WINJI's Point of view
Kahit anong pilit sa akin ni Keejay na magpaalam ng maayos kay kuya Uriel ay hindi ako natinag,sinabi pa nya na kahit daw kay Leer lang ay ipasabi ko kung saan ako pupunta.
Tatlong araw na ang nakakalipas mula ng mangyari yon,pero parang kanina lang nangyari ang lahat. Kinapalan ko talaga ang mukha ko at inutusan si Keejay na kumuha ng ticket ko papuntang Cebu. May isa akong kaibigan dun na tulad ko ding bading,actually kaibigan namin ni Leer nung elementary,lumipat lang sila sa Cebu dahil kailangan. Gusto sanang sumama ni Keejay pero hindi ako pumayag,ayoko madamay sya at ayokong masira ang pag aaral nya dahil sa akin. Ako kasi eh sira na,wala ng pag asa,sa Cebu,dun ulit ako magsisimula,pwede naman dumalaw dun si Keejay kung gusto nya. Ngayon nga nandito na kami sa pier at hinihintay si Leer,makapag usap man lang kami bago ako umalis.
"Sigurado ka na ba talaga dito? Nagpalit ka din ng number,wala ng ibang makaka contact sayo,maliban sakin at kay Leer,pano ang kuya mo?" ani Keejay habang palingon lingon kami sa paligid.
"Buo na desisyon ko,ito ang gusto kong gawin. Si kuya? Ipapa abot ko na lang kay Leer ang sulat na ginawa ko kagabi." ani ko at may napansin akong palapit sa amin. "Andyan na si Leer."
Sa isang iglap ay nakayakap agad sa akin si Leer. Namiss ko agad sya,na miss ko ang bestfriend ko.
"Hindi na ako magtatanong kung anong nangyari,dahil hindi naman ako manhid sa mga nangyayari sa paligid ko. Ang tanong ko lang 'Ji. Do you really have to do this? Magbabago ang buhay mo,buhay namin, pano ang pag aaral mo?" malungkot na sabi ni Leer ng maghiwalay kami sa yakap. Tiningnan nya si Keejay at tinanguan.
"Naplano ko na ang lahat ng ito at hindi na magbabago ang desisyon ko Leer. Masyado ng masakit,ayoko nitong nararamdaman ko." sagot ko at kinuha sa bulsa ang sulat para kay kuya Gradd. "Pag dumating si kuya,pakibigay ang sulat ko." dagdag ko pa.
"Mukhang hindi na talaga kita mapipigilan. Kase alam mo Ji,hindi lang naman ikaw ang may pasan ng krus,pati si kuya Uriel,sana bago mo marealize ang lahat,hindi pa huli." ani Leer at tinanggap ang sulat.
Hindi ako sumagot. Bagkus iba ang sinabi ko. "Alagaan mo ang sarili mo. Gusto ko,sa muli nating pagkikita ay kayo na ni Kii,magiging masaya ako para sayo,Leer." at pinunasan ko ang luha ko. Ito ang ayaw ko,ang paalaman kaya mas gusto ko yung walang nakaka alam.
"Gano katagal? Pwede kitang tawagan? Makausap?" aniya at tumulo na din ang luha nya. Bagay na hindi ikinakahiya ni Leer,ang pag iyak.
"Oo naman. Basta huwag mong ipapaalam kay kuya Uriel,at pag mag uusap tayo,gusto ko huwag syang mabanggit."
"Nag mature ka na nga pero kulang pa. Grabe,ngayon lang tayo magkaka layo ng ganito Ji."
"M-mami-miss kita,bestfriend ko." tuluyan ng nag crack ang boses ko,at ako na mismo ang yumakap sa kanya.
"Ma-mimiss din kita ng sobra. Hindi ko alam kung gaano ko ito katagal maitatago kay kuya Uriel,pero makaka asa ka,may isang salita ako Ji." sagot nya habang magkayakap kami. "Mag iingat ka dun ah?" aniya pa at nagkalas kami sa yakap.
"Oo,mag iingat ako. Ikaw din,goodluck kay Kii at sa pagiging agent." naka ngiti kong sabi.
"Teka,kanino at san ka titira dun?"
"Sa isang kaibigan natin." sagot ko.
"Winji. Tinatawag na yung mga pasahero papuntang Cebu." ang pag interrupt ni Keejay.
-----
Inilapag ko ang ipad ko sa lap ko pagkatapos kong makipag chat sa kaibigan kong tutuluyan sa Cebu. Ang sabi nya welcome ako dun dahil mag isa lang daw sya sa inuupahan nyang maliit na bahay. Mabuti na lamang at marami pa akong savings sa bank account ko,yun ang gagamitin ko para magsimula ulit para makapag aral ulit next year.
BINABASA MO ANG
I Feel For You (boyXboy) - PUBLISHED UNDER TGIMS
RomansaBOYXBOY GAY YAOI BROMANCE -Si Uriel Delgado ay isang 25 years old bachelor na sadyang kilala at hinahangaan ng lahat dahil sa murang edad ay multi-billionare na sya at may sariling bussiness na pinapatakbo,but nobody knows kung pano sya nagkakapera...