agad ako at huwag ng aalis pag nagdilim na." pagtawag pansin ko kay Jewel na nagwawalis sa living room.

"Sige po sir! Enjoy po sa lakad!" sagot nito at lumabas na ako. Sakto naihanda na ni Mang Tony ang kotse ko,nagpasalamat at nagpaalam na ako dito bago sumibat.

Habang nasa daan,hindi ko tuloy maiwasang maisip kung anong magaganap sa party,theyre my friends pero hindi ganon ka close,wala silang alam tungkol sa dati kong buhay. At isa pang iniisip ko ay si Aica,posibleng nandun sya dahil kaibigan din nya ang mga iyon. Aagahan ko na lamang ang uwi mamaya para hindi mag alala si baby Winji ko.

Nang makarating sa venue ng party at makababa ako sa kotse ay agad nila akong nilapitan at binati. At hindi nga ako nagkamali,nandito nga si Aica.

"Look guys who's here! Uriel Delgado,the most richest,youngest,multi billionare in town!" ang pagmamayabang ni Chad ng makapasok kami sa garden.

"Tarantado ka talaga!" ang natatawa kong sabi. Inilibot ko ang paningin,ang iba ay kilala ko mula sa bussiness world,ang iba ay mga dating schoolmates. Agad naman nagsilapitan ang mga ito at kinamusta ako. Yung iba kasama pa ang mga asawa't anak.

"Kumain ka muna bro,at pagkatapos nun magkamustahan na tayo na may kasamang alak." sabi naman ni Koddie,teammate namin sa basketball noon.

"Sige,para makapag simula na,maaga din naman akong uuwi." ani ko at tinungo na ang buffet table. Kumuha lang ako ng saktong pagkain para sa akin saka ako bumalik sa table nila.

I Feel For You (boyXboy) - PUBLISHED UNDER TGIMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon